You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

RIZAL TECHNOLGICAL UNIVERSITY


Pasig City Campus
KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG ARALING PANLIPUNAN
BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naipaliwanag ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay


2. Naisa isa ang mga palatandaan ng kakapusan
3. Nakapag bigay mungkahi upang maibsan ang kakapusan

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kakapusan
Sanggunian:
Francisco, V. J., Milambiling, R. M., Fulgar, R. M., & Villamor, R. R. (n.d.).
Kakapusan. In Ekonomiks 9 - Araling Panlipunan (pp. 21–34). The Library - Publishing
House, Inc.

Kagamitan: Libro, Laptop (Power Point Presentation), Visual Aids (Cartolina)

III. PAMAMARAAN
1. Panalangin (optional)
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng loob ng silid aralan
4. Pagtala ng Liban
5. #ItlogNoMore

A. PAGSASANAY
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
BUDGGET PLAN
“Magandang araw class, bago mag (Mag tataas ng kamay ang mga kumain
simula ang klase nais kong malaman ng almusal)
kung lahat ba ay nakapag almusal na?
kung oo ay pakitaas ang kamay.”

(Magtataas lahat ng may baon)


“Madami dami ang nakapag almusal ah,
sino naman ang may baon ngayon pera
man o pagkain basta baon”
(Magtataas ang lahat)
“E sino ang may baong pera lang?”
“Halos lahat may baon ah, ngayon gusto
kong lahat kayo, may baon mang pera o
wala, kung magkano ang hawak ninyo (Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
ay gawan niyo ng simpleng budget plan kanya kanyang budget plan at ipapasa
yan, kung magkano ang magagastos sa guro sa loob ng dalawang minuto)
ninyo sa buong araw. Ilista kung saan
mapupunta ang pera at kung may
matitira pa. Ang mga wala namang baon
na pera ay ipagpalagay niyo na lang na
may thirty pesos kayo. Isulat sa isang ¼
at ipasa agad sakin. Bibigyan ko kayo
ng 2 minutes para dyan”

“Mula ngayon ay araw- araw na nating “Opo Bb. Cruz, naiintindihan po”
gagawin ito para may susundan kayong
guide kung paano ninyo gagastusin ang
inyong pera at upang makapag ipon na
din kayo, naiintindihan po ba?”
B. BALIK-ARAL
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Presented with CANVA. Link:
https://www.canva.com/design/DAFA1
RbZcjM/bePf8Xf9PYQeQu2dfS4eHA/
edit?utm_content=DAFA1RbZcjM&ut
m_campaign=designshare&utm_mediu
m=link2&utm_source=sharebutton

“Dahil maganda ang araw ngayon gusto


“Opo Bb. Cruz”
kong maexcercise ang mga utak niyo sa
pamamagitan ng ilang mga katanungan,
handa na ba ang lahat?”

Mag-aaral 1: Presyo po Ma’am

“Para sa unang tanong, nais kong


malaman kung alam ninyo ang tinutukoy
ko kapag sinabi kong ito ay isang naitaya
o naatasang halaga ng isang produkto o
serbisyo”

“Tumpak, talagang mukhang naaalala Mag-aaral 2: Dapat po Ma’am


niyo pa ang lesson nung nakaraan, sige kapag mamimili po, siguraduhin
nga magbigay ng mga dapat na gawin lang pong bilhin ang
upang di mag panic buying?” kakailanganin at wag mag impok
ng sobra kung di po magagamit.
Magkaroon din po dapat ng
listahan ng mga imporatanteng
bibilhin na nakaplano sa budget
po.

(Magbibigay ng kaniya kaniyang


“Napakahusay! Bakit mahalagang sagot ang mga mag-aaral
magkaroon ng tamang pag babadyet ng depende sa kanilang pag katuto)
pera bilang isang estudyante?”

