You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin Para sa Ika-apat na Baitang

FILIPINO
Asgar, Raifa C.

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng araling ito, dapat maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Matukoy o matutunan ang tungkol sa kayarian ng pang-uri;


2. Mailarawan ang mga salitang tumutukoy sa pang-uri; at
3. Mapahalagaan ang pagtutulungan ng magkakasama sa loob ng klase.

II. NILALAMAN

Paksang Tatalakayin: Kayarian ng Pang-uri

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian:

1. Mga Pahina sa kagamitang Pang-mag-aaral


2. Mga online na mapagkukunan:
 https://noypi.com.ph/pabula/

B. Mga kagamitang Panturo:

1. Laptop (Bidyu)
2. Mga bondpaper
3. Mga Larawan

IV. MGA PAMAMARAAN

A. Paunang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
 Panalangin

“Magsitayo ang lahat para sa panalangin.”

“Rayyan, pangunahan mo ang panalangin”

“Mahal naming Panginoon, maraming


salamat po sa lahat ng ipinagkaloob niyo
saamin, nawa’y gabayan niyo po kami sa
aming gagawin sa araw na ito. At sana po’y
iyong gabayan ang aming guro na siyang
magtuturo saamin. Ameen.”

 Pagbati

“Magandang araw sainyong lahat!”


“Magandang araw din”
“Kumusta ang inyong pakiramdam
ngayon?” “Mabuti naman po, guro!”

“Tiyak handang-handa na kayo sa ating


arlin ngayon, tam aba?” “Opo, guro”

 Pagsasaayos ng silid-araln
 Pag tsek ng liban at hindi liban

“Bago nating simulan ang ating leksyon


ngayong araw, Paki-ayos ang inyong mga
upuan.” (Aayusin ng mga mag-aaral ang kani-
kanilang upuan)
“Ngayon, aalamin ko sino-sino ang mga
narito. Sabihin ang iyong paboritong
alagang hayop kung tinawag ang iyong
pangalan?”
“Opo, guro.”
“Maliwanag ba?”
(Pagtukoy sa liban sa klase)

“Maliit lang lumiban sa klase ngayong araw.


Mabuti kung ganon. Kung nais niyong
sumagot sa aking mga katanungan, itaas
niyo ang inyong kanang kamay, malinaw
ba?” “Malinaw po”

B. Balik-Aral:

“Bago natin simulan, tatanungin ko muna


kayo patungkol sa napag-aralan natin sa
nakalipas na araw.”

“Ano ang dalawang uri ng pang-uri? “Ito ay ang pang-uring panlarawan at pang-
uring pamilang.”
“Mahusay!”

“Ang pang-uring panlarawan ay tumutukoy


sa ano?” “Naglalarawan ng itsura, hugis, laki, amoy,
at lasa ng isang pangngalan o panghalip”

“Tama”
“Magbigay nga kayo ng halimbawa nito.”
“Maganda”
“Ikaw, ________.”
“Mabuti”
“Tama! Dahil ang maganda at mabuti ay
naglalarawan ng itsura at kagandahang asal
o pag-uugali”

“Samantalang ang Pang-uring pamilang ay


mga pang-uring nagsasabi ng dami o bilang
ng isang pangngalan o panghalip”

“Mga halimbawa nito ay ay: marami, lima,


dalawa, ano pa? Pito, isa

Tama!

C. Panlinang na Gawain

 Pagganyak:

“Magsitayo ang lahat at ating isayaw ang


“Chicken Dance Challenge.” (Magsisitayo ang lahat)

“Lahat ba kayo may alam nito?”


(Ang iba ay alam samantalang ang iba
naman ay hindi alam)
“Handa na ba kayo?”

(Ipapatugtog ng guro ang bidyu) “Handang-handa na po!”

