You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

I. A. LAYUNIN
a. Nauunawaan ang matalinong pagpapasya at pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa.
b. Natutukoy ang mga dahilan ng pag-usbong at pagkasira ng likas na yaman.
c. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o/at kaisipan ukol sa matalinong pagpapasya
at pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa.
d. Napapahalagahan ang likas na yaman sa pamamagitan ng pagsulat ng Slogan
“Matalinong Pagpapasya at Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa”

B. KASANAYAN
 Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at
MELCs
pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Kahalagahan ng Matalinong Pagpapasya at Pangangasiwa ng mga Likas
na Yaman ng Bansa
B. Sanggunian:
 PIVOT 4A Learning Materials, IKALAWANG MARKAHAN ARALING PANLIPUNAN G4
 https://www.youtube.com/watch?v=Z0cvwQt9Hwo
C. Kagamitan: laptop, PowerPoint presentation, (dagdagan na lamang)
III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Paghahanda/Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagpuna sa kaayusang ng silid
 Pagtsetsek ng atendans
 Pagpapakilala
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po!

B. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating aralin ay
magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad.
Gusto niyo ba iyon?
Oo naman po, Ma’am.
Hahatiin ko kayong lahat sa dalawang
grupo at ang bawat grupo ay
kinakailangang ng dalawang representante
ng grupo.

Ang aking nasa gawing kanan ang unang


grupo, samantalang ang akin namang nasa
kaliwa ay ang ikalawang grupo. Handa na ba
kayo?
Handang handa na po, Ma’am.
Kung gayon, Pamilyar ba kayo sa
larong puzzle?
Opo!
Mabuti naman kung ganoon, ngunit
ang gagawin natin ngayong araw na ito ay
kakaiba, sapagkat ito ay hinaluan ko ng
kakaibang pakulo. At ito ay tatawagin
nating “PAG-ISIPAN MO’T BUUIN MO
AKO”

Mayroon ako ritong dalawang


buong manila paper. Ang bawat manila
paper na ito ay naglalaman ng mga puzzles
na siyang pagtutulungan ng bawat
magkaka-grupo.

Kung sa normal na puzzle ay mga


pira-pirasong imahe ang kailangan upang
makabuo ng isang malinaw na larawan,
ang ipagagawa ko naman sa inyo ay
bubuuin ninyo ang puzzle sa pamamagitan
ng pagpupuno ng tamang mga letra upang
makuha ang tamang mga salita.

Malinaw ba ang direksyong


ipinaliwanag ko?
Opo!
Isang paalala lamang, bibigyan ko
lamang ang bawat grupo ng tigdalawang
minuto para mabuo at makuha ang bawat
salita. Ngunit, liban dito, ang mabilis na
grupong makakapuno at makakabuo ng
tamang mga salita ang siyang panalo.

(Ang puzzle ay makikita sa ibaba ng lesson


plan na ito)
(Magsisimula na ang bawat grupo sa
pagsasagot ng kanilang puzzle.)
Ngayong natapos na natin ang
aktibidad, siguradong nagkakaroon na kayo
ng ideya kung ano ang tatalakayin natin
ngayong araw.

Unang grupo ano-ano nga ulit ang


mga salitang inyong nabuo?
(Iisa-isahin ng mga mag-aaral mula sa unang
grupo ang salitang pinahulaan ng guro.)
Ikalawang grupo, kayo naman ano-
ano naman ang mga nabuo ninyong salita?
(Iisa-isahin din ng mga mag-aaral mula sa
ikalawang grupo ang salitang pinahulaan ng
guro.)
Ngayong atin nang naisa-isa ang
mga salitang inyong nakuha at nabuo, mas
naging malinaw siguro sa inyo kung ano
ang ating tatalakayin. Ano nga kaya ito?
Maaring ang tatalakayin po natin sa
araw na ito ay tungkol sa likas na yaman,
batay po kasi sa mga nabuo naming mga
salita ito ay pawang pumapatungkol dito.
Magaling ang iyong obserbasyon,
sapagkat bibigyan kong pagtalakay
ngayong araw na ito ay ang kahalagahan
ng matalinong pagpapasya at
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa.
C. Abstraksyon
Bawat pagbabago at pag-unlad ng
isang bansa ay may kaakibat na epekto sa
kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti o
masama ayon sa kinalalagyan ng
pagbabago.

