You are on page 1of 10

R.G.

DE CASTRO COLLEGES
Zone 3, Bulan Sorsogon

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO V

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahulugan ng Pabula.
 Naisasadula ang mga piling pangyayari sa kwento.
 Naisasabuhay ang kahalagahan ng Pabula.

II. PAKSANG-ARALIN
a) PAKSA: Parehong nawalan (PABULA)
b) Sanggunihan: Landas sa Wika at Pagbasa 5 p.120-122,
https:www.scribd.com, Noypi.com.ph
c) Kagamitang Panturo: laptop, Ppt, Projector
d) Pagpapahalaga: Naisasabuhay ang mga aral sa kwentong binasa.

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
“Magandang umaga mga bata!”
“Magandang umaga po guro”
“Kamusta kayo?”
“Mabuti po”
“Mabuti naman kung ganon, Akon ga pala si
Ginoong Rey Angelo Cabiles at ako ang
magiging guro ninyo sa Filipino.”
 Panalangin

“Bago ang lahat, maaari bang tumayo ang
bawat isa para sa ating panalangin?”
“Opo guro”
(ang mga mag-aaral ay tatayo upang
manalangin.)

“Maraming salamat at bago kayo maupo,


pulutin muna ninyo ang mga basura sa ilalim
ng inyong upuan at ito ay ilagay sa bulsa o
bag kung walang basurahan.”

(pupulutin ng mga mag-aaral ang mga


piraso ng papel at ilalagay sa tamang
lalagyan.)
“Sa ating pagpapatuloy, mayroon bang
lumiban ngayon sa ating klase?”

“Mahusay kung ganon.” “Wala po.”

B. Panlinang na Gawain
 Balik-aral
]

“Ngayon mga bata, bago tayo dumako sa


ating aralin. Tayo muna ay magbalik aral ano
nga ulit ang ating napag-aralan sa mga
nakaraang pag tatalakay?”

“Ang atin pong pinag-aralan ay tungkol sa


“Mahusay! Ngayon kapag sinabi nating tula tula.”
ano nga uit ang ibig sabihin nito?”

“Ang Tula ay isang anyo ng sining o


“Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong panitikan na naglalayong maipahayag ang
mga sarili” damdamin sa malayang pagsusulat.”

(Ang mga mag-aaral ay papalakpak sa


 Pagganyak kanilang sarili.)
“Ngayon bago tayo magpatuloy sa ating
bagong aralin. Mayroon akong inihanda na
pangunahing Gawain, hand ana ba kayo?”
“Opo!”
“Mahusay!, ngayon mayroon ako ditong
bola at ako ay magpapatugtog ng isang
kanta, at ang gagawin ninyo ay habang
tumutugtog ang isang kanta ay ipapasa
ninyo ang bola sa katabi ng tuloy tuloy, at sa
sandalling tumigil ang pagtugtog ang sino
mang matigilan na may hawak ng bola ay
pipili ng sino man sa kanyang katabi sa
kaliwa o kanan at sila ay pupunta sa unahan
at bubunot ng papel at ikikilos ng katabing
napili ang salitang kanyang nabunot at
huhulaan ito ng taong natigilan ng bola.”

“Naunawaan ba mga bata?”

“Opo guro.”
“Mahusay, ngayon ay magsimula na tayo”

(Ang mga bata ay ginawa ang nasabing


Gawain.)
“Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili,
kayo ba ay nasiyahan?”

“Opo guro.”

 Paghawan ng Sagabal
“Mahusay! Ngayon , sa ating pagpapatuloy
ay mayroon ako ditong salita at nais kong
ibigay ninyo ang kahulugan ng salitang ito.”

“KATHANG ISIP”

“Mahusay!” “ Imahinasyon po Guro.”


“HAKA-HAKA”

“Sariling opinion.”
“ Walang katibayan na totoo.”
“Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili, ngayon dumako na tayo sa ating
aralin. Handa na ba ang bawat isa?”

 Paglalahad ng Paksa at Layunin (ang mga bata ay pumalakpak)


“Sa ating pagpapatuloy, ay narito ang mga
layunin ng ating mga para sa ating pag
aaralan ngayong umaga

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-


aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahulugan ng
Pabula.
 Naisasadula ang mga piling “Hindi po guro.”
pangyayari sa kwento.
 Naisasabuhay ang
kahalagahan ng Pabula.

“Opo guro.”
“Mayroon akong babasahing tula na
pinamagatang “PAREHONG NAWALAN”,
pero bago yun anon ga ba ang dapat
ninyong gagawin habang nagbabasa ang
guro?

“Makinig ng mabuti.”
“Huwag maingay.”
“Mahusay, simulan na natin”
(Babasahin ng guro ang Pabula na
pinamagatang “PAREHONG NAWALAN”)

“Nagustuhan niyo ang kwentong binasa?”

“Mahusay! Ano nga ulit ang pamagat ng “Opo”


pabulang ating binasa?”
“Mahusay! Ngayon, sino sino ang mga “Ang pamagat po ng pabulang binasa ay
tauhan sa kwento?” PAREHONG NAWALAN”

“Si Muning”
“Magaling! anong pagkain ang nakita nina “Si Kuting”
Muning at Kuting sa daan?” “Si Matsing”

“Mahusay! Ngayon dumako na tayo sa ating


aralin.”
 Pagtalakay
“Ngayon ating talakayin kung ano ang ibig
sabihin ng PABULA at kung ano ang mga
ELEMENTO O BAHAGI NG PABULA.”

