You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

RIZAL TECHNOLGICAL UNIVERSITY


Pasig City Campus
KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG ARALING PANLIPUNAN
BANGH AY -ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naipaliwanag ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay


2. Naisa isa ang mga palatandaan ng kakapusan
3. Nakapag bigay mungkahi upang maibsan ang kakapusan

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kakapusan Sanggunian:
Francisco, V. J., Milambiling, R. M., Fulgar, R. M., & Villamor, R. R. (n.d.).
Kakapusan. In Ekonomiks 9 - Araling Panlipunan (pp. 21–34). The Library - Publishing
House, Inc.

Kagamitan: Libro, Laptop (Power Point Presentation), Visual Aids (Cartolina)

III. PAMAMARAAN
1. Panalangin (optional)
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng loob ng silid aralan
4. Pagtala ng Liban
5. Balitaan (#ItlogNoMore)

A. PAGSASANAY
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
BUDGET PLAN
“Magandang araw class, bago mag (Mag tataas ng kamay ang mga kumain
simula ang klase nais kong malaman ng almusal)
kung lahat ba ay nakapag almusal na?
kung oo ay pakitaas ang kamay.”
(Magtataas lahat ng may baon)
“Madami dami ang nakapag almusal ah,
sino naman ang may baon ngayon pera
man o pagkain basta baon”
(Magtataas ang lahat)
“E sino ang may baong pera lang?”
“Halos lahat may baon ah, ngayon gusto
kong lahat kayo, may baon mang pera o
wala, kung magkano ang hawak ninyo (Ang mga mag-aaral ay gagawa ng
ay gawan niyo ng simpleng budget plan kanya kanyang budget plan at ipapasa
yan, kung magkano ang magagastos sa guro sa loob ng dalawang minuto)
ninyo sa buong araw. Ilista kung saan
mapupunta ang pera at kung may
matitira pa. Ang mga wala namang baon
na pera ay ipagpalagay niyo na lang na
may thirty pesos kayo. Isulat sa isang ¼
at ipasa agad sakin. Bibigyan ko kayo
ng 2 minutes para dyan”

“Mula ngayon ay araw- araw na nating “Opo Bb. Cruz, naiintindihan po”
gagawin ito para may susundan kayong
guide kung paano ninyo gagastusin ang
inyong pera at upang makapag ipon na
din kayo, naiintindihan po ba?”

B. BALIK-ARAL
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Dahil maganda ang araw ngayon gusto
kong maexcercise ang mga utak niyo sa
pamamagitan ng ilang mga katanungan, “Opo Bb. Cruz”
handa na baa ng lahat?”

“Para sa unang tanong, nais kong Mag-aaral 1: Presyo po Ma’am


malaman kung alam ninyo ang tinutukoy
ko kapag sinabi kong ito ay isang naitaya
o naatasang halaga ng isang produkto o
serbisyo”
Mag-aaral 2: Dapat po Ma’am
kapag mamimili po, siguraduhin
lang pong bilhin ang kakailanganin
at wag mag impok ng sobra kung
“Tumpak, talagang mukhang naaalala di po magagamit. Magkaroon din
niyo pa ang lesson nung nakaraan, sige po dapat ng listahan ng mga
nga magbigay ng mga dapat na gawin imporatanteng bibilhin na
upang di mag panic buying?” nakaplano sa budget po.
“Napakahusay! Bakit mahalagang (Magbibigay ng kaniya kaniyang
magkaroon ng tamang pag babadyet ng suhestiyon at opinyon ang mga
pera bilang isang estudyante?” mag-aaral depende sa kanilang
pag katuto)

“Mahusay! Mga bata, sana matandaan pa


ninyo ang inyong mga isinagot at
“Opo Bb. Cruz, naunawaan po”
mgamitin sa araw- araw, naunawaan po
ba?”

