You are on page 1of 4

Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Teoryang Markisismo Ang Gilingang-Bato I.

Tauhan Lapad Aling Trining isang ina na nagsikap at nagtiyaga sa hanapbuhay nitong pagpuputo mairaos lamang ang mga anak. Kuya panganay na anak, katulong ni Aling Trining sa pagpuputo Ate - katulong ni Aling Trining sa pagpuputo Diko - katulong ni Aling Trining sa pagpuputo Ditse - katulong ni Aling Trining sa pagpuputo Bunso (nagsasalaysay) - katulong ni Aling Trining sa pagpuputo, nakakaalala sa paghihirap ng ina. II. Banghay A. Panimulang Pangyayari Paglalahad ng nagsasalaysay ng nakaraan ng gilingang-bato. Kung paano at kung sinu-sino na ang nakahawak nito. Mula sa ina ng kanilang impo, sa kanilang impo, hanggang sa umabot na sa kanilang ina. B. Tagpuan San Fermin C. Suliranin Ang pagkamatay ng kanilang ama dahil sa sabog na apendisitis. Biglang nanakit ang tiyan ng ama na akala nilay mawawala rin pagnaglaon. Nagpasya itong magpadala sa hospital ngunit sa daan pa lang ay sumabog na ang apendisitis nito. D. Kasukdulan

E. Kakalasan F. Wakas

III. Aral IV. Bisang Pangkaisipan V. Bisang Pangkaasalan VI. Bisang Pandamdamin VII.Buod Ang maikling kwentong ito ay tungkol sa isang gilingang-bato na naihalintulad sa panahon. Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nakaraan ng nasabing gilingang-bato. Ayon sa nagsasalaysay, walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang-bato. Ayon sa ina nila, iyon raw ay minana niya sa kanilang impo, na minana rin naman ng kanilang impo sa sarili nitong ina. Ang ina raw ng kanilang impo ay tanyag sa pagsusuman, samantalang kanila namang impo ay tanyag sa kanyang bibingkang sapin-sapin. At kung ang pagpuputo ay namamana ay ang kanilang ina lamang daw ang nakamana niyon sapagkat sa kanilang magkakapatid, siya lamang ang lumabas na magpuputo. Hindi niya alam kung gaano kahusay na magpuputo ang kanyang ina na si Aling Trining. Dahil parang nasanay na siya sa lasa nito. Ang pagpuputong iyon ng kanilang ina ay hindi naman ang pangunahing sandigan ng kanilang kabuhayan noong buhay pa ang kanilang ama, na isang panday. Parang nakaktulong lang si Aling Trining. Pero biglaaan ang pagkamatay ng kanilang ama dahil sa sabog na apendisitis. Maliit pa lang siya nung mamatay ang kanilang ama, mga pito o walong taon kaya hindi pa nya batid noon ang mga daranasin ng mga naiwan. Kung dati ang kanilang ina ay nagpuputo lamang kapag may pagawa sa kanya, ngayon ay lahat sila ay naggigiling na rin. Naging abala ang gilingang-bato mula noon. Lahat sila gumagawa. Ang kanyang Ate at Kuya ay sa kanto pumupwesto para magtinda. Ang kanya naming Ditse na si Chedeng ay sa palengke habang ang kanyang Diko ay sa palaruan ng pool sa bayan. Siya naman ay naglalako ng gurgorya. Minsan raw siyang napaaway noon deahil sa panunukso ng ilang bata. Ngunit siya pa ang pinagalitan ng ina, hindi daw niya yun dapat ginawa. Lagi silang pinaaalalahanan ng kanilang ina na huwag nilang ikahihiya ang kanilang hanapbuhay. At kahit gaun lamang ang kanilang hanapbuhay ay nairaos naman sila ng kanilang ina. Nauna nang nagkolehiyo ang Kuya niya, sumunod ang kanyang Ate at Diko. Ang kanyang Ditse ay hindi na muli

pang nag-aral matapos makapasa, pasang-awa sa ikalimang grado. Tatlo nalang silang natira na nagtutulungan sa pagpuputo kaya hindi na katulad ng dati ang kita nila. Pero angtataka ang kanilang mga kapitbahay kung paano pa rin nakakayanan ng kanilang ina na mapag-aral ng kolehiyo silang magkakapatid. Nang siya ay magkolehiyo na, may asawa na ang Kuya at Ate niya na pareho namang nakatapos na ng kolehiyo. At nang matapos nila ng kanyang Diko ang pag-aaral ay nag-asawa na rin sila. Ang kanila ring Ditse ay nag-asawa na at nakatira sa kanilang ina. Pero hindi namn sila nakakalimot na dalawin ang ina, lalo na tuwing Pasko. Talagang matanda na ang kanilang ina pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagpuputo dahil sa kadahilanang iniisip pa rin niya ang mga anak. Madalas kasi na ang kanyang Kuya at Diko ay sa kanilang ina pa rin umaasa pag walang pera. Siya naman pag dumadalaw sa ina ay siya mismo ang nagbibigay ng pera rito, na hiram nya mula sa kaibigan, ngunit hindi iyon tinatanggap ng ina. Siya ang nagbibigay sa ina dahil ayaw nya na isipin ng kanyang ina na nagigipit siya. Ayaw niya na mag-alala pa ang ina. Minsan sa pag-uwi niya inabutan nya ang ina na gumagawa ng puto. Inaagaw nya un sa kanyang ina pero ayaw nya itong ibigay. Habang pinagmamasdan nya ang ina, noon nya napagtanto ang kadakilaan ng ina, dahil kahit matanda ay nagtatrabaho pa din para sa mga anak. Siya rin mismo hindi na nya kaya gamitin ang gilingan dahil hindi na siya sanay. Doon nya naisip na ang tao ay dumarating at yumayao; ang panahon ay nananatili. Ang kanyang ina ay tao; ang gilingang-bato ay panahon. At ang kanyang ina ay namatay dahil sa pulmonya. Makaraan ang ilang araw ay napag-usapan nilang magkakapatid ang mga naiwang pamana ng kanilang ina. Ang bahay ay sa kanyang Ditse pati ang singsing na may limang maliit na brilyante dahil wala raw itong kaala-alahas. Sa kanyang Kuya naman ay isang karaniwang hikaw para sa knayng asawa. Sa kanyang Ate naman ang isang bulaklaking lilang bestida na regalo nito sa ina. Ang bulsikot naman ang sa kanyang Diko dahil sa paniniwala nito na hindi ito kailanman nawalan ng pera. Binalingan siya ng kanyang Kuya kung ano raw ang sa kanya. Sabi nya, ang nais raw nya ay ang larawan ng kanyang amat ina sa bihispangkasal. Naramdaman nya na nanghinayang ang kanyang mga kapatid sapagkat walang nakaalala sa litratong iyon. At noon ay nagkanya-kanya na sila.

Marka:

You might also like