(Ang buong klase ay nagsasayawan)


“Nag-enjoy ba kayo?”
“Opo”

 Paggayak na Gawain:

“Papangkatin ko muna kayo ng dalawang


grupo, pagkatapos, bawat grupo ay dapat
mabuo ang jigsaw puzzle upang makabuo ng
litrato at kung ano ang nasa litrato ang
siyang magiging pangalan ng inyong grupo.
Maliwanag ba?”
“Opo, guro.” (Masayang binibigkas ng mga
mag-aaral)
“Mayroon lamang kayong dalawang minuto
upang isagawa ito. Okay ba yon?"
“Opo”
(Dalawang larawan na kanilang nabubuo)

“Tapos na ang oras. Dito sa kanan, anong


larawan ang inyong nabuo?”

“Sa kabilang grupo naman.” “Ganda!”

“Mahuhusay na mga bata!” “Lakas!”


“Simula ngayon yan na ang pangalan ng
inyong grupo.”

“Sino sa tingin niyo ang mananalong grupo,


grupong ganda ba o grupong lakas?”

“Panindigan niyo yan!”


“Ganda!”
“May ideya ba kayo kung ano ang pag- “Lakas!”
aaralan natin ngayong araw?”

(May ideya ang iba samantalang mayroon


namang wala)

D. Angkop na Aralin

1. Paglalahad

“Ang ating pag-aaralan ngayong araw na ito


ay tungkol sa kayarian ng pangungusap”

“Tayo’y makinig ng Mabuti dahil ito’y


angkop at mahalagang leksiyon.”

“Matatandaan natin na ang pang-uri ay


salitang naglalarawan o nagbibigay-turing
sa mga pangngalan at panghalip.

“Ang unang kayarian ng pang-uri ay ang


Payak.”

“Grupong lakas, pakibasa ng sabay-sabay.”

“Salamat, lakas! “Payak- - mga pang-uring binubuo ng


Ito ay pang-uri na binubuo ng salitang-ugat salitang-ugat lamang.”
lamang. Ibig sabihin iisang salita lamang
ang makikita natin at walang panlaping
nakasumpay dito.”

“Halimbawa, lakas: Ang lakas ng mga


grupong ito. Isa pang halimbawa ay ang
ganda, Ang ganda ng mga mag-aaral sa
grade 4 ay nakakaaliw.”
“Alin jan ang payak?”

“Grupong ganda, maaari niyo ba akong


bigyan ng iba pang salitang payak?” “Ganda at lakas”

2. Pagtalakay

“Ang pangalawang kayarian ng pang-uri ay “buti”


ang Maylapi kung saan binubuo ng salitang-
ugat at panlaping makauri o ‘ma’.”

“Ibig sabihin, pagdudugtungin daw natin


ang salitang-ugat (root word) at panlaping
‘ma’.”

“Halimbawa, maganda, malakas, matalino.


Kung mapapansin niyo may panlaping ‘ma’
ang nakadugtong sa kaniyang unahan.”

“Kailangan ng tig-iisang representative ng


grupong lakas at ganda upang pumunta sa
aking harapan.”

“Magbigay kayo tig-tatlong pang-uring


nagpapakita ng maylapi”

(Pipili sila ng isa sa kanilang grupo)


“Mahuhusay!”

“Ngayon, ano naman ang inuulit?”


(Sasagot ang bawat grupo at magbibigay ng
tig-tatlong salitang maylapi)
“Ito ay binubuo ng inuulit na buong salita o
bahagi lamang ng salita.”

“Basahin mo Jonayrah ang mga halimbawa


nito”

“gamitin natin yan sa pangungusap, grupong


lakas, magbigay ka ng pangunusap na
ginamit ang salitang masamang-masama.”
“masamang-masama, butas-butas”
“Mahusay!”
“Grupong ganda, butas-butas”

“Masamang-masama ang kaniyang


“Magaling” pakiramdam”

“Ang pang-huli ay ang Tambalan kung saan


binubuo ng dalawang salitang pinagsama “Ang kaniyang pantalon ay butas-butas.”
upang makabuo ng isang bagong pang-uri.”

“Halimbawa, taos-puso, na ang ibig sabihin


ay ‘sincere’ sa inglis. Bahay-kubo, yong
maliit na bahay ng mga Pilipino na gawa sa
kawayan, bukas-palad, ibig sabihin ay
mapagbigay.”