C. PAGGANYAK
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Survival of The Fittest

“Mga mag-aaral, nais kong tumayo


ang lahat at may ipapalaro ako”

“Meron akong laro na inihanda na


tinawag kong “Survival of The
Fittest” dito sa larong ito lahat
makakasali. Ito ay may unang part “Opo Maám”
na “The boat is sinking” kaya
maghanda na kayo”

“Okay class, the boat is sinking,


(Ang mga estudyante ay
group yourselves equally into 5
magsisimulang bumuo ng grupo)
groups”

“Kung nasaan kayo ngayon ay yan


ang magiging groupings nyo, ang
mga sumobra ay dumugtong na
lang sa ibang grupo, isang member
kada group lang ang dudugtong. Sa
ating part 2 naman ay “RUN FOR
YOUR PIECE”

“Ito po ang mechanics: (Ang mga mag-aaral ay maglalaro na)


1. Meron akong hinandang
isang puzzle na kasing laki ng
cartolina na may 20 puzzle pieces at
kailangan idikit nyo sa blank
cartolina sa harap.
2. Kada piece ay lalagyan nyo
ng tape sa likod kapag ikaw na ang
maglalagay sa black board.
3. Bawat grupo ay may 5
myembro na pipila ng isang linya na
magaabot puzzle pieces sa 3
miyembro na magaayos ng puzzle.
Ang estudyante na nasa pinakalikod
ay magpapasa ng puzzle piece sa
mga myembro na kasunod nito. Ang
mapapasahan ng puzzle piece ay
kailangan ipasa sa kasunod nito
hanggang sa mapunta ito sa unahan
na aayusin ng 3 miyembro.
4. Lahat ng piece ay nasa likod
lang ng pila niyo at di niyo
makikita. Kaya kung anong nakuha
nyo ay ayun na po ang ilalagay niyo
sa cartolina
5. Sa loob ng 2 minutes,
kailangan nyong mabuo ang puzzle,
kung kaninong miyembro ang
makakabuo ay ayun ang champion
na may malaking winning reward 6.
Kung hindi mabubuo ang puzzle,
ang huling makakapag lagay ng
puzzle piece na tama ang
pagkakalaga ang panalo ay
magkakaroon ng reward! Pwede po
natin turuan ang kagrupo natin na
nag lalagay pero bawal umalis sa
linya.
7. Upang di magkadayaan, ang
bawat miyembro ay magtatalaga ng
magbabantay sa kalabang grupo, ang
group 1 ay magbabantay sa
group 2, group 2 sa 3, 3 sa 4, 4 sa 5
at group 5 sa group 1. Naiintindihan
po ba? Maghanda na ang lahat in 5,
4, 3, 2, 1 go!”

“Okay times up! Ang nanalong (Kukunin ng mga nanalo ang reward
at ang lahat ay mauupo na wastong
grupo ay tatanggap ng chocolates!”
upuan.)

Mag- aaral 1: Kasi po kulang po kami


“Nais kong tanungin ang leader ng sa oras saka mabagal po kumilos yung
mga natalong grupo, sa inyong ibang members
palagay bakit kayo natalo?” (Ang mga iba pang leader ay sasagot)

“Tama ang mga sagot nyo, isa sa


mga dahilan ng pagkatalo ay kapos
sa oras, kulang din kayo sa team
work, at kulang sa strategy”

“Kung ganun, sa palagay niyo (Ang mga mag – aaral ay mag bibigay
bakit importanteng hindi ng kanilang mga pahayag at opinyon)
magkaroon ng kakulangan? “
(Palakpakan)
“Lahat ng grupo ay talagang
competitive ngunit may isang grupo
talagang umangat, palakpakan niyo
naman mga sarili nyo dahil sa
inyong pakikilahok sa aking palaro”
(Ang mga mag – aaral ay mag mag
“Ang lahat ay maari nang umupo aayos)
pag katapos linisin and pwesto”
D. LUNSARAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Dahil may nabuo naman na kayong
grupo, yun na din ang gagawin ninyong
grupo para sa ating groupings. Ang bawat “Opo Bb. Cruz”
grupo ay bibigyan ko ng papel kalakip nun
ay ang pagakakasunod sunod ninyo at ang
gagawin ninyo bilang isang grupo sa loob
ng sampung minuto, naintindihan po ba?”

