You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY SA BAITANG 9

GURO: MARY JOY L. LUCILA


MAG-AARAL: BAITANG 9

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin na , ang mag-aaral ay inaasahang :
A. Nagbibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan.
B. Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang
bansa sa Kanlurang Asya.
C. Nabibigyang halaga ang mga kultura ng mga Hindu at ang aral na mapupulot sa
Epikong Rama at Sita.

ii. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Rama at Sita, Isang kabanata sa Epikong Hindu-(india)
B. Sanggunian :
1. Gabay ng guro : K to 12 Gabay Pangkurikulum / FILIPINO
2. Kagamitang Pang-Mag-aaral: Filipino 9:Panitikang Asyano,Modyul ng
Mag-aaral ,p.182-187
3. Teksbuk: Panitikang Asyano
4. Karagdagang Sanggunian: Sipi ng aralin

III. MGA KAGAMITAN: Libro, handouts, biswal na panturo, larawan,graphic organizer

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin

( Magtawag ng mag-aaral para pangunahan ang


panimulang panalangin )

Iyuko ang mga ulo at tayo’y manalangin.

( Heavenly Father,You hold each other in your ( Heavenly Father,You hold each other in
loving hands, Come fill out hearts,minds and your loving hands, Come fill out
bodies fresh with hope. Help us to cast our hearts,minds and bodies fresh with hope.
worries upon you so that we can embrace our Help us to cast our worries upon you so
learning today. Bless us as we study and grow that we can embrace our learning today.
together.Come and anoint those who teach and Bless us as we study and grow
tutor us to be bringers of insight and knowledge. together.Come and anoint those who
Lord,watch over us all,keep us safe within your teach and tutor us to be bringers of insight
Almighty hand. AMEN) and knowledge. Lord,watch over us
all,keep us safe within your Almighty
2. Pagbati hand. AMEN)
Magandang araw sa lahat!Kamusta
kayo,class?

Mabuti naman kung ganoon! Magandang araw din po,ma’am!

3. Pagti-tsek ng liban ng liban at hindi


liban,pagsasaayos sa loob ng silid-aralan.

Monitor, paki-tsek ng attendance.

Bago tayo magsimula ay pulutin niyo muna ang Opo,ma’am!


mga nagkalat na papel sa ilalim ng inyong mga
upuan.
( Nagsimula ng magpulot ng mga kalat
Maaari na kayong umupo. ang mga mag-aaral )

B. PANLINANG NA GAWAIN (Umupo na ang lahat na mga bata)


1. Balik-aral sa nakaraang aralin

( Magtawag ng mag-aaral na sasagot )


(Pagbabalik-aral gamit ang stratehiyang 3,2,1)
( Naghanda na ang mga mag-aaral na
Sa nakaraan nating talakayan ay ano-ano ba sasagot sa mga katanungan )
ang mga natatandaan ninyong tinalakayan natin?

3 – ( Ano-ano ang tatlong bagay na iyong


natutunan sa nakaraang aralin? )

Ang tatlong bagay na natutunan ko po sa


nakaraang aralin ay patungkol sa tatlong
batayan sa pagpapakahulugan.Ito po yung
Literal na pagpapakahulugan,
Simbolikong kahulugan at Ispiritwal na
kahulugan.
Magaling!Talaga namang natatandaan pa ang
naging talakayan natin noong nakaraang lingo.)

(Tuwang-tuwa ang mga bata)


2 – ( Ano-ano ang dalawang bagay na pimukaw
ng atensyon mo o nagustuhan sa nakaraang
aralin?)

(Naghanda ng sumagot ang susunod na


mag-aaral na ng guro )

Ang dalawang bagay po na nagustuhan


ko sa nakaraang aralin ay ang halimbawa
ng parabula na pinamagatang, “ Ang
talinghaga tungkol sa may-ari ng ubusan”
at natutunan ko rin po ang kahulugan ng
parabula na ito ay kwentong nakasaad sa
bibliya at nakasulat sa patalinghagang
pahayag.