“Handa na ba ang bawat isa?”

PABULA- ito ay isang uri ng panitikan na “Opo guro”


kathang isip lamang na kinapupulutan ng
Magandang aral. Mga hayop o bagay na
walang buhay ang karaniwang gumaganap
na pangunahing tauhan dito.
Ang mga halimbawa ng pabula ay ang aking
binasa na may pamagat na
 PAREHONG NAWALAN
 ANG PAGONG AT ANG MATSING
 ANG MAYA AT ANG LANGGAM
 ANG LEON AT ANG DAGA

“Naunawaan ba?”

“Mahusay! Ngayon dumako naman tayo sa


mga elemento o bahagi ng pabula” “Opo guro.”
ELEMENTO O BAHAGI NG PABULA
1. TAUHAN – Ito ang anumang hayop
na gumaganap sa kwento.
2. TAGPUAN- Tumutukoy sa
oras ,panahon, at lugar na
pinagdausan ng kwento at istorya.
aari itong maging dalawa o higit pa.
3. BANGHAY – Ito ang kabuuang
pangyyari na naganap sa kwento.
4. ARAL- Ito ang mga mahalagang
matutuhan pagkatapos Mabasa ang
kwentong pabula.

“Nauunawaan ba ang ating tinalakay mga


bata?”

 Pangkatang Gawain “Opo guro”


“Mabuti naman kung ganon, ngayon kayo ay
magkakaroon ng pangkatang gawain’
“Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat at
bawat pangkat magiisip ng kwentong pabula
at isasadula ninyo ito sa unahan. Maliwanag
ba?”

“Opo guro”

“Mahusay, ngunit bago ang lahat narito


muna ang mga rubrics para sa inyong
Gawain
SUKATAN
CRITERIA 5 4 3 2 1
KOOPERASYON
NATAPOSA
TAKDANG
ORAS
PAGKA “Opo guro”
MALIKHAIN
TOTAL

 Paglalahat/Paglalagom
“Mahusay, palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili dahil sa inyong pakiki isa “

“Ngayon mga bata, tungkol saan nga ulit


ang ating mga napagaralan?”

(Ang mga bata ay pumalakpak para sa


“Mahusay! Ano nga ulit anng ibig sabihin ng kanilang mga sarili)
Pabula?”

“Ang atin pong napag aralan ay patungkol


po sa Pabula.”

“Napakahusay! Ano pa ang ating mga napag “ Ito ay isang uri ng panitikan na kathang
aralan?” isip lamang na kinapupulutan ng
Magandang aral. Mga hayop o bagay na
walang buhay ang karaniwang gumaganap
“Magaling! Maari niyo bang ibigay ang mga na pangunahing tauhan dito.
elemento o bahagi ng pabula?”

“ Ang iba pa po nating napag aralan ay


MGA ELEMENTO O BAHAGI NG PABULA.”

“Mahusay! Ano ang kahulugan ng tauhan sa


pabula?”
“TAUHAN”

“Mahusay! Ano pa ang ibang bahagi?”

" Ito ang anumang hayop na gumaganap


“Mahusay! Ano ang kahulugan ng tagpuan sa kwento. ”
sa pabula?”

“TAGPUAN”

“Tumutukoy sa oras ,panahon, at lugar na


“Mahusay! Ano pa kaya?” pinagdausan ng kwento at istorya. Maari
itong maging dalawa o higit pa.”
“Ito po ang nagtatagong kahulugan ng
“Mahusay! Ano ang kahulugan ng banghay tula”
sa pabula?”

“BANGHAY”

“Mahusay! Ano pa ang ibang bahagi?”

“Ito ang kabuuang pangyyari na naganap


sa kwento.”
“Mahusay! Ano ang kahulugan ng Aral sa
pabula?”

“ARAL”

 Paglalapat “Ito ang mga mahalagang matutuhan


“Mahusay! Sa tingin ninyo, ano ang pagkatapos Mabasa ang kwentong
kahalagahan ng pabula o ano ang epekto pabula.”
nito sa ating mga buhay ?”
“Sa pamamagitan ng pag babasa ng mga
“Mahusay! Maari bang palakpakan ninyo kwentong pabula ay nag bibigay aliw ito sa
ang inyong mga sarili?” mga mababasa at kinapupulutan ito ng
aral na makakatulong para maging isang
mabuting indibidwal”
IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Ngayon ibig kong kumuha ang bawat isa ng
isang kapat na papel at sagutan ang mga
sumusunod: (Ang mga bata ay pumalakpak)

1.Isang uri ng panitikan na kathang isip


lamang na kinapupulutan ng magandang
aral.
a. Tula
b. Pabula
c. Parabula
d. Maikling kwento
2. Ito ang anumang hayop na gumaganap sa
istorya o kwento.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Aral
3. Ito ang kabuuang pangyayari sa naganap
na kwento.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Aral
4. Ito ang mahalagang matututunan
pagkatapos Mabasa ang kwentong pabula.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Aral
5.Tumutukoy sa oras,panahon, at lugar na
pinagdausan ng kwento at istorya. Maari
itong maging dalawa o higit pa.
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Banghay
d. Aral

Mga Sagot:
1. A
2. A
3. C
4. D
5. B
V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat sa notebook nng kahit anong kwentong Pabula.

Inihanda ni:
Pangalan: Rey Angelo B. Cabiles
Pangkat/Kurso: BEED 303
SPEC 17

Nabatid:

RHEA GOLLOSO-GIRADO
Guro ng Asignatura

You might also like