“Mahusay! Mga bata, sana matandaan “Opo Bb. Cruz, naunawaan po”
pa ninyo ang inyong mga isinagot at
mgamitin sa araw- araw, naunawaan po
ba?”

C. PAGGANYAK
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Survival of The Fittest

“Mga mag-aaral, nais kong tumayo


ang lahat at may ipapalaro ako”

“Meron akong laro na inihanda na


tinawag kong “Survival of The
Fittest” dito sa larong ito lahat
makakasali. Ito ay may unang part “Opo Maám”
na “The boat is sinking” kaya
maghanda na kayo”

“Okay class, the boat is sinking,


group yourselves equally into 5 (Ang mga estudyante ay
groups” magsisimulang bumuo ng grupo)

“Kung nasaan kayo ngayon ay yan


ang magiging groupings nyo, ang
mga sumobra ay dumugtong na
lang sa ibang grupo, isang member
kada group lang ang dudugtong. Sa
ating part 2 naman ay “RUN FOR
YOUR PIECE”
(Ang mga mag-aaral ay maglalaro na)
“Ito po ang mechanics:
1. meron akong hinandang isang
puzzle na kasing laki ng cartolina
na may 20 puzzle piece at kailangan
idikit nyo sa blank cartolina sa
harap.
2. Kada piece ay lalagyan nyo ng
tape sa likod kapag ikaw na ang
maglalagay sa black board.
3. Bawat grupo ay pipila ng isang
linya. Lahat ng miyembro na nasa
harap ay mag papaunahan sa likod
upang kunin ang isang piece. Ang
pagtakbo ay sa kanan ng pila.
Pagkatapos maglagay ay aapir sa
susunod na miyembrong kukuha ng
piece.
4. Lahat ng piece ay nasa likod
lang ng pila niyo at di niyo
makikita. Kaya kung anong nakuha
nyo ay ayun na po ang ilalagay niyo
sa cartolina
5. Sa loob ng 2 minutes, kailangan
nyong mabuo ang puzzle, kung
kaninong miyembro ang
makakabuo ay ayun ang champion
na may malaking winning reward
6. Kung hindi mabubuo ang puzzle,
ang huling makakapag lagay ng
puzzle piece na tama ang
pagkakalaga ang panalo ay
magkakaroon ng reward! Pwede po
natin turuan ang kagrupo natin na
nag lalagay pero bawal umalis sa
linya.
7. Upang di magkadayaan, ang
bawat miyembro ay magtatalaga ng
magbabantay sa kalabang grupo,
ang group 1 ay magbabantay sa
group 2, group 2 sa 3, 3 sa 4, 4 sa 5
at group 5 sa group 1. Naiintindihan
po ba? Maghanda na ang lahat in 5,
4, 3, 2, 1 go!”

(Kukunin ng mga nanalo ang reward at


ang lahat ay mauupo na wastong
“Okay times up! Ang nanalong
upuan.)
grupo ay tatanggap ng chocolates!”

Mag- aaral 1: Kasi po kulang po kami sa


oras saka mabagal po kumilos yung
“Nais kong tanungin ang leader ng ibang members
mga natalong grupo, sa inyong (Ang mga iba pang leader ay sasagot)
palagay bakit kayo natalo?”

“Tama ang mga sagot nyo, isa sa


mga dahilan ng pagkatalo ay kapos
sa oras, kulang din kayo sa team
work, at kulang sa strategy”
(Ang mga mag – aaral ay mag bibigay
“Kung ganun, sa palagay niyo ng kanilang mga pahayag at opinyon)
bakit importanteng hindi
magkaroon ng kakulangan? “
(Palakpakan)
“Lahat ng grupo ay talagang
competitive ngunit may isang grupo
talagang umangat, palakpakan niyo
naman mga sarili nyo dahil sa
inyong pakikilahok sa aking palaro”
(Ang mga mag – aaral ay mag mag
“Ang lahat ay maari nang umupo aayos)
pag katapos linisin and pwesto”
D. LUNSARAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Dahil may nabuo naman na kayong
grupo, yun na din ang gagawin ninyong
grupo para sa ating groupings. Ang bawat “Opo Bb. Cruz”
grupo ay bibigyan ko ng papel kalakip nun
ay ang pagakakasunod sunod ninyo at ang
gagawin ninyo bilang isang grupo sa loob
ng sampung minuto, naintindihan po ba?”

