You are on page 1of 17

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga di-pamilyar na salita sa
akda, at mga salitang nagpapahayag ng damdamin.

II. PAKSANG – ARALIN


“Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”
Ikalawang Markahan - Filipino 7
Kagamitan - Color paper, pentel pen, laptop, at iba pa.
Integrasyon - Araling Panlipunan (pangkasaysayan)
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral

1. Panimulang Gawain
A. Paghahanda

a. Panalangin
“Magsitayo ang lahat para sa pambungad
na panalangin. Maaari mo bang
panguluhan, Keih?”
(Tumayo ang lahat at nanalangin)

b. Pagbati
“Isang mapagpalang araw sa lahat.”

“Bago magsiupo ay ayusin muna ninyo ang


mga upuan at pulutin ang mga kalat sa
inyong paligid.”
(Inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
kalat sa paligid)

c. Pagtatala ng Liban
“Bawat kalihim ng bawat pangkat may
liban ba?”

“Unang Pangkat?”
“Wala po, Ma’am.”
"Pangalawang Pangkat?”

"Wala po"

" Pangatlong Pangkat?"

“Wala pong liban ma’am.”

" Pang-apat na Pangkat?"

"Wala rin po Ma'am."

“Mabuti naman kung ganoon, ang ibig


sabihin lamang nito ay handa na kayo
sa panibagong talakayan. Tama ba ko?”

“Kung gayon ay magbigay ng dalawang


bagsak.”

(Nagpalakpakan)
d. Kasunduan

“Sino ang makapagsasabi sa ating mga


kasunduan? Magbigay ng isa, Harry”

“Huwag makipagdaldalan sa katabi habang


nagsasalita ang guro sa harapan.”

“Maraming salamat. Ano pa,


Potter?”

“Iligpit ang mga gamit na walang kinalaman


sa klase.”

“Magaling! At ang panghuli ay Kaye?”

“Itaas lamang ang kanang kamay kung nais


sumagot.”

“Tama!
Maaasahan ko bang susundin ninyo ang
lahat ng mga alituntuntuning
nabanggit?”

“Opo ma’am.”

B. Pangganyak

Larawan Ko, Hulaan Mo!

“Ngayon, bago tayo tuluyang pumunta


sa ating panibagong paksa
ay magkakaroon muna tayo nga laro.
Gusto niyo ba ng laro klase?

"Opo, Ma'am"

“Mayroon akong ipapakitang larawan at


ibigay ninyo ang inyung mga ideya
kung saan patungkol ang larawan.
Paunahan kayo ng pagtaas ng kamay
bawat pangkat dahil mayroong
kaakibat na puntos ang tamang sagot
na inyong madidikit dito sa unahan.”

(Rubrik sa Pagmamarka)

"Handa na ba kayo klas?

“Opo, ma’am”

Unang Larawan
Pangalawang Larawan

“Batay sa inyong nakitang larawan, ano ang


napansin ninyo?”

(Ang mga mag-aaral ay aktibong


nakilahok.)

“Sige nga, Karen?”

“Ito po ay patungkol sa pagiging matigas


ang ulo sa magulang.”

“Ano ang interpretasyon ninyo sa unang


larawan?”

"Para sa akin po ito ay patungkol sa isang


anak na hindi nakikinig sa ama"

“Ano naman ang inyong interpretasyon sa


pangalawang larawan?”

“Ito po ay tungkol sa ama na sinasabihan


ang anak habang ang anak naman ay
matigas ang ulo at gusto na ang desisyon
niya ang matupad”
“Magaling! Talaga naman ang larawan ay
nagpapakita ng ama at anak nagpapakita
ng katigasan ng ulo sa kaniyang ama.

(Nagpapalakapakan)

C. Paglalahad

"Batay sa ginawa ninyong gawain


klas,ano kaya ang tatalakayin natin
ngayong araw?"

“Tungkol po ito sa pagiging suwail na anak.”

"Mahusay! Dahil ang tatalakayin natin


ngayong araw ay patungkol sa mga
anak na suwail na may kaakibat na
epekto ang pagiging matigas ang ulo.
Bigyan natin ng mahusay clap.”

(Nagpalakpakan)

"Ang tatalakayin natin ngayon ay ang


Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”

“Klas maari niyo bang basahin ng


sabay-sabay ang pamagat ng ating
tatalakayin ngayong araw?”

“Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”

a. Pagpapakita sa mga layunin

"Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang ating


layunin ngayong umaga."

(Ipapakita ng guro ang mga layunin.)


Mga Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang
mga mag – aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang kahulugan
at sariling interpretasyon
sa mga di-pamilyar na
salita sa akda at mga
salitang nagpapahayag ng
damdamin.
b. Paghahawan ng Sagabal

“Pero bago ninyo basahin ang


nilalaman ng alamat na pinamagatang
“Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan.” Bibigyan muna natin ng
kahulugan ang mga mahihirap na
salitang matatagpuan sa tula. Basahin
ng sabay-sabay ang panuto.”