Isa sa pagbabagong ito ay ang


industriyalisasyon. Ang industriyalisasyon
ay ang malikhaing pagpapatayo ng mga
industriya, pagtatatag ng kalakalan, at iba
pang mga gawaing pang-ekonomiya.

Ang industriyalisasyon ay may


mabuti at masamang epekto sa kalikasan.
Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya
ay ang pagkakaroon ng pondo para sa
proyekto sa reforestation o muling
pagpapalago ng mga kagubatan.
Nagkakaroon din tayo ng sapat na lakas-
tao na makatutulong sa mga proyekto para
sa kalikasan.
MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRANG
KINAHAHARAP NG BANSA
GLOBAL WARMING
Ang global warming ay ang pagtaas
ng temperatura ng atmospera ng mundo
sanhi ng mga greenhouse gasses na
nanggagaling sa industriya at maging sa
kabahayan. Ang mataas na temperatura ay
dulot ng greenhouse effect o ang
pagkukulob ng init ng araw sa mundo na
nakalilikha ng mas malakas na bagyo at
iba pang katulad na kalamidad.

BAKIT NAGKAKAROON NG GLOBAL


WARMING?
1. Dahil sa mga usok na nanggagaling sa
mga pabrika at mga sasakyan.
2. Pagsusunog ng mga basura at maging ang
kalikasan.
3. Ang paggamit ng mga elektronikong mga
kagamitan.

PARAAN UPANG MAIWASAN ANG


GLOBAL WARMING
1. Matutong maglakad o magbisekleta kung
malapit ang pupuntahan.
2. Matutong magtapon ng basura sa tamang
lagayan.
3. Matutong magtanim ng mga puno sa
paligid.
4. Matutong magtipid sa paggamit ng
kuryente at tubig.
PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA
Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay
bunga ng walang habas na pagpuputol ng
malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan.
BAKIT NAGKAKAROON NG
PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA?
1. Hindi tamang pagtatapon ng basura.
2. Illegal logging o ilegal na pagpuputol ng
puno.
3. Kaingin o pagsusunog ng mga kagubatan.
4. Illegal Quarrying o ilegal na pagmimina.

PARAAN UPANG MAIWASAN ANG


PAGBAHA AT PAGGUHO NG LUPA
1. Tamang pagtatapon ng basura.
2. Pagtatanim ng puno o reforestation.
POLUSYON
Ang polusyon ay isa rin sa mga
isyung pangkapaligiran na nakaaapekto
hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi
maging sa mga likas na yaman.

Ang usok at langis mula sa mga


pagawaan at sasakyan ay nagdudulot ng
pagdumi ng hangin at katubigan na maaaring
maging sanhi ng pagkakasakit ng mga
mamamayan at likas na yaman.

Ang climate change o pag-iiba-iba ng


klima ng mundo ay nakaaapekto rin sa
bansa dahil sa dala nitong epekto gaya ng
pagbaha.