“Mabuti”

“Bago pa man ninyo simulan ang gawain


para sa bawat grupo, ipapakita ko na ang
susundan nyong pamantayan para sa
gagawin ninyo”

RUBIKS:

“Sa loob ng limang minutong peparasyon


inaasahan ko na ang bawat grupo ay
makakapag presenta ng kanilang gawa sa
loob ng dalawang minuto”

“Group 1- Slogan tungkol sa mortality rate


Group 2- Gumaya ng isang tv show at
ipakita ang dulot ng kakapusan sa
edukasyon
Group 3 – Tablue ng pagkasira ng
kalikasan
Group 4 – Short skit tungkol sa
kakulangan ng pagkain
Group 5 – Magcompose ng kanta tungkol
sa pag kaubos ng Likas na Yaman at
kantahin”

“Naintindihan po ba ang instructions at


mga nakatakdang gawain sa bawat “Opo naunawaan po namin”
grupo?”
E. TALAKAYAN
Presented with Google Docs. Link :
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Presented with Google Docs. Link:


https://docs.google.com/presentation/d/
1mXmdPjkvphKaPGQwlr73pIzSBX2p
VUJoF6pbf5kKApM/edit?usp=sharing
(Ang lahat ng estudyante ay uupo ng
“Nais ko na ang lahat ay maupo ng
maayos at mananahimik)
maayos dahil sa ilang sandali pa ay mag
sisimula na ang ating klase”
Mag- aaral A: Ito po ay importante dahil
1. “Bakit kailangang malaman ang
ang kakapusan ay nararanasan natin halos
sitwasyon ng kakapusan sa isang
sa pang araw- araw nating pamumuhay,
lipunan”
mahalaga na malaman natin upang
maiwasan o mabawasan natin ang
pagkakaroon ng kakapusan.”

Mag- aaral B: Ang timbangan po ay di


2. “Bakit itong timbangan ang pantay maám, parang tulad sa kakapusan,
sumisibolo sa kakapusan” mas madami ang kagustuhan at kailangan
ng tao kesa sa pinagkukunan po nito

“Proceed na tayo sa Epekto o Koneksyong


ng Kakapusan sa pamumuhay ng tao”
“Makikita naman natin class na di talaga
natin masasabi kung kailan magkakaroon
ng kakapusan kung kaya’t dapat ang mga
tao ay matutong makaangkop sa Mag- aaral C: Nakakatulong po ito
kakapusan. Kung kaya’t kailangan nating dahil nagkakaroon po ng patas na
matutunan kung ano ang maaring gawin paggamit ang mga tao at nalilimitahan din
natin upang maibsan ang kakapusan” po ang sobrang pagkuha ng di kailangan.
3. “Sa paanong paraan nakakatulong Mag- aaral A: Dapat lang ma’am na
ang pag kakaroon ng tamang pag iwasan natin ang pag sasayang sa mga
babahagi ng pinagkukunang yaman ginagamit natin or magtipid sa mga
sa pagibsan sa kakapusan?” produkto upang tumagal ito at makatipid”
4. “Bakit kailangan nating pigilan
ang ating mga sarili sa labis na
pagkonsumo?”

