You are on page 1of 21

FIL 103

Panitikang Filipino

BSED ENGLISH 2B

Mga Akda sa Panitikan ng Pilipinas ( 1986 Hanggang Kasalukuyan)

Group 4

Aidyl Sadio

Denzil Silva

Johanie Catas

Jean Rica Velas

Alliyah Jane Andoyan

Jonash Marane

Ipinasa kay

Marionito Jr Alacio

Sa Pagpasok ng Kuwaresma (alay sa yumao ng Ozone Disco)

ni Benilda Santos
Hinog na naman

Ang mga mangga, anak.

Kahapon, ibinili kita

Ng paborito mong malapit nang mahulog

Sa pagkahinog. Pinili ko ang bawat isa

Nang buong ingat. Sabi ko pa

Kailangang lubus-lubos ang saya

Sa iyong pagtatapos. Kagabi, nang hindi ka

Umuwi

Binaligtad ko ang unan

Nang maputol

Ang di-mapatid-patid na kaba.

Hapon na nang dalhin ka nila

Sa akin.

Minasdan kita. Dinaluhong.

Paano kakanlungin ang mga buto?

Paano hahaplusin ang pisnging guwang na lamang?

Nasaan ang iyong palad? Paano babangon ang abo?

Saan dudulog?

Maisusumpa ko ang panahon ng manggang hinog,


Tula: Putol

Ni Michael Coroza

May kanang paang

Putol

Sa tambakan

Ng basura.

Naka-Nike.

Dinampot

Ng basurero.

Kumatas

Ang dugo.

Umiiling-iling

Ang basurero’t

Bumubulong, “Sayang, wala na namang kapares.”

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna

ni Edgar Samar
Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. “Uuwi na ang Nanay mo!” sabi niya habang
nasisilip ko na halos ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa
rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga nakikita nang totohanan si Nanay.

Alam ko lang ang itsura niya dahil sa mga picture. Lagi siyang may karga-kargang bata.
Nung nakaraang Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa. Isang beses ko pa lang
siyang nakausap sa telepono. Itinanong ko kung ano’ng hiniling kay Santa nung batang buhat-
buhat niya. Tawa lang nang tawa si Nanay. Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.

Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong. Karga-karga nga
raw ako ni Nanay nang ihatid siya sa airport ng buong angkan namin. “Tatay, bakit po ba umalis
si Nanay? Tinitigan muna ako ni Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may
itinatanong ako tungkol kay Nanay. “Alam mo anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa
ibang bansa. Aba, ang galing naman kasi ng Nanay mo.”

Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyun milyong mikrobyo sa bahay. Isang
pasada lang niya ng wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit.

“Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa maghapon, kuskos
dito, piga doon. Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada.”

“Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power.” Anong parang si Darna? Si Darna
talaga ang Nanay mo, pagmamalaki ni Tatay. “Aba, kahit sino’y hindi niya inuurungan!
Sinumang umiiyak na bata’y tumatahan agad kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustung-gusto
siya ng kaniyang tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin.”

“Pero ‘Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit di na lang niya
liparin papunta rito sa ‘tin para mabilis?” Napangiti lang si Tatay. “Liliparin nga niya. Kaso lang,
kailangan niyang tawirin ang isang malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin.”

Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya maligaw? Hindi
tuloy ako makatulog nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko
siya sa mga magiging kaklase ko sa pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko!

Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay? Aba, hayun
nga’t may bumababa sa dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay
ang babae sa picture. Ang ganda pala lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang itsura niya kapag
siya na si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang isang malaking kahon. Hila-hila naman ni Nanay ang
isang malaking bag.

Nahiya akong magpakita kay Nanay pero ‘yung ibang mga tao?mga tito at tita ko, mga
kapitbahay namin?nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si
Darna? Saan kaya niya itinago ‘yung batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan
ni Nanay ang kahon.

Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw ng buhok
para kay Tiya Lupe. Iyung pantimpla ng kape kina Letty. Lyung pandurog ng mga prutas kina
Manong Ben. Ang dami pang iba. Ang galing! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni
Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na madyik para sa akin?

At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa mahal kong
anak na si Popoy.” Ako ‘yon! Aka yon! Naalala pala ako ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng
pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa siya ng isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit
hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa mga power niya?

Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. “Nanay, kayo po ba talaga si
Darna?” Napatingin lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay.
Ngumiti rin si Nanay at saka ako niyakap nang mahigpit na mahigpit.
Alyas Juan Dela Cruz

Ni Amelia Flores

JUAN lamang ang nalaman niyang pangalan ng lalaking minsan ay naging pasyente niya. Ni
hindi niya nalaman ang apelyido nito, o ang tunay na edad, o ang bayang pinagmulan. Hindi rin
niya matiyak kung totoong may asawa nga si Juan at may dalawang musmos pang mga anak.

Ngunit manaka-naka ay naaalala niya ito. Si Juan na may mga tatlumpu hanggang tatlumpu’t
limang taong gulang, matipuno ang pangangatawan, sunog sa araw ang balat; may pangahang
mukha, makakapal na mga labi at malalaking mga kamay. At sa tuwing sasagi sa isip niya si
Juan, nagugunita rin niya si Dr. John Nolasco, si Sister Elizabeth at ang nurse na si Edna. Saka
niya naitatanong sa kanyang sarili: ang nangyari ba kay Juan ay kagustuhan na ng Diyos?
Naging pasyente ni Dr. Raymond Riego si Juan nang nasa ikalawang taon siya ng kanyang
residency sa isang kilalang ospital sa Cavite. Mga alas-otso ng gabi nang ipasok si Juan sa
emergency room. Buhat-buhat ng dalawang maskuladong lalaking ang isa ay kalbo at ang isa pa
ay mahaba ang buhok. Naka-shorts na itim at sandong puti ang buhat-buhat na lalaki at parehong
nakapantalong maong at T-shirt ang dalawang naghatid.