Mahusay! Napakaganda naman talaga ng


halimbawa ng parabula na ating pinag-aralan
noong nakaraang talakayan.
(Naghanda na sa pagsagot ang susunod na
natawag)

1 – ( Ano pa ang nais mong linawin o tanungin


patungkol sa nakaraang talakayan?) Nais ko pong itanong kung ‘’Mahalaga po
bang pag-aralan ang parabula?’’

Oo, mahalagang pag-aralan ang parabula dahil


kapupulutan natin ito ng aral.

2.Pagganyak

Sino dito sa inyo ang mga minamahal,pumapag-


ibig na talaga namang mapapasanaol ang lahat , (Tuwang-tuwa na nagtaas ng kamay ang
na mahilig sa pagtukoy ng mga larawan? mga bata)

(Magtawag ng mga mag-aaral na nais sumagot at


papuntahin sa istasyon 1)

(Ihanda ang task card na may nakasaad na panuto


sa gagawing gawain. Ipamahagi ito sa bawat
grupong sasagot)

(Pagkatapos maibigay sa dalawang grupo ang mga


task card ay sabay nilang gagawin ang nakatokang
gawain para sa kanila. Bibigyan ng limang minuto
ang bawat grupo para tapusin ang gawain)

ISTASYON 1: TEAM PUMAPAG-IBIG (Naghahanda ang mga bata sa pagsagot sa


laro)
TASK CARD: “GAWAIN 1a: NAME THE
PICTURE GAME” Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang mga pahayag na may kaugnayan sa
larawan.Piliin ang napupusuang sagot at itapat ito
sa larawang napili.

(Ipamimigay sa grupo ng istasyon 1 ang mga


pagpipiliang sagot na nakasulat sa construction
papel)

SUSI SA PAGSAGOT:
1. MOTHER TERESA
2. TAJ MAHAL
3. INDIA
4. NAMASTE
5. EPIKO

At sino naman diyan ang mga team sawi? Mga


ghinost at hanggang katalking stage lang na
mahilig sa pagbuo ng mga puzzles? Itaas ang
kamay ng mga team sawi.

(Magtawag ng mga mag-aaral na nais sumagot at


papuntahin sa istasyon 2) (Tuwang-tuwa at mas maraming
nagsitaasan ng kamay sa mga bata)
ISTASYON 2 : TEAM SAWI
TASK CARD: GAWAIN 1b:BUOIN MO
AKO!
Panuto: Buohin ang mga puso upang mabuo
at mahanap ang kahulugan ng salita. (Naghahanda na ang mga napiling mag-
aaral sa pagsagot sa laro)

1.Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.


2.Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni
Sita.
3.Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang
paring Brahman.
4.Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip
sila ng ibang paraan.
5. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si
Sita.
(Tahimik na nanonood ang iba pang mga
mag-aaral sa pagsagot sa laro ng kanilang
mga kaklase)

Ang huhusay naman ng mga sumagot sa bawat


istasyon. Palakpak natin ang inyong mga kaklase.

3. PAGLALAHAD NG ARALIN

Nag-enjoy ba kayo sa gawain?


(Tuwang-tuwa at nagpalakpakan ang
Mabuti naman at nag-enjoy ang lahat! lahat ng mga mag-aaral)

May ideya na siguro kayo sa magiging talakayan


natin ngayong araw?

Opo,ma’am!

(Tahimik na nakikinig ang lahat)

Tama! Magaling! Ito ay may kinalaman sa Epiko Mayroon po!


at sa "Rama at Sita".
- Epiko !
Kung mapapansin rin ninyo sa ating naging laro - Rama at Sita!
ay ito ay may kinalaman sa bansang India. Dahil - India!
ang Rama at Sita ay akdang pampanitikan sa
Timog-Kanlurang Asya sa bansang India. (Kanya-kanyang sagot ng mga mag-aaral)

Handa na ba ang lahat makinig?