“Okay class dahil alam na natin kung


paano maiibsan ang kakapusan, alamin
naman natin kung paano natin malalaman
na tayo pala ay nakakaranas na ng
Kakapusan”
5. “Sa papaanong paraan ninyo Mag- aaral B: Ang pagkaubos ng likas
masasabi class na ang pagkaubos na yaman ay dahil po sa mga pang aabuso
ng mga likas na yaman class ay sa likas na yaman kaya pag naubos po
isang palatandaan ng kakapusan?” ang likas na yaman ibig sabihin po ay
nagkakaroon na po tayo ng scarcity sa
mga raw materials”
“Oo nga’t mayaman ang daigdig sa
yamang likas ngunit dahil sa pag abuso’t
paggamit sa mga ito, tulad ng mga hayop
ay malapit na rin itong ma extinct o
tuluyang maglaho lalo na ang mga
nonrenewable resources. Ang mga
nonrenewable resources ay mga di
napapalitang likas yaman tulad ng mga
mineral.”

6. “Bigyan niyo ako ng dahilan kung Mag- aaral A: Dahil sa dami populasyon
bakit ang kakulangan sa pagkain Ma’am, ang mga ibang mga tao ay
ay kasama bilang palatandaan ng nagtatayo ng bahay sa mga kinukuhaan
kakapusan?” ng pagkain. Dahil dito nauubos ang
pinagkukuhanan ng pagkain.
“Bagaman napapalitan ng kalikasan ang
kinokonsumo ng mga tao mula dito, hindi
agad ito napapalitan. Nahihirapan ang
kalikasan sa paglikha muli dahil narin sa
labis na pagkonsumo ng mga tao kaya
nagkakaroon ng pagkasira ng kalikasan.”

“Mataas ang tyansa na tumaas ang bilang


ng taong namamatay o mortality rate dahil
sa kakapusan.”

“Dahil nagkakaroon ng kakapusan sa


capital, napapabayaan na din ang
edukasyon ng mga mamayan dahil ditto,
nagkakaroon ng kawalan ng kaalaman o
teknolohiya ang isang bansa”

7. “Sa paanong paraan ninyo Mag- aaral C: Ang mga palatandaan po


malalaman na tayo ay nakakaranas ng kakapusan ay pagkaubos ng mga likas
na ng kakapusan” na yaman, kakulangan sa pagkain,
pagkasira ng kalikasan, pagtaas ng
mortality rate at kawalan ng kaalaman o
teknolohiya

8. “Paano ba ninyo naoobserve o Mag- aaral B: Sa pamamagitan ng


sinasagawa ang konserbasyon at pagtulong sa mga proyektong
pagbabawas ng konsumo sa bahay pangkalikasan, sa bahay naman po ay
ninyo?” nagtatanim kami ng mga halaman at
gulay. Nililimitahan din po naming ang
pag gamit ng mga produkto.
“Isa din sa makakatulong upang maibsan
ang kakapusan ay ang Pagrereuse at
pagrerecycle. Ang muling paggamit ng
mga produkto na maari pang
pakinabangan ay makaktulong sa
pagbabawas ng pag konsumo.”

9. “Bakit naman importante mag ipon Mag- aaral C: Para po kapag may
bilang isang estudyante?” kailangan ay may makukuhanan at
makatulong din po sa mga bayadin sa
school kahit paunti unti

“Ang pagiging healthy ay nakakabawas


din sa mas malalaking gastusin. Kung mas
papalawakin pa natin ang ating kaalaman
at teknolohiya makakakuha tayo ng
solusyon at pagpaplano para sa mga
problema tulad ng kakapusan at
mapapabuti din ang pamumuhay ng mga
tao at nagpapabilis ng kapasidad ng tao sa
pangangasiwa at pagpapanatili ng likas na
yaman.”
10. “Sa paanong paraan makakatulong Mag- aaral A: Ang pagsali po sa mga
ang mga gawaing pansibiko sa pag pansibikong gawain na ay makakatulong
ibsan ng kakapusan?” sa pag bawas sa kakapusan lalo na kung
ito po ay tulad ng tree planting, fund
raising, clean up drive at iba pa.