“Napa’no yan?” tanong ni Edna, nurse na kasama ni Dr. Raymond Riego at naka-duty rin sa
emergency room nang gabing iyon. “Nagtatae, Ma’m,” sabi ng kalbo. “Lambot na lambot ho.
Hindi na makalakad.” “Dito, dito,” sabi ng nurse, sabay-turo sa stretcher na nasa isang tabi ng
emergency room. Inilapag doon ng dalawa ang pasyente. Apat na lahat ang mga stretcher na nasa
emergency room. Okupado ang isa ng batang babaeng mga lima o anim na taon ang edad.
Sinusuri ng residenteng doktora. Nakapanood naman sa may paanan ng bata ang may
kagulangan nang babaeng naka-daster na marahil ay ina o kamag-anakan ng bata.

Nilapitan ni Raymond ang bagong dating na pasyente. Ineksamen niya, Nanlalalim ang mga
mata nito. Tuyot at ang mga labing maputla. Nangingitim ang mga kuko sa kamay. Nanlalamig
ang mga brasong namamasa-masa sa pawis. Dinama niya ng stethoscope ang dibdib ng pasyente.
Napansin niya ang mabilis na paghinga. “Kelan ka pa nagtae?” tanong niya rito. Dumilat ito
nang bahagya. Bumukas ang bibig ngunit walang lumabas na kataga. Parang umungol o dumaing
laming. At alam ni Raymond na sa gayong kondisyon ng pasyente, tuyung-tuyo na rin ang
lalamunan nito at hindi na kayang magsalita. “Dehydrated na to,” sabi niya sa babaeng medical
intern na lumapit para kumuha naman ng blood pressure. “Oo nga, Sin” sabi nito. “Kung
naatraso pa ng konti, goodbye na.” Bumaling si Raymond sa dalawang naghatid sa pasyente.
“Ano’ng pangalan Ng pasyente?” sabi niya. Ang kalbo ang sumagot. “Juan, Sir.” “Ilang araw na
bang nagtatae si Juan?” “Hindi ho namin alam,” sabi ng kalbo. “Pero nagtrabaho pa ho ‘yon
kahapon. Kanina lang hindi. Pahiga-higa lang sa bodega. E, ngayon hong gabi, akala namin tulog
lang. E, nangangamoy ho, e. Basang-basa ng dumi ang damit. Pati nga ho higaan, basang-basa.
Pinaliguan lang muna namin.” “Nasaan ba ang pamilya n’ya?” tanong ni Raymond. “Hindi
namin alam, Sir,” sabi ng kalbo. “Dayo kasi ‘yan, e. Kelan lang namin nakasama sa trabaho yan.
D’yan ho, sa Summerwind, sa ginagawang dormitoryo.” “Dr. Riego!” tawag ng intern na
kumuha ng blood pressure ng pasyente. Napatingin siya rito. “Bagsak na ang B.P. nito,” sabi ng
intern.

Dinukot ni Raymond ang prescription pad sa bulsa ng kanyang blazer. Gumawa siya ng reseta:
dalawang klase ng suwero at mga gamut. Ibinigay niya ang reseta sa kalbo. “Bilhin n’yo kaagad
yan,” sabi niya. Hawak ang reseta, ngumisi ang kalbo. “Sir, e, wala ho kaming pera,” ang sabi at
nagkamot ng ulo. Napatingin si Raymond kay Edna na nagsusulat ng information sheet.
Tumingin din ito sa doctor. Ngumiti. Umiling at nagbuntunghininga.“Eto na naman kami,” sabi
ni Edna. “Pakitawagan mo muna si Sister Elizabeth, Edna,” pagkuwa’y sabi ni Raymond. Si
Sister Elizabeth ang administrador ng ospital. “Sabihin mo, ikukuha na muna natin sa pharmacy
kung pwede. Sabihin mo ang kondisyon ng pasyente.” Papalabas na ng emergency room ang
nurse nang pumihit at magtanong. “Ano nga’ng buong pangalan ng pasyente?” “Juan, Juan,
Ma’m,” sabi ng mahaba ang buhok. “Ang apelyido? Ano’ng apelyido n’ya?” Nagtinginan muna
ang dalawang naghatid kay Juan, saka sinabi ng kalbo, “Hindi ho namin alam.” “Teka,” sabi ni
Edna. “Juan din lang ang pangalan, gawin nating Dela Cruz ang Apelyido, Pinoy na pinoy ang
dating. Juan dela Cruz!” Napangiti si Raymond sa kapilyahan ng nurse. “Okey ba ‘yon, Doc?”
“Sige,” sabi niya. “Baguhin na lang pag nakausap na ang pasyente,” Nakatawa pa ring lumabas
ng emergency room ang nurse. Nagsimula namang. Kumuha ng ibang impormasyon ang intern
sa dalawang naghatid kay Juan. “Ang address ng pasyente?” “Taga-Samar ho Ma’m ‘yan,” sabi
naman ng kalbo. “Ano’ng trabaho n’ya?” tanong ng intern. “Piyon ho,” sabi ng kalbo. “A,
laborer.” Isinulat iyon ng intern. “E, sino ang sasagot sa gastos? Libre ang doktor dito, pero kayo
ang bibili ng ibang gamot. Ang dextrose, kayo ang bibili ng dextrose.” Hindi umimik ang
dalawang tinatanong. Nagsulyapan lang saka ibinalik ang Tingin sa intern. Pinagmasdan ni
Raymond si Juan. “Maraming kakailanganing suwero ‘tong pasyente n’yo. Baka kung mga
tatlong araw lang, tumigil s’ya rito sa ospital.” Hindi rin kumibo ang kalbo at ang mahaba ang
buhok. “Baka mabuti,” sabi ni Raymond. “Hingan n’yo ng tulong ang kontratista n’yo. Ano ba
‘yong ginagawa n’yo, kontrata ba ‘yon?”

