You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANG-NILALAMAN
Demonstrate understanding of non-standard units of length.
B. PAMANTAYAN SA PAG-GANAP
Apply knowledge of non-standard measures of length in mathematical problems and real life situation.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Napagkukumpara ang mga bagay at larawan gamit ang mgasalitang mahaba, mas-mahaba at pinaka-mahaba.
M1ME –IVc 19

II. NILALAMAN
Paksa: Paghahambing ng mga bagay gamit ang mahaba, mas mahaba, at pinakamahaba
Kagamitan: larawan, tsart, realia at visual aids
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panlinang na gawain
1. Panalangin
-Tumayo ang lahat para sa isang panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan


ang panalangin)

2. Pagbati - Magandang umaga din po.


-Magandang umaga sa inyo, mga bata.

3. Pampasiglang Awit (Aawit ang mga mag-aaral.)


Mathematics! Mathematics!
-Ating awitin ang kantang “MATHEMATICS”. Kaysayang matuto!
Kaysarap mag-aral, maglaro’t
bumilang
( Sasabayan ng guro ang mga bata sa pag-awit ) I Love Math! I Love Math

-Maaari ng maupo ang lahat. - Salamat po


4. Pagtatala ng Pagliban

Mayroon bang nagliban ng klase sa inyo? - Wala po, ma’am Dela Cruz

5. Pag-aalala sa Pamantayan sa Klase


-Mga bata, ating alalahanin ang mga iba’t ibang paalala
tuwing tayo ay may aralin.
a. Umupo nang maayos.
b. Makinig sa guro.
c. Itaas ang kamay kung may nais itanong o gustong
magsalita.

Nauunawaan ba ang mga ito - Opo, Ma’am.

B. Balik-Aral
-Mga bata, sino ang nakakaalala ng paksang ating pinag- - Tungkol po sa maikli, mas maikli
aralan kahapon? at pinaka-makli.

-Tama, ang paksa natin kahapon ay tungkol sa maikli, mas


maikli at pinaka-makli.

Direksyon: Pagmasdan ang larawan. Idikit ang tamang sagot.


(Tumawag ang guro ng bata upang sagutan ang aktibidad)

1. __________________________ - maikli

2. __________________________ - Mas maikli

3. __________________________ - Pinaka-maikli 1
C. Pagganyak

Ngayon, ating awitin ang kantang “Mayroon Akong”. (Sasabay ang mga mag-aaral sa pag-
Mayroon akong ballpen.Mayroon akong ballpen mahaba, mahaba awit)
Mayroon akong ruler.Mayroon akong ruler mas mahaba, mas mahaba
Mayroong akong medida.Mayroon akong medida pinaka-mahaba, pinaka-
mahaba.

Ngayon balikan natin ang ating awitin kanina.


(Magtatawag ang guro ng bata upang sagutin ang tanong)
1. Alin sa mga bagay na ito ang sinasabing mahaba.
(Ang guro ay ginabayan ang bata sa pagsagot) - ballpen.
Mahusay! - Ang ballpen po ay mahaba.
2. Alin naman sa talong bagay na ito ang mas mahaba?
Mahusay! - Ang ruler po ay mas mahaba.
3. Alin naman sa talong bagay na ito ang pinaka-mahaba?
Mahusay! - Ang medida po ay pinakamaha
- Ano sa palagay niyo ang tatalakayin nating ngayong araw base sa
mga halimbawa na ipinakita ko sa inyo?
- Magaling!

D. Activity Proper
1. Paglalahad
Ating talakayin ang paghahambing ng mga bagay gamit ang mga
salitang “mahaba”, “mas mahaba” at “pinakamahaba”.
(Ipakita ang unang pangkat ng larawan.)

Ating suriin ang mga larawan?


Lahat ng lapis ay mahahaba. Ngunit, may mas higit na mahaba kaysa sa
isa.
- Suriin natin ang lapis 1 at 2. Alin ang lapis na mas mahaba? Mahusay. - Ang lapis 2 po ay mas mahaba.