“Mabuti”

“Bago pa man ninyo simulan ang gawain


para sa bawat grupo, ipapakita ko na ang
susundan nyong pamantayan para sa
gagawin ninyo”

RUBIKS:

“Sa loob ng limang minutong peparasyon


inaasahan ko na ang bawat grupo ay
makakapag presenta ng kanilang gawa sa
loob ng dalawang minuto”

Group 1- Slogan tungkol sa mortality rate


Group 2- Gumawa ng isang tula na
nagpapakita ng dulot ng kakapusan sa
edukasyon
Group 3 – Tableaux ng pagkasira ng
kalikasan
Group 4 – Short skit tungkol sa
kakulangan sa pagkain
Group 5 – Magcompose ng kanta tungkol
sa pag kaubos ng Likas na Yaman
“Naintindihan po ba ang instructions at
mga nakatakdang gawain sa bawat
grupo?” “Opo naunawaan po namin”

Rubrics:
E. TALAKAYAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Nais ko na ang lahat ay maupo ng (Ang lahat ng estudyante ay uupo ng


maayos dahil sa ilang sandali pa ay mag maayos at mananahimik)
sisimula na ang ating klase”

1. “Bakit kailangang malaman ang Mag- aaral A: Ito po ay importante dahil


sitwasyon ng kakapusan sa isang ang kakapusan ay nararanasan natin halos
lipunan” sa pang araw- araw nating pamumuhay,
mahalaga na malaman natin upang
maiwasan o mabawasan natin ang
pagkakaroon ng kakapusan.”

2. “Bakit itong timbangan ang


Mag- aaral B: Ang timbangan po ay di
sumisibolo sa kakapusan” pantay maám, parang tulad sa kakapusan,
mas madami ang kagustuhan at kailangan
ng tao kesa sa pinagkukunan po nito

“Proceed na tayo sa Epekto o Koneksyong


ng Kakapusan sa pamumuhay ng tao”
3. Ano ang ugnayan ng kakapusan sa
pangaraw araw na pamumuhay?

4. “Sa paanong paraan nakakatulong Mag- aaral C: Nakakatulong po ito


ang pag kakaroon ng tamang pag dahil nagkakaroon po ng patas na
babahagi ng pinagkukunang yaman paggamit ang mga tao at nalilimitahan din
sa pagibsan sa kakapusan?” po ang sobrang pagkuha ng di kailangan.

5. “Bakit kailangan nating pigilan ang Mag- aaral A: Dapat lang ma’am na
ating mga sarili sa labis na iwasan natin ang pag sasayang sa mga
pagkonsumo?”
ginagamit natin or magtipid sa mga
produkto upang tumagal ito at makatipid”

“Okay class dahil alam na natin kung


paano maiibsan ang kakapusan, alamin
naman natin kung paano natin malalaman
na tayo pala ay nakakaranas na ng
Kakapusan”

5. “Sa papaanong paraan ninyo Mag- aaral B: Ang pagkaubos ng likas


masasabi class na ang pagkaubos na yaman ay dahil po sa mga pang aabuso
ng mga likas na yaman ay isang sa likas na yaman kaya pag naubos po
palatandaan ng kakapusan?” ang likas na yaman ibig sabihin po ay
nagkakaroon na po tayo ng scarcity sa
mga raw materials”

“Oo nga’t mayaman ang daigdig sa


yamang likas ngunit dahil sa pag abuso’t
paggamit sa mga ito, tulad ng mga hayop
ay malapit na rin itong ma extinct o
tuluyang maglaho lalo na ang mga
nonrenewable resources. Ang mga
nonrenewable resources ay mga di
napapalitang likas yaman tulad ng mga
mineral.”

