You are on page 1of 11

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Pagtuturo at Pagtataya sa Pakikinig at Pagsasalita

I. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman ang mga gawain na ginagamit sa iba’t ibang uri ng teksto sa pakikinig.

b. Nakapagpahayag ng sariling pang unawa hinggil sa pakikinig.

c. Nakagagawa ng mga gawain sa mga iba’t ibang uri ng teksto sa pakikinig.

II. PAKSANG ARALIN

a. Mga gawain na ginagamit sa iba’t ibang uri ng teksto sa mga aralin sa pakikinig

Mga Teorya, Simulain at Estratehiya

Paquito B. Badayos

b. Kagamitan:

Biswal, Ispiker

c. Sanggunian:

Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika

Paquito B. Badayos Ph.D pahina 232-233

III. PAMAMARAAN: Paglalahad

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin Sa ngalan ng Ama, ng anak, ng espiritu

santos..

b. Pagtsetsek ng liban at hindi liban, (Unang pangkat.. lider ay tatayo, sasabihin

pagsasaayos upuan at pagpulot ng ang lumiban sa grupo)


kalat. (Pangalawang pangkat.. lider ay tatayo,

sasabihin ang lumiban sa grupo)

(Aayusin ang kanilang upuan at pupulitin

ang kalat)

c. Pagbati

“Magandang araw klase.” “Magandang umaga rin po Bb. Fuellas.”

“Kamusta naman ang inyong “Mabuti po at masaya.”

weekend klase?”

“Masaya akong marinig yan klase.”

“Ngayon handa na ba ang lahat na “Opo.”

making sa ating talakayan?”

“Mahusay!”

“Bago ang lahat klase nais kong

ipaalam ang aking alituntunin sa

ating talakayan.

1. Making ng mabuti at iwasan ang

pakikipagdaldalan sa katabi.”

2. Itaas ang kamay kung may nais

sabihin.

3. Huwag gumawa ng mga bagay

na hindi angkop sa ating


asignatura. “Opo.”

Maliwanag ba klase?”

1. Pagbabalik Aral “Tinalakay po natin ang tungkol sa mga

“Bago umpisahan ang bagong paksa, patnubay/simulain sa pagtuturo ng

nais ko munang malaman kung ano pakikinig.”

nakaraang paksa?”

“Mahusay.”

“Base sa kanyang sinabi, ano-ano ba

ang mga simulain/patnubay sa

pagtuturo ng pakikinig?”

“Tiyakin na lubos nauunawaan ng mga mag-

“Magbigay nga ng ilan?” aaral ang kanilang gagawin kaya ito

simulan.”

“Mahusay.”

“Maglaan ng mga tanong o set ng mga

“Tama ang iyong sinabi.” gawain na angkop sa kakayahan ng mag-

aaral.”

“Maglaan ng maraming gawain bago

“Huling karagdagan.” making at tiyaking makatutulong ang mga

ito upang mapagtagumpayan ng mga mag-

aaral ang anumang gawain na ipapagawa sa


kanila.”

“Napakahusay klase, talagang

naunawaan na ninyo ang mga

patnubay/simulain sa pagtuturo ng

pakikinig.”

2. Pagganyak

Magpapakita ng mga salita sa pisara.

 Tagubilin, Utos, Pagbibigay

Direksyon, Paglalarawan,

Kwento, Awit, Lektyur at

Talumpati, Patalastas, Babala,

Balita, Ulat tungkol sa Panahon.

“Base sa mga salita na inyong nakikita sa “Ang mga salitang nakdikit sa pisara ay

pisara ano kaya ang mga ito?” iba’t ibang uri ng teksto.”

“Mahusay!”

“Base sa kanyang sinabi, ano naman ang “Ang teksto ay isang anumang bagay na

kahulugan ng teksto?” maaaring maging ‘basahin’, kung ang mga

bagay na ito ay isang trabaho ng panitikan,

isang street sign, isang pag-aayos ng gusali

sa lungsod ng bloke, o mga estilo ng


pananamit. Ito ay isang maliwanag na hanay

ng mga palatandaan na nagpapadala ng ilang

mga uri ng mapagbigay kaalamang mga

mensahe.”

“Napakahusay ng iyong kasagutan.”

(Ididkit ang salitang Layunin sa pisara)

“Ngayon naman, maaari bang magbigay kayo “Ang layunin ay ang intension o ang bagay

ng kahulugan sa salitang ‘Layunin’?” na minimithi ng puso at damdamin ng isang

tao. Ito ay salitang may kaakibat na pagkilos

at may katiyakang maisasakatuparan ang

anumang gawain o bagay na nilayong gawin

ng isa.”

“Napakagaling ng iyong sinabi.”

“Sa inyong pagbibigay kahulugan sa layunin, “Opo, nabanggit po.”

nabanggit ba ang salitang pagkilos at gawain?”

“Kung gayon, maaari bang iugnay niyo ang “Base po sa pagpapakahulugan sa teksto, ito

inyong pagpapakahulugan, para sa ating paksa ay maaaring nakasulat o pasalita, kaya

ngayon?” naman ito ay ang mga gawaing maaaring

ilapat upang matamo ang layunin na nais sa

isang uri ng teksto sa pakikinig.”

“Magaling klase!”

“Ngayon, alam niyo na ba ang koneksyon ng “Opo.”

bawat isa?”
B. PAGLALAHAD

(Magpaparinig ang guro ng isang

spoken poetry)

“Ayon sa inyong napakinggan tungkol “Base po sa spoken words poetry, ito po ay

sa ano ang spoken poetry?” tungkol sa …”

C. PAGTALAKAY SA ARALIN

“Ang ating gagawin ay pangkatang

gawain.”