“Oho. Pero ewan ko lang ho kung tutulong ‘yon. Sasabihin din ho namin.” Nakabalik na si Edna,
dala ang dalawang boteng plastik ng suwero at mga gamot. Nagtulong ang intern at si Edna sa
paglalagay suwero kay Juan. “Nalimutan ko nga pala ang diaper,” pamaya-maya ay sabi ni
Raymond. “Lalagyan s’ya ng diaper. Walang control sa pagdumi ‘yan, baka magkalat. Isosolda
n’yo rin, Edna. Tingnan natin kung lihi ng maayos.” Tumawag ng lalaking attendant si Edna para
makatulong sa pagdadala kay Juan sa charity ward. “Dapat sana sa ICU s’ya,” sabi ni Raymond
kay Edna. “Pero parehong okupado ang dalawang kama sa ICU ng charity.” “Sa itaas, maraming
bakante,” sabi ng intern. “Hindi bale,” sabi ni Raymond. “Imonitor na lang na mabuti.” Nang
ilalabas na si Juan sa emergency room para dalhin sa charity ward, tinanong niya ang dalawang
naghatid dito. “Sino ba sa inyo ang pwedeng magbantay?”

“Me trabaho bukas, Sir,” sabi ng kalbo. “Hindi ako p’wede.” Lumipat ang tingin ni Raymond sa
mahaba ang buhok. “Hindi rin ho ako p’wede,” sabi nito. “Pag hindi ako gumawa bukas,
magugutom ang pamilya ko.” “E, magtanong na lang kayo kung me kamag-anakan s’ya rito,”
sabi ni Raymond. “Makapagbantay man lang sana.” “Oho, Sir. Sasabihin tuloy namin sa
kontratista namin. Baka sakaling tumulong.” Nang makaalis ang dalawang naghatid kay Juan,
naiwang nag-iisip si Raymond. Alam niyang maraming kakailanganing suwero si Juan, pati na
gamot. Natitiyak din niya na hindi lalargahan ng pharmacy ang kabibigay ng suwero at gamot
para kay Juan. Limitado iyon. Tinawagan niya ang kaibigan niyang residenteng doktor din na
naka-duty sa Intensive Care Unit ng mga pasyenteng may bayad. Inalam niya kung may naitatabi
pang mga natirang suwero sa ICU. Mga bote ng suwerong nabuksan na ngunit hindi naubos sa
pasyente dahil hindi na kailangan, o nakamatayan ng pasyente nang hindi pa nauubos ang laman.
Natuwa siya nang malamang mayroon pa. Ipinakuha niya agad iyon sa isang intern at ipinadala
sa charity ward.

Hindi nakalalagpas ang dalawang oras na hindi pinupuntahan ni Dr. Raymond Riego si Juan.
Parang naging personal na responsibilidad niya ito. Naaawa siya dahil ang pakiramdam niya ay
tila ba bagahe si Juan na basta na lamang iniwan sa isang lugar. Nag-lisa. Walang pera. Walang
kamag-anak o kakilala man lamang na magmamalasakit. Na para bang ito ay may buhay na
walang kahala-halaga. Dalawang ulit na dumumi si Juan sa magdamag. Hindi nakapigil ang
adult Diaper sa pagkalat ng dumi sa kama. Ngunit naging maayos ang pag-ihi ni Juan, Mahusay
ang urine output. Alas-nuwebe ng umaga nang muling dumumi si Juan, pero hindi na gaanong
marami. Dumidilat na rin ito bagama’t paos na paos pa rin ang boses at hindi maintindihan ni
Raymond ang sinasabi kapag kinakausap niya. Ipinanghingi niya ng suwero at mga sampol na
gamot si Juan. Sa mga medical representatives, sa mga kasamahan niyang residenteng doktor at
sa mga consultant nila sa ospital. At napalagay ang loob niya na gagaling ang kanyang pasyente.
Bago nag-off-duty si Raymond kinahapunan, ibinilin niya si Juan sa kasama niyang residente na
siya namang magiging duty sa kinagabihan. Kay Dr. John Nolasco. “Bahala ka na sa pasyente
ko, John,” sabi niya “Nasa charity.” “Ano’ng pangalan?” tanong ni Dr. Nolasco. “Juan.” Naisip
niya ang isinulat ni Edna sa chart. “Juan dela Cruz.” “Juan dela Cruz, ha?” Tumawa si John.
“Sige, bahala na ako, ang sabi.

WALANG-WALA sa isip ni Raymond na magkakaroon ng problema ang kalagayan ni Juan


nang umuwi siya ng bahay bandang alas-singko ng hapon. Ngunit nang magbalik siya sa ospital
kinabukasan at puntahan niya si Juan sa charity ward, nabigla siya sa itsura nito. Namamaga ang
mga mata ni Juan. Sa bibig ito humihinga. Dinama niya ng stethoscope ang dibdib ng pasyente
habang nakamasid ang nurse na sumunod sa kanya. Magalasgas ang dinig niya sa paghinga ni
Juan. Parang may rales, may tubig ang baga. Kinuha niya ang chart ni Juan na dala ng nurse at
binasa. “Tang ‘na! Anim na oras nang hindi umiihi ang pasyente, wala kayong ginawa? Hindi
umimik ang nurse ngunit halata ang pagkagulat sa mukha. Nakatingin nang lahat sa kanila ang
mga pasyente sa ward. Pati na ang mga nagbabantay. Ang matandang lalaking pasyente na
nakaupo sa kama at humahaplos sa dibdib ay tumigil sa ginagawa. Ang kabataan pang babae na
nakatayo sa tabi ng kama ng isa pang pasyente ay nakanganga pang tumutok ang mga mata sa
lugar ni Juan. Pinatigil agad ni Raymond ang suwero ni Juan. “Me fluid overload na, sobra pa rin
ang lakas ng suwero!” Umiling siya. Binalingan niya ang nurse. “Hindi ba s’ya pinuntahan ni Dr.
Nolasco?”

