You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

Pamantayan sa Pagkatuto: 3.1 Natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran


ng bansa

I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa;
b. natatalakay ang mga isyung maaaring makaapekto sa ating bansa;
c. napahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran ng
bansa.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa
Sanggunian: Adriano, MC., (et-al) 2015. Araling Panlipunan 4
Kagamitan ng Mag-aaral. Vibal Group, Inc.
5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, Philippines 1600
Kagamitan: Pira-pirasong letra
Pira-pirasong larawan
Pandikit
Tulong Biswal

III. PAMAMARAAN

A. Panimula
 Panalangin
 Pagbati sa klase
 Pagtatala ng liban
 Pagpasa ng gawain

B. Pagbabalik-aral
 Magbalik aral sa huling aralin na naitalakay.

Kahapon ay ating naitalakay ang mga pakinabang na pang-


ekonomiko ng mga likas na yaman tulad ng pakinabang sa
kalakal at produkto, pakinabang sa turismo, at pakinabang sa
enerhiya.
Isang halimbawa na bahagi ng ating likas na yaman ay ang
produktong tuna at iba pang uri ng isda, ang pakinabang nito sa
ating ekonomiko ay pinagkukunan ng ikabubuhay bilang export
at lokal na konsumo.
Kung sa ating tanawin, ano ang pakinabang pang-ekonomiko ng
Bulkang Mayon? Sino ang nais sumagot?

C. Pagganyak
 Picture and word puzzle

Ipapangkat ng guro sa tatlong grupo ang klase. Magbibigay ang


guro ng pira-pirasong larawan at mga letra sa bawat grupo.
Pagtutulungan ng bawat kasapi ng grupo na mabuo ang
larawan at ang salita na mabubuo sa mga letra. Ang lider ng
bawat grupo ay magtatalaga kung sino ang mag didikit sa pisara
upang hindi magkakagulo ang klase sa harapan.

D. Paglalahad
 Ilalahad ng guro kung ano ang aralin sa araw na ito.

Ngayon ay ating tatalakayin ang mga isyung pangkapaligiran ng


bansa.

E. Pagtatalakayan
 Global warming – ang pagtaas ng temperatura ng atmospera nf
mundo sanhi ng mga chloroflurucarbons na nanggagaling sa
mga industriya at maging sa kabahayan: ang mataas na
temperatura ay maaaring magresulta sa greenhouse effecto
pagkakakulob ng init ng araw na nakaapekto sa kalusugan at
maging sa pananim.
 Pagbaha at pagguho ng lupa – bunga ng walang habas na
pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan. Epekto rin ng pagkakaingin o pagsusunog sa
kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang
lupa, o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.
 Polusyon – isyung pangkapaligiran na nakakaapekto hindi
lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa likas na yaman.
 Climate Change o pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay
nakakaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto
gaya ng pagbaha.

F. Paglalahat
 Isa-isahin ng bawat kasapi ng grupo ang mga isyung
pangkapaligiran ng bansa at ang mga maaaring sanhi nito.
 Paano nagkakaroon ng global warming? Ano-ano ang maaaring
epekto ng mga isyung pangkapaligiran sa ating bansa?
G. Pagpapahalaga
 Ang guro ay pipili ng mag-aaral at magtatanong kung paano
maiiwasan ang mga kalagayang nakaaapekto sa ating
kapaligiran at kung paano ito matutugunan?

IV. PAGTATAYA

Basahin ang mga suliraning pangkapaligiran. Piliin ang sanhi ng bawat isa
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

 Walang habas na pagputol ng mga puno


 Kaingin
 Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig ulan
 Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
 Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons

1. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig.


2. Pagkaubos ng mga halaman at mga hayop sa kagubatan.
3. Pagbaha at pagguho ng lupa.
4. Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer o global
warming.
5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan.

V. KASUNDUAN

Ipaliwanag ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa takdang aralin na


notbuk.

1. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baiting, paano ka makatutulong sa


pagbawas o pagpigil sa mga epekto ng global warming?
2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungko, sa mga isyung
pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito?

You might also like