(Ipapangkat ang klase sa apat)

“Magsama-sama ang magkakapangkat

at talakayin ang inyong paksa sa loob (Pupunta sa kani-kanilang pangkat)

lamang ng dalawampung minute (20)”

Panuto:

Gawan ng isang presentasyon ang (Mag uusap ang bawat pangkat sa kanilang

tekstong nakalaan sa inyong grupo. gagawin)

Pagkatapos ng 20 minuto ito ay

ipepresenta.

Unang pangkat:

- Tagubilin/Utos/Pagbibigay direksyon/

Paglalarawan

Ikalawang pangkat:

- Kuwento
Ikatlong pangkat:

- Awit/Lektyur/Talumpati

Ikaapat na pangkat:

- Patalastas/Babala

(Ang tekstong kanilang papakinggan ay

magmumula sa guro)

D. PAGLALAPAT

“Pakiayos na ang inyong upuan, bawat (aayusin ang upuan, para sa pakikinig sa

grupo ay maghanda sa inyong presentasyon)

presentasyon.”

- Unang pangkat

- Ikalawang pangkat (papalakpak ang mag-aaral sa bawat

- Ikatlong pangkat pagtapos ng isang presentasyon)

- Ikaapat na pangkat

“Mahusay ang inyong ginawang (papalakpak ang lahat)

presentasyon klase!”

E. PAGLALAHAT

“Nasaksihan natin ang presentasyon ng bawat

grupo, magalin ang inyong pinakitang

presentasyon.”

“Para sa unang pangkat, ano-anong gawain ang “Maaari pong gumuhit o bumuo ng isang
maaaring mailapat sa teksting larawan/dayagram o mapa. Magtunton sa

tagubilin/utos/pagbibigay direksyon at isang ruta, pagpili ng isang larawan at

paglalarawan sa pamamagitan ng pakikinig?” pagsasadula o paggawa.”

“Magaling na iyong sagot.”

“Ilan lamang iyan sa mga gawain na maaaring

ipagawa sa mag-aral upang maging epektibo

ang pakikinig sa mga tekstong nabanggit.”

“Sa pakikinig ng kuwento, ano naman ang “Maaari pong hulaan ng mag aaral ang

gawaing maaaring gawin ng mag aaral upang kalabasan ng kuwento; iguhit ang tagpuan at

hindi sila mainip/ipagawa ng guro sa mag aaral tauhan sa kuwento; o kaya naman po gawin

habang nakikinig ng maikling kuwento.” ang ginawang aksyon ng isang tauhan sa

kuwento.”

“Mahusay!”

“May karagdagan paba?” “Maaari rin pong magsulat ng buod;

pagsasadula; at pagsagot sa tanong.”

“Tumpak ang iyong sagot.”

“Ang mga nabanggit na gawain ay maaaring

ipagawa sa mag-aaral upang mas lalong

interaktibo ang pakikinig sa kuwento.”


“Dumako naman tayo sa ikatlong pangkat, “Meron po ma’am.”

kapag ba nakikinig sa awit, lektyur at

talumpati, may mga gawain ba tayong

maaaring gawin upang maging mabisa ang

ating pakikinig sa uri ng tekstong ito?”

“At ano naman yun?” “Pagsasakilos ng ilang awitin at tugma;

pagbuo ng balangkas; paglalahad ng mga

impormasyon sa tulong ng isang grap;

pagleleybel ng isang bagay na inilalarawan.”

“Mahusay ang iyong sinabi.”

“May nais paba kayong idagdag klase?” “Pagkuha ng tala: pagsulat ng buod:

pagsagot sa mga tanong: pagbibigay ng mga

tanong sa tagapagsalita.”

“Napakahusay klase.”

“Ang inyong nabanggit ay mga gawain upang

maging epektibo ang pakikinig ng awit, lektyur

at talumpati.”

“At para sa huling pangkat, sa tekstong “Mapunan ang mga puwang kaugnay ng

patalastas; babala; balita; at ulat tungkol sa mga tanong tungkol sa mga iskeydyul;

panahon, ano man ang mas epektibong gawain maisulat ang hinihinging impormasyon sa

na mailalapat ditto upang maging epektibo ang isang pormulasyon; maibigay ang buod ng
pakikinig.” ulat hinggil sa kalagayan ng panahon.”

“Magaling.”

“Lahat ng inyong sinabi ay mga epektibong

gawain na maaaring mailapat sa iba’t ibang uri

ng teksto sa pakikinig.”

“May mga katanungan pa ba kayo, o kaya “Wala na po ma’am.”

naman hindi naunawaan sa ating naging

talakayan?”

IV. PAGTATAYA

Panuto: sagutin ang mga tanong, hinggil sa

inyong sariling pag-unawa sa ating naging (sasagutan ang mga tanong sa ½ crosswise

paksa. na papel)

1. Bakit kinakailangan ng mga gawaing

mailalapat sa pakikinig sa iba’t ibang

uri ng teksto?

2. Paano magiging epektibo ang pakikinig

ng iba’t ibang uri ng teksto?

3. Paano makakahubog sa pagkatuto sa

pakikinig ang mga gawain?

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Ang bawat pangkat ay


kinakailangang makahanap ng video na

may kaugnayan sa inyong teksto, at mga

gawain na maaaring ilapat dito. Ipepresenta

ang video sa susunod na araw. Ang video

ay kinakailangan hindi bababa sa sampung

minute.

Pamantayan sa Presentasyon

1. Pagkakaisa ng pangka - 25%

2. Kaalaman sa paksa - 25%

3. Kaugnayan ng video sa paksa - 20%

4. Pagsasalita -15%

5. Pagsunod sa ibinigay na oras - 15%

Kabuuan: 100%

Maryjane Fuellas 3EDFIL5A Propesor Ray Centeno

You might also like