“Magbigay kayo ng iba pang halimbawa”

“Naintindihan ba ng lahat?”
“Tanong”

“Akyat-bahay”
3. Pagpapalawak ng Kaalaman “Tumbang-preso”

“At dahil jan, ito ang inyong gagawin. Dito (Wala po/meron po)
ang mga grupong ganda at dito naman ang
mga lakas. Ang tawag sa palaro na ito ay
“Pass the crown race” sa ingles. Ibig
sabihin, bawat grupo ay may isang korona.
Dapat iisang linya lang kayo. May mga
salita akong inihanda na patungkol sa
kayarian ng pang-uri. Kapag tama ang sagot
ng membro niyo sa unahan, mag-momove ka
ng isang hakbang hanggang lahat
makasagot. Ang isasagot niyo lamang ay
“payak, maylapi, inuulit, at tambalan”
mamimili lang kayo sa apat nay an.
Paunahan ito sa pagsagot. Pero kung hindi
ka makasagot, hindi ka mawawala sa
kinatatayuan mo. Kung sino man ang may
maraming tamang sagot sa loob ng
dalawang minute ay silang tatanghaling
panalo.

“Maliwanag ba?”

“Handa na ba kayo, mga ganda?”

“Eh ang mga lakas, handa na ba kayo?”

“Sige!”
“Opo, guro!”
1.tuwa
2. mabilis
3. bantay-salakay
4.madilim-dilim
5. walang-awa
6. linis
7. magalang
8. saya
9. araw-araw
10. mahusay

“Ayan! Sino mas nauna sainyo?


Palakpakan natin ang ating mga sarili. Ang
huhusay niyong lahat!”

“Naintindihan na ba ang leksyon?”

“Magaling!”

“Nag-enjoy ba kayo?”

“Opo”

E. Paglalahat

“Ano-ano ang apat na kayarian ng pang-


uri?” “Payak, maylapi, inuulit, at tambalan”
“Nakinig talaga kayo!”

“Ano naman ang apat na elemento ng


pabula?”

“Ano ang pang-uring binubuo ng salitang- “Payak”


ugat lamang?”
“Magbigay nga kayo ng halimbawa.” “ganda, lakas, buti, talino”

“Mahusay!”

“Ano naman ang binubuo ng inuulit na


“Inuulit”
salita?”

“Magaling!”

“Ano ang kayarian ng pang-uri na binubuo


ng salitang-ugat at panlaping ‘ma’?” “Maylapi”

“At ano ang binubuo ng dalawang salitang


pinagsama upang makabuo ng isang pang-
uri?” “Tambalan!”

“Tama”

“May mga katanungan ba kayo grupong


lakas?” “Aho Aho!”

“Kayo grupong ganda” “Aha Aha!”

“Bigyan ang bawat grupo ng “Mahusay


clap” “Isa, dalawa, tatlo, ganda (3x)”

“Grupong lakas!” “Isa, dalawa, tatlo, lakas (3x)”

“May mga katanugan ba?” (Magtatanong o hindi magtatanong)

F. Pagtataya
Panuto: Ikahon ang mga pang-uring ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa patlang kung
ang mga ito ay may kayariang payak, maylapi, inuulit, o tambalan. (2 puntos bawat isa)

____________ 1. Ang ganda ng paligid ay panatilihin natin.

____________ 2. Ang madilim na lugar ay nakakatakot.

____________ 3. Dapat araw-araw tayong pumapasok sa klase.

____________ 4. Panatilihin nating malinis ang kapaligiran.

____________ 5. Ang pag-aagawan ng lupain ay problemang pasang-krus

ng mga bansa.

V. TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng isang poster na nag-aanyaya sa iyong mga kamag-aral na palaganapin ang
kapayapaan kahit sa kanilang munting paraan bilang mga mag-aaral. Bumuo ng isang islogan
na magpapaliwanag sa iyong poster. Gumamit ng iba’t-ibang kayarian ng pang-uri. (Iguguhit
sa isang short bondpaper)

You might also like