“Maraming salamat class, dito po ay tapos


na ang ating lesson. Sana po ay may
natutunan tayong lahat”

F. PAGLALAHAT
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Base sa ipinakita kong organizer, bumuo
ng talumpati na may apat na talata na nais
mong sabihin sa publiko patungkol sa
problema ng kahit anong kakapusan na
meron sa Pilipinas”

“Naiintindihan po ba ang instructions?” “Opo Bb. Cruz”

G. PAGPAPAHALAGA
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Nais kong malaman, bilang estudyante, Mag- aaral 1: Mahalaga po ito upang di
bakit mahalaga ang pagsasagawa ng mga tuluyang maubos ang mga pingakukunan
paraan upang maibsan ang kakapusan? “ po natin. Bilang estudyante ay
importanteng naisasagawa ko na ang
mga paraan upang mapractice ko na ito
habang bata pa at maituro rin sa ibang
kabataan.

(Ang iba pang mga mag-aaral ay


magbibigay ng kanilang sariling
pagkakaintindi sa tanong)

“Bilang mag- aaral, papaano ka Mag-aaral 2: Bilang mag-aaral mag


makakatulong sa pag ibsan ng kakapusan?” susumikap akong mag-aral ng mabuti
upang makatuklas pa ng mga paraan para
mabawasan ang kakapusan.

Mag-aaral 3: Makakatulong po ako sa


pamamagitan ng pagtitipid po sa mga
ginagamit ko.

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay


ng kanilang sariling pagkakaunawa sa
tanong)

H. EBALWASYON

Presented with google forms. Link:


https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfyLSDWV_F_fO8i6RK2UQQajFprBGe7xnXz
B1bkxpzZHZ9Dtg/viewform
Panuto: Para sa bilang 1-5 tukuyin kung Tama o Mali and bawat pahayag, para naman sa bilang 6-
10 ay tukuyin ang salitang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang kakapusan ay labis na pagkakaroon ng likas na yaman. (Mali)


2. Ang mortality rate ay bahagdan ng bilang ng mga taong namamatay. (Tama)
3. Ang konserbasyon ay pagsasayang ng tubig at kuryente. (Mali)
4. Sinabi ni Mill na ang kakapusan ay likas na at maiibsan ito. (Tama)
5. Sinabi ni Malthus sa kanyang akda na ang kaakibat ng pagtaas ng populasyon ay ang kakapusan
sa likas na yaman.(Tama)
6. Ito ay isang paraan na makatutulong sa kalikasan sa pamamagitan ng paglikha ng makabagong
bagay gamit ang mga gamit na bagay. (Recycle)
7. Ito ay isang paraan kung paano mapapanatili at mapapangalagaan ang ating likas na yaman.
(Konserbasyon)
8. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng di napapalitan at nadadagdagang likas yaman. (Non Renewable
Resources)
9. Paglilimita sa mga labis na pagkonsumo ng mga produkto. (Pagbabawas ng Pagkonsumo)
10. Ito ay isang kalagayan kung saan hindi sapat ang pinagkukunang-yaman upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. (Kakapusan)

IV. TAKDANG ARALIN


1. Gumawa o gumuhit ng poster patungkol sa pag eenganyo sa mga tao na ibsan ang
kakapusan. Ipaliwanag kung bakit ito ang napiling iguhit.

Reference: https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para-Sa-Poster

2. Ano ang kaugnayan ng mga pangangailangan at kagustuhan ng tao sa suliranin ng


kakapusan?
Reference: Ekonomiks pt. 34-35
TALASALITAAN:
1. SELF ACTUALIZATION
2. ESTEEM
3. SOCIAL NEEDS
4. SAFETY NEEDS
5. PHYSIOLOGICAL NEEDS

Deadline: Dec 17, 2021 at 12:00 noon


Inihanda ni:
GROUP 1
BSED-SOCIAL STUDIES

You might also like