“Hindi ko alam, Sir,” sabi ng nurse. “Off ako kagabi. Kanina lang seven ako magduty.” Nagbuga
ng hininga si Raymond. Naging mainit na mainit ang pakiramdam niya. “I-oxygen n’yo!” sabi
niya sa nurse at rumaragasa ang mga hakbang ng lumabas siya ng ward. Hinanap niya si Dr.
John Nolasco. Nakita niya ito sa emergency room na may kausap na residenteng doktora.
Maraming tao sa emergency room pero hindi iyon pinansin ni Raymond. Wala siyang pakialam.
“John! Ano’ng nangyari sa pasyente ko?” pabulyaw niyang sabi. Kumunot ang noo ni Dr. John
Nolasco. “Ano ‘yon?” “Yong ibinilin ko sa ‘yo! Nasa charity! Ipinakiusap ko sa ‘yo, di ba, na
tingnan Mo tang!” Mukhang nag-iisip na saglit na tumungo si Dr. Nolasco, saka tuminging muli
kay Raymond. “Bakit ba?” “Tang-na! Me fluid overload! Anim na oras na hindi umiihi, full blast
pa rin ang I.V. ng pasyente!” “Teka! Teka!” sabi ng residenteng doktora na nakaharap sa dalawa.
“Sa labas natin pag-usapan ‘to.” Pero ayaw magpaawat ni Raymond. “Pinabayaan mo!” sabi niya
kay John. “May pulmonary congestion na! Hindi na makahingal Tinubig na ang baga!”

Nakatinging lahat sa kanila ang mga nasa emergency room. Mga nurse, intern, pasyente at mga
kasama ng pasyente. “E, panong gagawin ko? Sobra ang dami ng emergency kagabil” katwiran
Ni John. “Gago!” sabi ni Raymond. “Sisilipin mo lang, iyan ang ikakatwiran mo?” “Teka!
Teka!” sabi uli ng doktorang kaharap nila. Ngunit maliit na maliit ang tingin ni Raymond kay Dr.
John Nolasco. Tila gagadangkal. Wala na siyang respeto sa kasamang doktor. Naghahalo na sa
isip niya ang awa kay Juan at ang galit kay Dr. Nolasco. At nagagalit na rin siya sa ospital, sa
kalakhan ng pagamutan, dahil ang mga pasyente lamang na kayang bumayad ang may
karapatang mabigyan ng tamang panggagamot. Itinulak niya si Dr. Nolasco. Malakas ang
pagkakatulak niya at sumadsad sa sahig, Bumunggo ang likod sa kalapit na stretcher. May
bumulalas ng Ay! May nagsabi ng Ay, bakit? Nag-away ba? Pinukol muna ni Raymond ng
pailalim na tingin si Dr. Nolasco na nakaupo pa sa sahig saka niya nilisan ang emergency room.
Pinuntahan agad niya ang kanilang chief resident sa silid ng departamento ng internal medicine
sa second floor ng ospital. Sinabi niya ang kaso ni Juan pero hindi muna siya burnanggit ng
tungkol sa pagkakatulak niya kay Dr. Nolasco. Nagbuga ng hininga ang chief resident. Saka
sinabi, “Yan ang irony ng buhay” Natahimik ang dalawa. Muli sa rin Pamaya-maya, sabi ni
Raymond, “Hindi ba natin pwedeng kausapin si Sister Abas Elizabeth?”

“Para ano, para sagutin ng ospital ang dialysis?” Umiling ang chief resident. “Nasubukan ko na
yan. Ikakatwiran lang n’ya, administrador lang s’ya. Me policy ang ospital.” “Wala namang
mawawala kung sumubok uli tdialysiiit ni Raymond. Matagal na tumingin kay Raymond ang
chief resident. Pagkuwa’y sinabi, “Sige, tena!” Umakyat sila sa ikatlong palapag ng ospital.
Tinungo ang opisina ni Sister Elizabeth. Ngunit wala roon ang administrador. May pinuntahan,
sabi ng sekretarya. “Me dala ba siyang cellphone?” tanong ng chief resident. “Meron,” sabi ng
sekretarya. Ibinigay sa kanila ang numero ng cellphone ng Madre. Dinukot ng chief resident ang
cellphone nito sa bulsa ng pantalon. Dumayal May nakausap. “Good morning, Sister,” narinig ni
Raymond na sabi ng chief resident. Narinig din niya nang sabihin nito ang kaso ni Juan. Ang
pangangailangan sa dialysis. May dalawang minuto ang inabot ng pag-uusap.Saka sinabi nito
kay Raymond, “Malabo, I-refer daw natin sa DSWD, para mag-request sa PCSO ng pambayad.
Tulad ng ginagawa ng ibang pasyente sa charity ward.”.