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang


kasingkahulugan ng salitang nasa
Hanay A at gamitin ito sa sariling
pangungusap.

Hanay A Hanay B

1. napagpasyahan a balisa

2. matanaw b. nakita Mga inaasahang sagot ng mag-aaral:

2. dalamhati c.napagdesisyonan 1. napagdesisyonan


2. nakita
4. tingungo d. nagpapatuloy 3. pagdurusa
4. pinuntahan
5. kantanyagan e. pagdurusa 5. kilala

f. pinuntahan

g. kilala

(Gamitin sa pangungusap)

( Ginamit ng mga mag-aaral ang mga


mahihirap na salita sa pangungusap.)
c. Pagtalakay

"Magaling! Ngayon ay nabibigyan na natin


ng linaw ang mga mahihirap na salita na
matatagpuan sa alamat ay simulan na
nating basahin ang nilalaman ng “Alamat
ng Isla ng Pitong Makasalanan.”

Pangkatang Pagbasa

(Pagbasa ng akda)

Bago magbasa

“Batay sa ating pamagat klas mayroon ba


kayong mga inisyal na katanungan na
namumuo sa inyung isipan? Kung mayroon
ay maari ninyo itong isulat dito sa
harapan.”
Mga inaasahang tanong ng mga mag-aaral:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Bakit tinawag na alamat ng pitong
makasalanan ang paksa?

“Magaling! Ang lahat ng inyong katanungan


ay ating sasagutan sa pag-usad ng ating
talakayan.”

Habang nagbabasa

Hinahamon kita!
“Ngayon, ay tatalakayin na natin ang
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan at
babasahin natin ito sa sabayang pagbasa at
pagalingan ng pagbasa bawat pangkat at
kung sinong pangkat ang may
pinakamagaling bumasa at malakas ang
boses ay may kaukulang pabuyang
naghihintay para sa inyo, maliwanag ba
klas?”
(Ang mga mag-aaral ay may kaniya-
kaniyang kopya ng Alamat na babasahin.)
“Ako muna ang magbabasa klas at
susundan ito ng pangkat na aking
tatawagin na kinakailangang pagtatawag
kayo ng pangkat ay sasabihinn ninyong
hinahamon kita! Maliwanag ba?”

“Opo, ma’am.”

“Ako muna ang magbabasa, noong unang


panahon, may isang mangingisdang may
pitong dalagang anak na nakatira sa
Dumangas, isang bayang matatagpuan sa
hilagang silangan ng Iloilo sa bahagi ng (Ang mga mag-aaral ay nakikinig.)
islang Panay. Ang pitong anak ay
napakaganda kung kaya’t ang kanilang
kantanyagan ay umabot sa iba’t ibang bayan.
Hinahamon kita Pangkat 1”

(Ang mga mag-aaral ay itinuloy ang


pagbabasa.)

“Batay sa inyung binasa klas, Ano ang


katangian ng mga dalagang labis na
hinahangaan ng bawat makakita sa kanila?

“Ang katangian po nila ay sila ay


magaganda kaya nabibighani ang lahat ng
mga binata sa kanila maging ang mga
kalalakihan ay pumupunta sa kanilang
lugar upang masilayan lamang ang kanilang
magandang mukha.”

“Tama! Ipagpatuloy ang pagbabasa.”

(Ang mga mag-aaral ay itinuloy ang


pagbabasa.)

“Ano ang ikinatakot ng ama nang dahil sa


katangiang ito ng kaniyang mga anak?”
“Ikinatakot ng ama dahil sa kagandahan ng
kaniyang anak ay makapag-asawa ang
sinuman sa kaniyang mga anak ng mga
lalaking maaring maglayo nito kaniya.”

“Mahusay! Hiniling pa nga ng kanilang ama


na kung maari ay makapag-asawa ang
kaniyang mga anak sa mga lalaking
naninirahan lamang sa kanilang isla, upang
hindi sila mapalayo sa isa’t isa. Sa tingin
ninyo matutupad kaya ang kaniyang hiling?
Malalaman natin iyan sa pagpapatuloy ng
inyong pagbabasa.”

(Ang mga mag-aaral ay itinuloy ang


pagbabasa.)

“Bakit hindi pumayag ang ama nang


magpaalam ang kanyang mga anak na sasama
sa mga binatang bago pa lang nila nakilala?”

“Hindi po pumayag ang ama dahil ayaw


niya pong malayo sa mga ito at kung
mangyari iyon ay magiging malungkot ang
kaniyang buhay dahil siya nalang ang
maiiwan mag-isa.”