PARAAN UPANG MABAWASAN ANG


POLUSYON
1. Paggamit ng pampublikong
transportasyon at bisekleta.
2. Huwag gumamit at/o bawasan ang
paggamit ng mga plastic.
3. Magtapon ng mga basura sa tamang
lagayan.
BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG MATALINONG PAGPAPASYA?
AT
PAANO NATIN PANGANGASIWAAN ANG MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSA?
Tungkulin ng bawat Pilipino na
pangalagaan ang mga likas na yaman ng
ating bansa. Mahalaga ang wasto at
matalinong pagpapasya sa paggamit sa
mga ito upang mapakinabangan din ng
lahat ng mga mamamayan hanggang sa
susunod pang mga henerasyon. Ang maling
paggamit naman sa mga ito ay maaaring
humantong sa kanilang pagkasira,
pagkawasak, o tuluyang pagkawala.
Ang likas na yaman ang pangunahing
pinanggagalingan ng ikabubuhay ng mga tao.
Isa ito sa mga salik sa pagkakaroon ng
maunlad at masaganang kabuhayan ng isang
lugar. Tinutugunan nito ang ilang
pangangailangan ng mga mamamayang
nakatira dito.

TANDAAN! Mahalaga ang


matalinong pagpapasya at pangangasiwa
sa paggamit ng mga likas na yaman ng
ating bansa sapagkat ito ay mahalagang
salik sa pag-unlad ng bansa.
May mga katanungan o paglilinaw
pa ba kayo tungkol sa paksang ating
tinalakay ngayong araw?
Wala na po.
D. Aplikasyon/Paglalapat
Ngayong tapos na at tiyak akong
naunawaan na ninyo ang ating tinalakay,
nais kong magsagawa na tayo ng isang
aktibiti na gagawin ulit ng dalawang
grupo.

Para sa bahaging ito, nais kong


gumawa ang bawat magka-grupo ng kani-
kanilang slogan. Ang slogan ay nakabatay
sa paksang ating tinalakay ngayong araw.
At ang tema ng inyong gagawing slogan ay
“Kahalagahan ng Matalinong Pagpapasya
at Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
ng Bansa’.

Mamarkahan ang ginawa ninyong


slogan batay sa pamantayang ito.

Orihinalidad 20
Puntos
Kawastuhan sa tema 20
Puntos
Impak 10
Puntos
50 Puntos

Para ilahad ang inyong nagawang


slogan ay maaari kayong pumili ng isa
bilang maging representante ng inyong
grupo.

Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minutong paghahanda para dito. Kaya maari
na ninyong simulan ang aktibiti.

(Magsisimula na ang bawat grupo sa


pagsasagot ng kanilang puzzle.)
Tapos na ba ang lahat?
Opo!
E. PAGTATAYA

GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging
sagot sa bawat pahayag.

_____1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng GLOBAL WARMING


temperatura ng mundo.
_____2. Pumapatungkol ito sa ilegal na QUARRYING
pagmimina ng mga kabunduka.
_____3. Ito ay ang muling pagpapalago ng REFORESTATION
kagubatan dulot ng pagtatanim.
_____4. Tumutukoy ito sa pag-iiba-iba ng CLIMATE CHANGE
temperatura ng mundo.
_____5. Ito ay bunga ng walang habas na PAGBAHA AT PAGUHO NG LUPA
pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa
kagubatan.

GAWAIN 2
Panuto: Iguhit ang masayang
mukha kung ang pahayag ay wastong
paggamit ng likas na yaman. Iguhit naman
ang malungkot na mukha
kung mali ang paggamit.
Gamitin ito sa sagutang papel.
Smiley face
1. Pagpuputol ng malalaking puno upang
gamitin sa mga imprastraktura. Sad face
2. Pagbabawas sa paggamit ng plastic. Smiley face
3. Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid lalo
na sa mga lugar na dinarayo ng turista. Sad face
4. Pagsusunog ng tanim upang mapatayuan
ng mga bahay. Smiley face
5. Pagsuporta ng inyong Barangay sa
wastong pagtatapon ng basura.

Kung tapos na ang lahat, maaari na


nating tsekan ang inyong mga papel.

