You are on page 1of 1

Ospital sa Bayan

Malalim na nag gabi, ngunit naririnig pa rin ni Edna ang kaniyang ina na ubo ng ubo.
“Inay, uminom na po ba kayo ng gamot?” tanong ni Edna sa kaniyang ina.
“Oo anak, huwag kang mag – alala sa akin. Gagalimg din ako,” tugon ni Aling Rusing.
Ngunit nagpatuloy pa rin sa pag – ubo si Aling Rusing. Hinanap ni Edna ang kaniyang ama.
Nakasalubong naman niya ang kaniyang ama na pauwi na.
‘Itay, saan po kayo galing? Si Inay po ay kanina pa po iniihit ng ubo,” sunod na sunod na
sabi ni Edna.
“Naku, pasensiya ka na anak. Inatake si Mang Berting na kapitbahay natin. Kaya
nagtulong – tulong kaming madala siya sa ospital,” wika ni Mang German.
‘Saan ka ba galing German?” tanong ni Aling Rusing na asawa.
“Nakipag kwentuhan lamang ako kina Pareng Berting at Mareng Auring, nang biglang
nagsabi si Pareng Berting na siya ay nahihilo at maya – maya ay natumba na siya at inatake na
pala. Sinugod naming agad si Pare sa malapit na ospital. Mabuti na lamang at may
pampublikong ospital sa bayan,” paliwanag ni Mang German.
‘Salamat naman! Maaari bang bukas na tayo magpunta ng ospital? Malalim na rin kasi
ang gabi, saka para malaman na rin natin ang kalagayan ni Pareng Berting,” wika ni Aling
Rusing.
Isinara na ni Edna ang pinto. Natulog na sila ng kaniyang tatay at nanay.

TANONG:
1. Sino – sino ang tauhan sa kwento?
 Edna, Mang Berting, Mang Auring at Mang German
2. Bakit hinanap ni Edna ang kanyang ama?
 upang sabihin na ang kanyang nanay ay inaapoy ng lagnat
3. Saan galing si Mang German?
 sa ospital
4. Bakit dinala sa ospital si Mang Berting?
 dahil inatake at nahilo ito
5. Sino ang asawa ni Mang German?
 Aling Rusing
6. Ano ang katangian ni Edna?
 Maalaga, maaalahanin
7. Tama ba ang ipinikita ni Edna na katangian?
 Oo
8. Ano ang katangian ni Mang German?
 Matulungin sa kapwa
9. Kailan nangyari ang kwento?
 Isang malalim na gabi
10.Saan ang tagpuan ng kwento?
 Sa bahay

You might also like