“Naghihingalo na nga ang pasyente,” sabi ni Raymond, “paano pa aabot von?” Walang imikang
lumabas ng opisina ni Sister Elizabeth ang dalawang doktor. Nagtapikan lang nang maghiwalay
sa paglalakad sa pasilyo. Hindi pa nagtatagal, narinig ni Raymond ang tawag sa kanya sa paging
system ng ospital. Kailangan siya sa charity ward. Dinatnan niya sa ward ang mga pasyente at
mga nagbabantay na nakatinging lahat sa lugar ng kama ni Juan. Tumigil lamang ito sa ginagawa
nang makalapit si Raymond. Nakabakas ang kalungkutan sa mga mukha ng mga taong nasa
ward. Tahimik na. Ang ugong ng mga sasakyan sa di kalayuang paradahan, Ang naririnig sa loob
ay mga kaluskos ng mga paang naglalakad sa labas.Ibinukas ni Raymond ang isang mata ni Juan.
Pinagmasdan niya. Saka niya ito pinulsuhan sa leeg. Sa mga sandaling iyon, alam niyang wala na
ring magagawa kahit pa i-dialysis si Juan. Huli na. Hindi lamang ang kidney ni Juan ang tumigil.
Pati na ang baga. Pati na ang puso. Napailing si Raymond lalong namuno ang katahimikan sa
loob ng ward. Mga mata lamang ng mga naroroon ang gumagalaw. Waring nakikiramdam na
lahat sa maaari niyang gawin. “Takpan mo na ng kumot,” sabi niya sa nurse. May narinig siyang
nagsabi: “Kawawa naman.” May nagsabi pa rin: “Sayang, Bata pa.” Saka nagsabay-sabay ang
bulungan at tanungan. Tumalikod na si Raymond at nakatungong naglakad palabas sa charity
ward.

Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino at tinungo niya ang kanyang kotse sa paradahan.
Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at ini-on ang air-con. Bahagyang inihiga ang sandalan
ng upuan, saka pumikit, at paulit-ulit na huminga nang malalim.

IPINATAWAG siya ni Sister Elizabeth kinabukasan. Bukas ang pinto ng pribadong kuwarto ni
Sister Elizabeth nang puntahan niya. Wala doon ang sekretarya. Nakatungo at may sinusulat ang
madre sa mesa. Kumatok nang mahina si Raymond sa nakabukas na pinto. Nag-angat ng mukha
ang madre at tumingin sa kanya. Inilapag ang bolpen sa papel na sinusulat saka nag-alis ng
salamin sa mata. “Dr. Riego?” ang sabi sa tonong parang gustong matiyak na siya nga si
Raymond Riego. “Good morning, Sister,” sabi niya. “Please come in,” sabi ng madre na
naglahad ng kamay paturo sa silyang nasa harap ng mesa. Naupo si Raymond. “Ipinatawag n’yo
raw ako, Sister,” sabi niya. Pinagsalikop ng madre ang mga daliri saka itinuon ang magkabilang
siko sa mesa. “Me nakapagsabi sa nangyari sa inyo ni Dr. Nolasco,” sabi nito. “Gusto ko munang
marinig ang explanation mo, bago ito pag-usapan ng ethics committee.”

“Saan n’yo gustong magsimula, Sister? No’ng ipasok sa emergency room ang pasyente o nito
nang magalit ako kay Dr. Nolasco?” “Mas mabuti siguro kung sisimulan mo sa emergency
room,” sabi ng madre. Humaplos muna sa batok si Raymond saka siya nagsimula. Sinimulan
niya sa lalaking naghatid lamang at hindi na nagbalik. Hanggang sa manghingi siya ng oras na
idating si Juan sa emergency room, buhat-buhat ng dalawang maskuladong mga tira-tirang
suwero at gamot sa Intensive Care Unit ng ospital at mga sampol ng gamot at suwero sa mga
medical representatives, sa mga kasamahan niyang residente at mga consultants nila. Hanggang
sa ibilin niya ang pasyente kay Dr. John Nolasco at iwan niya itong mabuti-buti na ang lagay. At
ng magbalik siya kinabukasan at nakitang may fluid overload na ang pasyente. Anim na oras na
hindi umiihi, malakas pa rin at tuluy-tuloy ang suwero, nang wala man lang ginawa ang mga
naka-duty sa ospital.

“Galit na galit ako kay Dr. Nolasco, Sister, kaya ko s’ya naitulak,” patuloy ni Raymond. “Isipin
n’yo naman, thirty… thirty-five years old, namatay…” Napailing siya. “Namatay, dahil lang sa
diarrhea.” “Nagkaroon daw ng kidney failure, kaya nag-fluid overflow.” “Totoo po ‘yon,” sabi ni
Raymond. “Pero kung natingnan ang pasyente at nakita agad na hindi na pala umiihi, nabigyan
sana agad ng pampaihi at na regulate ang I.V.. Isipin n’yong anim na oras na sige-sige ang pasok
ng suwero sa katawan ng pasyente, e wala nang urine output? Parang nilunod ang pasyente na sa
ugat pinadaan ang tubig at hindi sa ilong o sa bibig.” Tumuwid sa pagkakaupo ang madre. “Nang
itawag n’yo sa akin na kailangang Ma-dialysis agad ang pasyente… mabubuhay ba s’ya kung na-
dialysis agad?” “Yong oras na ‘yon, hindi na rin po aabot,” sabi ni Raymond. “Dahil sandali
lang, pagkatawag namin sa inyo, nag-expire na ang pasyente.” Nagbuntunghininga si Sister
Elizabeth. Waring naginhawahan ang pakiramdam at umaliwalas ang mukha. “Pagkatawag n’yo
sa ‘kin,” ang sabi, “nakaramdam ako ng guilt. Nakonsensiya ako na hindi ko kayo mabigyan ng
authority para ma-dialysis ang pasyente. Pero alam mo namang hindi sa atin ang dialysis center.
Pag hindi nakabayad ang pasyente, ang ospital ang magbabayad. At pareho lang tayong
nagtatrabaho sa ospital na to, Dr. Riego. And to tell you, marami akong gustong gawin, na alam
kong tama, pero hindi ko magawa.”