C. PAGTALAKAY SA ARALIN
Mayaman ang India sa Kultura at
paniniwala.Pinaniniwalaan ng bansang ito ang
kagandahan, katotohanan at kabutihan.Naniniwala
sila na pinagpala ng Diyos ang maganda,matalino
at kumikilos nang ayon sa lipunan.Napakarami rin
nilang mga tradisyon ng mga Hindu.Ang mga ito Handa na bang makinig ang lahat?
ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang
manlalakbay.Malimit na nababasa ang mga
kultura nila sa kanilang epiko. Kaya naman
ngayong araw ay babasahin at uunawain natin ang (Abala sa pakikinig sa guro ang lahat)
isa sa mga epiko ng India na pinamagatang "Rama
at Sita" (Isang Kabanata) Isinalin sa Filipino ni
Rene O. Villanueva.

PANGKATANG GAWAIN:
( Ibibigay ang tag-limang kopya ng handouts ng
Epikong Rama at Sita sa bawat grupo at
pasasagutan ng tag-dalawang katanungan na
nakaatas sa bawat grupo. Bibigyan lamang ng 10
minuto ang bawat grupo sa pagbasa at pagsagot
ng mga katanungan. Ang kanilang mga kasagutan
ay ipapasulat sa isang buong papel. )

D.PAGLALAPAT
May inihanda akong maikling gawain para
sainyo. (Naghahanda ang lahat ng grupo sa
pagsagot)
(Ito ay oral na gawain.Kaya tatawag ang guro ng
mga mag-aaral na nais sumagot)

GAWAIN 2: SANAYIN NATIN


Panuto: Pumili ng dalawang tauhan mula sa
epikong "Rama at Sita" na sa palagay mo ay
naging bayani.Ibigay ang kanilang mga katangian.

E. PAGLALAHAT (Nakikinig ang lahat)


Natuklasan natin ngayong araw na hindi lang
pala pilipinas ang mayaman sa mga akdang
pampanitikan.Kundi ay marami ring bansa ang
mayaman sa mga akdang pampanitikan tulad ng
Epiko.Isa na rito ang bansang India mula sa
Timog-Kanlurang Asya. Ang epiko ay tulang
pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng (Abala sa pakikinig ang lahat mg mag-
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang aaral)
nakahihigit karaniwang tao na kadalasan siya’y
buhat sa lipi ng Diyos at Diyosa.Binasa at
naunawaan rin natin ang epiko mula sa India na
may pamagat na "Rama at Sita" (Isang Kabanata)
na isinalin sa Filipino ni Rene O.
Villanueva.Nabigyan rin natin ng tuon kung paano
naipapakita sa mga epiko ang kabayanihan ng
isang tao.

Nauunawaan ba?

Sino ang may tanong?

Maaari ninyong itaas ang kanan ninyong kamay


kung mayroon kayong mga katanungan.
Opo,ma’am!Naunawaan po.
Pero kung wala ng tanong ay handa na siguro
kayo sa huling gawain. Wala na po.

V. EBALWASYON
GAWAIN 3: SAGUTIN NATIN
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod
na tanong.Isulat ang sagot sa kwaderno. (Naghanda na ang lahat para sa pagtataya)

Tanong:
1. Ano-ano ang pangyayari sa Epikong "Rama at
Sita" ang nagpapakita ng kababalaghan?
2. Aling pangyayari sa Epikong "Rama at Sita"
ang nagpapakita ng kabayanihan?
3. Bilang isang Pilipino,bakit mahalagang
malaman ang kultura ng ibang bansa?
4. Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pagbibigay halaga sa kultura ng ibang bansa?
5. Kung ikaw ay magiging bayani, ano ang
kapangyarihan na gusto mo at bakit?
(Abala sa pagsagot ang lahat

VI. KASUNDUAN
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod
na tanong.
1. Ano ang paghahambing?
2. Ano-ano ang uri ng paghahambing?
3. Ano ang dalawang uri ng hambingang di
magkatulad?
Hanggang dito na lamang muna ang ating
talakayan.Maraming salamat sa inyong
partisipasyon sa klase! Class dismiss.

Goodbye, ma’am!

You might also like