Matapos nating tsekan ang inyong


papel ay ipasa ito pauna.
F. TAKDANG ARALIN
Panuto: Punan ang graphic
organizer sa ibaba. Maaaring pumili ng
tatlong sitwasyon lamang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Sitwasyon Mungkahi na
nagpapakita ng
matalinong
pagpapasya
1. May ilang mga
mamamayan na
naninirahan sa may
tabing dagat na
walang disiplina sa
pagtatapon ng
basura.
2. Isang grupo ng
magtotroso na hindi
sumusunod sa batas
tungkol sa “Bawal
ang pagputol ng
mga punong kahoy”.
3. Patuloy na
paggamit ng plastic
sa inyong lugar.
4. Hindi inirereport
ng inyong
kapitbahay ang
sirang tubo ng tubig.
5. May mga kilala
kang mangingisda
na gumagamit ng
dinamita.

At sa huli bago ako magpaalam sa


inyo nais kong tandaan ninyo na...

Ang mga bagay kapag nagdaan ay tunay na


hindi na mababago, kaya mabuting alam
natin ang kasalukuyang aksyong ikinikilos
upang salubungin tayo ng magandang
hinaharap.

Muli isang magandang araw sa inyong lahat!


Paalam!

Inihanda nina:
Evangelista, Jerome V.
Amorado, Riza
Cruzat, Czharina Angel
Litargo, Lovely
Manzanero, Dhimee Marie B.
Ramos, Jillian Nikka

YUNG PUZZLE NA LANG ANG GAGAWIN NATIN.

BALI 2 SETS DIN PARA SA GROUP 1 AND 2.

PARA SA GROUP 1, PARAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGKASIRA NG KALIKASAN (MAGAGANDA, 5)

PARA SA GROUP 2, MASAMANG NAIDULOT NG PAGKASIRA NG KALIKASAN (MASASAMA, 5)


1.B

2.R 3.R S T N

5.R

4. E C

CLUES
DOWN
1.ITO AY TUMUTUKOY SA MGA BAGAY NA ITINATAPON NANG MAAYOS UPANG MAGING MALINIS
ANG KAPALIGIRAN.
BASURA
3.ITO AY MGA LUMANG BAGAY NA GINAGAMIT MULI UPANG BIGYAN NG PANIBAGONG
KAPAKINABANGAN.
RECYCLE
5.ITO AY TUMUTUKOY SA PAGGAMIT MULI NG MGA BAGAY NA ITINUTURING NA BASURA.
REUSE
ACROSS
2.ITO AY TUMUTUKOY SA PAGTATAGUYOD MULI NG KAGUBATAN SA PAMAMAGITAN NG
PAGTATANIM NG PUNO.
REFORESTATION
4.ITO TUMUTUKOY SA PAMAMARAAN NG PAGBABAWAS NG MGA BAGAY NA PANG-ISANG GAMIT
LAMANG.
REDUCE

1.D

5.P

2.Q R I G

3.P Y

4.G A W M N

CLUES

DOWN

1.ITO AY TUMUTUKOY SA WALANG HABAS NA PAGPUPUTOL NG MGA PUNO SA KAGUBATAN. ITO AY


KABALIGTARAN NG REFORESTATION.

DEFORESTATION

3.ITO AY TUMUTUKOY SA PAGTAAS NG LEBEL NG TUBIG DULOT NG PAG-ULAN. ITO SIN AY ISANG
SANHI NG PAGPUPUTOL NG PUNO AT MALING PAGTATAPON NG BASURA.

PAGBAHA

5.ITO AY TUMUTUKOY SA PAGKAKAROON NG DUMI SA HANGIN, TUBIG, AT MAGING SA KALUPAAN.


NAGDUDULOT ITO NG SAKIT SA MGA BAGAY NA MAY BUHAY.

POLUSYON
CROSS

2.ITO AY TUMUTUKOY SA ILIGAL NA PAGMIMINA.

QUARRYING

4.ITO AY TUMUTUKOY SA PAGTAAS NG TEMPERATURA NG MUNDO DULOT NG MGA GREENHOUSE


GASSES.

GLOBAL WARMING

You might also like