Tumangu-tango si Raymond. “Naiintindihan ko kayo sa parting ‘yan, Sister. Ang isinasama lang
ng loob ko, namatay ang pasyente dahil napabayaan. Kung nasa ICU s’ya, kasama ng mga
pasyenteng maybayad, nabantayan sana siyang mabuti at hindi namatay.” “Kung minsan, Dr.
Riego, bigla-bigla na lang na dumarating ang kamatayan. Hindi natin alam kung kelan. Alisin
mo na ang galit sa dibdib mo. Perhaps… it’s God’s will.” Matabang na ngumiti si Raymond “Sa
panahong ito, Sister, nakagagawa na ng heart transplant… ng kidney transplant. Marami tayong
mayayamang pasyente na grabe na ang sakit nang ipasok sa ospital, pero napagaling natin sila. E,
ang pasyente ko, bata pa… pagtatae lang, namatay. Iba kaya ang Diyos ng mga me pera, Sister,
at ang Diyos ng mga wala?”Wala siyang nakitang reaksiyon sa mukha ni Sister Elizabeth.
Tumingin lang ito sa kanya, saka nagtanong, “Ilang taon ka na, Dr. Riego?” “Twenty-seven…”
Tumangu-tango ang madre. “I’m sixty-two. Ngunit hanggang ngayon, at my age, me mga tanong
pa rin akong hindi ko masagot. Kung minsan ha, Dr. Riego, hindi mo ba naiisip kung gaano ka
kas’werte at naging doktor ka, gano’ng ang iba diyan e hindi man lang nakapag-aral? Hindi mo
ba naitatanong sa sarili mo kung bakit me mga nakatira sa mansiyon samantalang maraming
nagsisiksikan sa squatter’s area? Hindi mo ba naitatanong kung bakit me mga taong nagtatapon
ng pera sa mga kasino at mga klab, gano’ng ang iba’y nanghihingi ng limos at naghahalungkat sa
mga basurahan? Frankly, Dr. Riego, nagagalit din ako kung minsan. Yan ang totoo. And I
understand kung bakit ka nagagalit kay Dr. Nolasco, o siguro’y sa ospital na ting ito. Ngunit
kahit ano pa ang nararamdaman natin, kahit ano pa ang nakikita natin, naririyan pa rin ang reality
ng buhay na hindi natin matatakasan.”

Natahimik sila. Nakatingin sa kanya ang madre na tila ang mga mata ay napauunawa. Nakatingin
din siya sa madre na ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niya, naiintindihan niya, na
mahirap takasan ang katotohanan ng buhay. Alam niyang hindi mawawala ang katotohanang sa
lipunang ginagalawan ng tao, magpapatuloy pa rin ang pananagana ng mga nasa mansiyon at
paghahalungkat ng mga pulubi sa basurahan; ang pagtatapon ng pera ng mga mayayaman sa
bisyo at luho ng katawan samantalang ang mga walang makain ay nangag-abang-abang na sa
mga labasan ng restaurant at nanghihingi sa mga sakay ng mga kotseng natatrapik sa mga
lansangan. Ngunit nahihirapan siyang tanggapin na ang isang tatlumpu hanggang tatlumpu’t
limang taong gulang na lalaki ay namatay sa loob ng isang ospital, sa panahong nakapagpapalit
na ng kidney at puso sa tao, dahil lamang sa diarrhea.

Pinakiramdaman ni Raymond si Sister Elizabeth. Nang parang wala nang gustong sabihin sa
kanya ang madre, nagpaalam na siya, saka nagtanong. “Kelan po ako haharap sa ethics
committee, Sister?”“Pasasabihan kita,” sabi nito. Tumayo na siya at naglakad palabas. Nasa may
pintuan na siya nang marinig ang tawag ng madre. “Dr. Riego!” Tumigil si Raymond at humarap
kay Sister Elizabeth. “Gusto ko ang compassion mo para sa mga mahihirap na pasyente, Dr.
Riego sabi ni Sister Elizabeth. “That will make you a better doctor. Better than the rest”
Pinasalamatan niya si Sister Elizabeth, saka siya lumabas ng silid. Habang naglalakad sa pasilyo,
ninanamnam niya ang huling sinabi ng madre. Compassion, sabi nito. Simpatiya. Ngunit pera at
hindi simpatiya, kahit gaano pa kalalim, ang nakapagpapagaling sa mga maysakit, naisaloob ni
Raymond. Hindi compassion.

Makaraan ang dalawang araw, ginanap ang pagdinig ng ethics committee ng ospital na
pinamunuan ni Sister Elizabeth tungkol sa insidenteng nangyari kina Dr. Raymond Riego at Dr.
John Nolasco. Nagdesisyon ang komite na kailangang gumawa ng letter of apology si Raymond
para kay Dr. Nolasco upang hindi siya matanggal sa pagiging residenteng doktor ng ospital.
Binalaan din siya ng komite na kapag naulit pa ang insidente, tahasan na siyang aalisin sa
ginagampanang tungkulin. Ngunit hindi gumawa ng sulat si Raymond. Hindi siya humingi ng
paumanhin kay Dr. Nolasco. Kung mayroong dapat humingi ng paumanhin, sabi niya, si Dr.
Nolasco iyon. Dahil hindi man lamang sinilip ang kanyang pasyenteng si Juan sa charity ward ng
ospital. Nag-resign siya at nagtayo na lamang ng maliit na klinika na kung saan niya ginagamot
ngayon ang mga pasyenteng nagbabayad at ang mag pasyenteng walang ibabayad. Hindi na niya
nalaman kung may kamag-anak pang kumuha sa bangkay ni Juan sa morge ng ospital. O kung
nakarating man lamang sa mga ito ang balita ng pagkamatay ni Juan.