6. “Bigyan niyo ako ng dahilan kung


bakit ang kakulangan sa pagkain ay Mag- aaral A: Dahil sa dami populasyon
kasama bilang palatandaan ng Ma’am, ang mga ibang mga tao ay
kakapusan?” nagtatayo ng bahay sa mga kinukuhaan
ng pagkain. Dahil dito nauubos ang
pinagkukuhanan ng pagkain.
“Bagaman napapalitan ng kalikasan ang
kinokonsumo ng mga tao mula dito, hindi
agad ito napapalitan. Nahihirapan ang
kalikasan sa paglikha muli dahil narin sa
labis na pagkonsumo ng mga tao kaya
nagkakaroon ng pagkasira ng kalikasan.”

“Mataas ang tyansa na tumaas ang bilang


ng taong namamatay o mortality rate dahil
sa kakapusan.”

“Dahil nagkakaroon ng kakapusan sa


capital, napapabayaan na din ang
edukasyon ng mga mamayan dahil ditto,
nagkakaroon ng kawalan ng kaalaman o
teknolohiya ang isang bansa”
7. “Sa paanong paraan ninyo Mag- aaral C: Ang mga palatandaan po
malalaman na tayo ay nakakaranas ng kakapusan ay pagkaubos ng mga likas
na ng kakapusan” na yaman, kakulangan sa pagkain,
pagkasira ng kalikasan, pagtaas ng
mortality rate at kawalan ng kaalaman o
teknolohiya

Mag- aaral B: Sa pamamagitan ng


pagtulong sa mga proyektong
8. “Paano ba ninyo naoobserbahan o pangkalikasan, sa bahay naman po ay
sinasagawa ang konserbasyon at nagtatanim kami ng mga halaman at
pagbabawas ng konsumo sa bahay gulay. Nililimitahan din po naming ang
ninyo?” pag gamit ng mga produkto.

“Isa din sa makakatulong upang maibsan


ang kakapusan ay ang Pagrereuse at
pagrerecycle. Ang muling paggamit ng
mga produkto na maari pang
pakinabangan ay makaktulong sa
pagbabawas ng pag konsumo.”

9. “Bakit naman importante mag ipon Mag- aaral C: Para po kapag may
bilang isang estudyante?” kailangan ay may makukuhanan at
makatulong din po sa mga bayadin sa
school kahit paunti unti

“Ang pagiging healthy ay nakakabawas


din sa mas malalaking gastusin. Kung mas
papalawakin pa natin ang ating kaalaman
at teknolohiya makakakuha tayo ng
solusyon at pagpaplano para sa mga
problema tulad ng kakapusan at
mapapabuti din ang pamumuhay ng mga
tao at nagpapabilis ng kapasidad ng tao sa
pangangasiwa at pagpapanatili ng likas na
yaman.”

10. “Sa paanong paraan makakatulong


Mag- aaral A: Ang pagsali po sa mga
ang mga gawaing pansibiko sa pag pansibikong gawain na ay makakatulong
ibsan ng kakapusan?” sa pag bawas sa kakapusan lalo na kung
ito po ay tulad ng tree planting, fund
raising, clean up drive at iba pa.

“Maraming salamat class, dito po ay tapos


na ang ating lesson. Sana po ay may
natutunan tayong lahat”

F. PAGLALAHAT
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

“Base sa ipinakita kong organizer, bumuo


ng talumpati na may apat na talata na nais
mong sabihin sa publiko patungkol sa
problema ng kahit anong kakapusan na
meron sa Pilipinas”

“Naiintindihan po ba ang instructions?”


“Opo Bb. Cruz”

G. PAGPAPAHALAGA
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
“Nais kong malaman, sa inyong palagay (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
bakit mahalaga ang pagsasagawa ng mga kanilang sariling pagkakaintindi sa
paraan upang maibsan ang kakapusan? “ tanong)

“Bilang mag- aaral, papaano ka (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng


makakatulong sa pag ibsan ng kakapusan?” kanilang sariling pagkakaunawa sa
tanong)