- Aling lapis naman ang pinakamahaba? Magaling! - Ang lapis 3 po ang pinakamahaba.

2. Modeling
(Ipakita ang larawan.)
Mayroon akong larawan ng tatlong babae. SIla ay sina Rizza,
Andrea at Sarah. Sila ay nakasuot ng mga palda.

Ating suriin ang mga palda nina Rizza at Andrea.


- Mas mahaba ang palda ni
Sino ang may mas mahabang palda? Tama! Andrea kaysa kay Rizza.

Sino naman ang may pinakamahabang palda? Magaling! - Si Sarah po ang may pinaka
mahabang palda.
Kung ating titingnan, ang mga babae ay naipagsunod-sunod ayon
sa haba ng kanilang mga palda.
Mahaba ang palda ni Rizza. Mas mahaba ang palda ni Andrea at
2
pinakamahaba naman ang palda ni Sarah.
(Ipakita ang ikalawang pangkat ng larawan.)

Ating suriin ang mga kahoy.


Tingnan natin ang kahoy 1 at 2. Aling kahoy ang mas mahaba? - Ang kahoy 2 ay mas mahaba.

Magaling! Aling kahoy naman ang pinakamaghaba? - Ang kahoy 3 ang pinakamahaba.

Tama! Ang mga kahoy ang napagsunod-sunod ayon sa kanilang


mga haba.

Ngayon ay gamitin natin ang mga salitang “mahaba”, “mas - Mahaba ang kahoy 1. Mas
mahaba” at “pinakamahaba”. mahaba naman ang kahoy 2 at
pinakamahaba ang kahoy 3.
Gamit mga larawan, sino ang maaaring magsabi ng
katangian ng bawat kahoy?

Magaling!

3. Pinatnubayang Pagsasanay

A. Pangkatang Gawain

Magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain. Hahatiin ko


kayo sa tatlong pangkat. Ang unang hanay ang unang pangkat.
Ang ikalawang hanay ang ikalawang pangkat at ang ikatlong
hanay ang ikatlong pangkat.

Pumili kayo ng inyong lider. (Ang mga mag-aaral ay pipili ng


kanilang lider.)

B. Pamantayan sa pagsasagawa ng gawain

Bago tayo mag-umpisa, anu-ano ang mga pamantayan sa


pagsasagawa ng pangkatang gawain? - Sumunod sa panuto.
- Tumulong sa mga kasama.
- Gumawa nang tahimik.
-Makinig sa lider.
Mahusay! Tandaan ang mga pamantayan. Mayroon kayong
limang minute upang isagawa ang pangkatang gawain.
Unang Pangkat:
Panuto: Pagsunurin ang unang pangkat ng mga larawan mula (Isasagawa ng mga mag-aaraal
sa mahaba, mas mahaba at pinakamahaba. ang gawain.)

Pagsunurin naman ang ikalawang pangkat ng mga larawan


mula sa pinakamahaba, mas mahaba at mahaba.

3
Ikalawang pangkat

Panuto: Tukuyin kung aling kandila ang mahaba, mas


mahaba at pinakamahaba. Kulayan ng pula ang mahaba,
asul para sa mas mahaba at berde para sa pinakamahaba.

Ikatlong pangkat

Panuto: Tukuyin kung aling hotdog ang mahaba, mas


mahaba at pinakamahaba. . Isulat ang 1 para sa mahaba, 2
para sa mas mahaba at 3 para sa pinakamahaba.

- Ngayon ay ipakita at suriin natin ang inyong mga ginawa.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Paghambingin ang mga iba’t ibang larawan. Isulat ang 1 para sa mahaba. 2 para sa mas mahaba at 3
para sa pinakamahaba.

1. 2.

3. 4.

V. Gawaing-Bahay
Gumuhit ng tatlong bagay na matatagpuan sa inyong bahay. Kulayan ng pula ang mahaba.
Kulayan ng asul ang mas mahaba at dilaw naman para sa pinakamahaba.

You might also like