Ngunit batid niyang hindi niya ito malilimutan: ang lalaking mga tatlumpu hanggang tatlumpu’t-
limang taon ang gulang, matipuno ang pangangatawan, sunog sa araw ang balat; may pangahang
mukha, makakapal na mga labi at malalaking kamay. Si Juan, alyas Juan dela Cruz, na hindi man
lamang niya nalaman ang apelyido, o ang tunay na edad, o ang bayang pinagmulan. At kung
sakaling hangarin ng pagkakataon na makaharap niya ang mga naulila ni Juan, ang asawa at
dalawang anak nito batay sa sinabi ng kalbo at mahaba ang buhok na naghatid kay Juan at hindi
na nagbalik at magtanong sa kanya kung ano ang ikinamatay ni Juan, hindi niya alam kung kaya
niyang sabihin na ang ikinamatay ni Juan ay pagtatae, at dahil iyon marahil ay kagustuhan na ng
Diyos.

Subtext

Njel de Meso

Para sa isang taong inaalok ko dating mag-fine dining.

(Paalala: Kailangan ng maingat at masusing pakikinig sa mga bagay na d na binibigkas ngunit


mababanaagan sa teksto. Higit itong mas mahalaga kay teksto mismo.)

Tauhan:Babae at Lalake

Unang Eksena:

Hapunan.

Isang “Fine Dinning” Restaurant: Nakaupo at warly magsisimulang kakain ang isang lalake at
babae ng kani-kanilang pagkaing nakahain sa kanilang lamesa. Pareho silang bihis na bihis at
mukhang galing opisina.
Lalake: Nagbibiro lang ako nu’n…

Babae: Paano ko malalaman… na nagbibiro ka lang nu’n Hindi mo naman nilagyan ng “U” na
may umlaut sa dulo…

Lalake: “U” na may umalaut?

Babae: Oo. Yung “U” na may umalaut? Yung smiling face? At huwag kang magpapalusot na
bulok ang model ng telepono mo’t wala kang character na gano’n…

Lalake: Wala nga…

Babae: Pwede ba…

Lalake: Totoo… wala nga…

Babae: E di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang “open parenthesis” tapos “colon” or
“open parenthesis dash colon” kung gusto mong may ilong (hihirit ang lalaki) 0-0-o… huwag
mong sabihing wala ka pa rin ganu’n…

Lalake: Meron…

Babae: O kitam. Wala akong pakialam kung jolog ang cellphone mo, ang sa ‘kin lang… sana
gumawa ka ng paraan para hindi tayo nauuwi sa mga nakaka-iritang pag-uusap dahil ang labo
mo!

Lalake: Ang labo ko?!... Tama na kumain tayo (Pabulong) Ako malabo…

Babae: Oo ikaw! Hindi mo malaman kung seryoso ka, o galit ka, o naghihina! Nasaktan ako
nung natanggap ko yun, dahil kala ko seryoso ka… tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka
lang…

Lalake: (Magtataas ng boses) E sa wala nga ako nung “U” na may umalaut.

Babae: A basta… hindi ka gumagawa ng paraan.

Lalake: Oo na… next time… “open parenthesis dash colon”… may ilong pa iyon ha… Kumain
na tayo.
Babae: At isa pa, pa’no ko iisiping nagbibiro ka lang at di ka galit samantalang Naka-ALL CAPS
ang message mo, remember?! ALL-CAPS!?! Do you know what that means?!

Lalake: Tell me.

Babae: (Nangungutya) Hmm. Isipin natin. (Biglang sasampalin ang lalake) (Yan! Ayan ang
pakiramdam ng ALL-CAPS mol (Sisimulan ng babae kumain)

Lalake: Deja.’ Vu… for the Nth time… walang lower case function ang telepono ko!

Mga Dula

Masanay ka ng mukhang galit ang mga messages ko!

Babae:Ipanakaw mo na yang 2-liner, antiquated, cellphone mo para makabili ka na ng bagung-


bagong modelong may “U” na may umlaut at lower case function! Ang LABO MO!!

Lalake: Bakit ikaw rin naman ah?

Babae: Anong ako?

Lalake: Oo ikaw.

Babae: Ako… malabo? Excuse me!?! ‘Pag ako nagpapadala ng message, direct to the point,
malinaw pa sa araw.

Lalake: Bakit nung nililigawan kita puro “I LAB U” ang padala mo?!

Babae: So? Anong malabo dun?

Lalake: LAB? I,AB? Helllooooo… L-A-B?! (Pauses) Hindi L-U-V. Hindi L-O-V-E. Ang
pagkaka-“spell” mo… L-A-B!!! “I LAB U”. Matutuwa pa naman sana ako nung una kong
natanggap ‘yon. Sasarap sana ang gising ko. Pero nag-alangan ako… dahil baka biro lang o di
kaya’y pa-cute na konsuelo de bobo para dalhan pa rin kita ng dalhan ng paborito mong pulburon
araw-araw sa skul. Di ko malaman kung seryoso kang mahal mo… Tapos akala ko magbabago
‘yun nung naging tayo… Pero hanggang ngayon ganun pa rin. “I-L-A-B-U”. Ano kaya yun?!
Tell me, how am I suppose to commit my undying love to a person who sends half-hearted
messages of love like that?! ILABU? ANG LABO! Ikaw ang malabo!
Babae: This is unfair.

Lalake: Unfair!?! Sige nga, kelan mo na ako pinadalhan ng “I- Love – You” … yung buo ha?!
Hindi yung “I-L-A-B-U”?

Babae: (Mataray at sigurado) Kahapon. Hindi mo natanggap?

Lalake: Ayan ka na naman, Gagawin mo na namang palusot yang mga hindi ko natatanggap na
mga messages mo para manalo sa usaping ito. Pwede ba. Lumang tugtugin na ‘yan. At alam
naman natin na, sa ating dalawa, mas madalas ako ang nagpapadala ng messages sa ‘yo. At ugali
mo talagang hindi sumagot. Buwan, buwan, nauubos ang Pre-paid ko sa kakapadala ng “HOW R
U?” At ikaw?? Ni hindi mo man lang ako sagutin ng simpleng “K”. “K” lang ipagdadamot mo
pa sa ‘kin.