H. EBALWASYON
1. Ang mga sumusunod ay nagpapaliwanag sa kahulagan ng kakapusan maliban sa:
A. Ito ay isang uri ng suliranin na tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga
pinagkukunan ng yaman na siyang ginagamit sa paggawa o paglikha ng mga serbisyo at
produkto.
B. Ito ay isang uri ng kalagayan kung saan kaakibat ng buhay ng tao na nagpapakita ng
pagtutunggalian sa paggamit ng yaman ng bansa bilang sagot sa mga pangangailangan ng
lipunan.
C. Ito ay kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang
dami ng planong pagkonsumo ng tao.
D. Ito ay palagiang problema ng tao at lipunan na hindi madaling lutasin at ang pangunahing
sanhi ng pagkakaroon ng mga problemang pang-ekonomiya.
2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Sanhi ng Ugnayan ng kakapusan sa pang araw
araw na pamumuhay, tukuyin ang hindi kasama sa mga ito.
A. Kagutuman
B. Pagnanakaw ng hindi pag mamay ari.
C. Kahirapan na makuha ang kagustuhan at pangangailangan.
D. Sagana at palaging naihahanda/naibibigay ang pangangailangan sa araw araw tulad ng
pagkain.
3. Ilang gawain sa mga sumusunod ay upang hindi makaranas ng kakapusan MALIBAN sa
isa.
A. Pag iipon ng Tubig gamit ang mga containers sa bahay
B. Pagpatay ng mga appliances na hindi na ginagamit
C. Pagbili ng Sobra-sobra at ng mga hindi kailangan
D. Pag iimbak ng mga de-lata sa oras ng kalamidad
4. Ano ang indikasyon na ang ating mga magsasaka ay nakakaranas ng kakapusan?
A. Ang mga magsasaka ay mayroong mababang ani dulot ng bagyo
B. Ang mga magsasaka ay di makapagtanim ng wastong dami ng palay sapagkat waka silang
sapat na resources katulad ng tubig at maayos na sikat ng araw.
C. Ang mga magsasaka ay mayroong mga oversupply ng prutas at gulay
D. Ang mga magsasaka ay nababaon sa utang
5. Mahalaga ang pagtitipid para maibsan ang kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang
makakatulong sa pagtitipid?
A. Huwag kumain nang tatlong beses sa isang araw.
B. Ang pagkonsumo sa Kuryente at Tubig ay maaring mapadami dahil kailangan ito sa pang
araw-araw na pamumuhay, hindi dapat ito tipidin
C. Ang bawat isa ay mag-aral at isagawa ang tamang Pagrereuse at Pagrerecycle upang
mabawasan ang pagsasayang sa mga gamit.
D. Dapat matuto tayong sumali sa mga gawaing pang sibika tulad ng Pag rarally sa Gobyerno
kung bakit tayo naghihirap.

IV. TAKDANG ARALIN


1. Gumawa o gumuhit ng poster patungkol sa pag eenganyo sa mga tao na ibsan ang
kakapusan. Ipaliwanag kung bakit ito ang napiling iguhit.
Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong
puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag 5
nang maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto sa
paggawa ng poster.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang 5
Konsepto mensahe ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa 4
paggawa ng poster
Kabuuang Malinis at maayos ang 3
Presentasyon kabuuang presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 3
kombinasyon ng kulay
upang maipahayag ang
nilalaman,konsepto at
mensahe
Kabuuan:
20 points

Reference: https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para-Sa-Poster

2. Ano ang kaugnayan ng mga pangangailangan at kagustuhan ng tao sa suliranin ng


kakapusan?
Reference: Ekonomiks pt. 34-35

Alamin ang mga sumusunod


1. SELF ACTUALIZATION
2. ESTEEM
3. SOCIAL NEEDS
4. SAFETY NEEDS
5. PHYSIOLOGICAL NEEDS

Deadline: Dec 17, 2021 at 12:00 noon

Inihanda nina:
Carig Julian Carlos
Cagurungan Sheandy
Cruz Nicole Iris
Cruzado, Carlo
Galicha, Glen
Sarmiento, Jhewel Mina

Pinuna ni:
PROF. JASON A. ROMERO
SS119 Professor

You might also like