Babae: D'yos ko po,.. lahat ba ng messages mo kelangan kong sagutin. Para ka Namang batang
makulit!

Lalake: Syempre makulit ako. Mahal kita e: Interesado akong malaman kung anong nangyayari
sa ‘yo. Nag-aalala ako. At isa pa, di mo naman kelangan sagutin lahat ng messages ko. Pero
siguro naman dapat mong sagutin kung yung pinadala ko nagtatapos sa QUESTION MARK!!!
DI ba!?!

Babae: Susmaryosep! Ano naman ang gusto mong isagot ko sa mga messages mong nakalagay
lang “HEY”. “HEY” din? Mag-aaksaya pa ako ng piso para mag- “HEY”?

Lalaki: Bakit may question mark ba sa dulo yung mga “HEY” ko?!

Babae: Wala.

Lalaki: O e bakit mo sinasali yan sa usapan. Ang tinutukoy ko lang naman yung mga messages
kong may question mark sa dulo na hindi mo sinasagot. Pambihira ka.

Babae: My point is… madalas kang nagpapadala ng mga pathetic messages like “HI, HEY,
HELLO, INGAT, TAKE CARE,” o di kaya’y “HAV A NICE DAY.” For what? You’re wasting
your pre-paid!!! (Sandaling katahimikan)
Lalake: (Marubdob) Wasting MY Pre-paid?! Ganon lang pala ang tingin mo sa mga messages
ko.Aksaya lang pala ng Pre-paid na isipin ka maya’t maya… na ipakita sa ‘yo na iyong iyo
ako… na ipamalas sa ‘yo na…. higit pa sa pag-aalala ko sa negosyo, sa trabaho, sa sarili, at
minsan sa pamilya, ang pag-aalala ko sa ‘yo!!! ‘Kala ko ikatutuwa mo. Tinik Lang pala ako sa
tagiliran mo. BWISET! Now this is not worth it!!

Babae: You’re hurting me.

Lalake: I… am hurting… YOU!?! Aba’y ibang klase ka talaga!

Babae: (Magsisimulang umiyak) Why do you have to take it that I don’t appreciate your pathetic
messages? Pinapamukha mo sa ‘king gusto kitang saktan.

Lalake:Bakit hindi ba?

Babae: No. I never liked… enjoyed hurting people! Never! Especially you…

Lalake: Ano?? How do you think I’d react? Let me remind you that it was YOU who said- and
this is Verbatim ha- na ‘I am wasting my Pre-paid??! On you?! Of course I’m hurt!

Babae: And I… too.

Lalake: Good. That makes two of us.

Babae: Why do you have to read what say the negative way?

Lalake: (Sasabog) Why don’t you just answer my pathetic messages!!!

Babae: Hindi mo ba naisip na siguro… busy lang ako… na I wanted to but…. Could not!!!

Lalake: Well, well, well, you think I go to office as a couch potato! You want to see my planner?
(Ilalabas ang planner or Palm Pilot) Hour after hour I’ve a million things up my sleeve and on
top of my desk nagging me but I always manage to think of you… and worse… entertain those
thoughts. Thoughts you never regaled or appreciated at the least! Good Morning! Sana nagising
kita ha!! Miss… FYI… BUSY RIN PO AKO!!

Babae: Precisely. That’s why I know… if entertain those very thoughts, we’d end up sending
messages to and fro… texting a tete-a-tete that would never end. And at the end of the day, we’ll
both end up doing just half the work we were suppose to do… and we’ll have to make-up for it
the next day… calling-off what’s left of the quality time we scheduled… to be together. I know
“us” too well.

Lalake: Okkeeey… Quality time…

Babae: And thought it best that you waste your credits on matters that will earn us our future
than on sweet nothings for me. Alam ko’ng marami ka pang kliyenteng kakausapin at dahil sa
negosyo mo, I know, you can’t afford wasting your money on “His, HEYS, INGATS, TAKE
CARES, and HAV A NICE DAYS.” And you don’t see that. All you see is a girl who means to
hurt you.

Lalake: (pipiliting ibahin ang usapan) Okey… Sorry.

Babae: Don’t be. If you assumed that… then it means there’s something wrong with me. As
always. I guess, you’d be better off without me.

Lalake: Anooo?

Babae: What am saying… this world would be better off without me. (kukunin ang kutsilyo para
sa mantiltilya at sisimulang maglaslas ng pulso)

Lalake: (Pipigilan ng lalake) Ano?! Tama nal!

Babae: (Mag-aagawan sa kutsilyo) I’m sorry. I didn’t mean to hurt you.

Lalake: You’re just tired.

Babae: Yes, tired of hurting people. So, pabayaan mo na `ko!

Lalake: Ano ba??! Ano ka ba?! Tama na!!

Babae: (Maaagaw ng lalake ang kutsilyo) Once… you said.. you’d do anything to make me
happy…

Lalake: Yes.

Babae: Well… the only thing that would make me happy this very moment….

Lalake: Yes?

Babae: Is if you do me this favor of killing myself…


Lalake: Eto ka na naman…

Babae: I’m not kidding..

Lalake: I want your happiness. But I won’t kill you. If I do that I’d be responsible for my own
sadness. Do it yourself, (ibibigay ng kusa ang kutsilyo) Go ahead kill yourself with that blunt
butter knife and be happy. Para lalo mo lang akong masasaktan every miserable day I’d be living
without you. (Katahimikan)

Babae: I hate myself.

Lalake: I love you.

(Saglit na Katahimikan)

Babae: I’m sorry.

Lalake: Ako rin. Kain na tayo.

(Blackout)

You might also like