“Magaling! Siya namang tunay na


nakakalungkot kapag mag-isa lalong lalo
na kung mapapalayo sa iyong mga
minamahal sa buhay. Ngayon ay
ipagpatuloy na ang pagbabasa.”

(Ang mga mag-aaral ay itinuloy ang


pagbabasa.)
“Ano ang nangyari sa pitong dalaga ng sila
ay nagmatigas at sumama sa maga
estranghero?”

“ Nalunod po ang pitong dalaga nang ang


kanilang sinakayan ay hinampas ng
malakas na alon dala ng biglang pagsama
ng panahon na sumadsad sa mga korales at
matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-
hiwalay ang mga ito.”

“Tumpak! Ano naman ang nakita ng


kanilang ama sa paghanap nito sa kanila?”

“Nakita po ng ama ang pitong isla sa gitna


ng laot sa pagitan ng isla ng Dumangas at
isla ng Guimaras na wari’y nahulaan na niya
ang nangyari at ito ang kaniyang mga anak
na nalunod.”

“Mahusay! At ang mumunting isla ay


tinawag na Isla de los Siete Pecados o mga
Isla ng Pitong Makasalanan.”

Pagkatapos magbasa

“Ngayon ay sasagutan na natin ang mga


katanungan na isinulat ninyo kanina.”

“Ang mga mag-aaral ay nagsipagtaasan ng


kamay.”
(Ginabayan ng guro ang mga sagot ng mag-
aaral.)

(Ang mga balloon na nasa harapan ay


ipinaputok sa mga mag-aaral na
naglalaman ng mga katanungan.)
(Mga Tanong na nasa loob ng ballon)

Mga Gabay na Tanong:

■ Sa inyong sariling interpretasyon,


makatwiran ba ang hindi pagpayag ng
ama sa kagustuhan ng kanyang mga
anak? Bakit?

■ Sa iyong palagay, kung ikaw ang isa sa


mga dalaga, susunod ka ba o susuway sa
iyong ama? Ipaliwanag

■ Sa iyong sariling pagkakaintindi, kung


ikaw naman ang ama, ano ang gagawin
mo para mapasunod mo ang mga anak sa
iyong kagustuhan, lalo na kung
makabubuti naman ito sa kanila?

D. Paghahalaw at Paghahambing

"Batay sa natalakay natin ngayong umaga


klas, ano ang kaibahan ng alamat sa iba
pang akdang pampanitikan?"

“Ang mga mag-aaral ay nagsipagtaasan ng


kamay.”

"Subukan mo nga, Jay."

“Magkaiba po ito sa ibang akda dahil ang


alamat lamang po ang nagsasaad ng
pinagmulan ng bagay-bagay.”

"Tama,mayroon pa bang ibang kasagutan?"


“May kaibahan po ito dahil ang alamat ay
tinatalakay nito ang mga makukulay na
kaugalian ng ating kultura na
maihahambing mo sa mga nangyayari sa
kasalukuyan na kung saan kakikitaan ng
magagandang pahayag na nagbibigay aral
kasama na ang pinagmulan ng lahat ng
bagay.”

"Mahusay! Totoo ngang dahil sa alamat


ay nagkarron tayo ng hinuha tungkol saan
nanggaling ang lahat ng bagay na ating
nakikita na siyang nagbibigay kulay sa
ating mga kultura at tradisyon. Bigyan ng
tatlong bagsak."

(Nagpalakpakan)

E. Paglalahat

"Batid kong lubos niyo ng naunawaan ang


tulang ating binasa ay magkakaroon muna
tayo ng #POTD o pulot of the day."

"Ano ang inyung natutunan o napulot na


aral sa ating arilin?" Inaasang sagot ng mga mag-aaral:

“Ang pagiging suwail sa magulang ay may


kaakibat na parusa."

"Huwag unahin ang bugso ng damdamin


makinig sa magulang upang hindi malagay
sa kapahamakan."

"Ang katigasan ng ulo ay hindi makakabuti


sa iyo kaya mas maigi na hindi ipasawalang
bahala ang kanilang mga payo."

"Ang batang hindi nakikinig ay may hindi


magandang sasapitin."
F. Paglalapat

"Tumpak! Ngayon naman upang mas


mahasa pa lalo ang inyunng kaalaman ay
mayroon akong hamon na ibibigay sa inyo.
Bibigyan ko kayo ng 8 minuto upang
tapusin ang pagsubok na ito"

“Nasa inyo na klas kong gusto ninyong


umawit, dumula, sumulat, gumawa ng
slogan o graphic organizer.”

"Handa naba kayo?"

“Opo, ma’am.”

"Ngunit bago ang lahat pansinin niyo


muna ang ating pamantayan."

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman at 15
Kaangkupan
Pagkamalikhain o 10
organisasyon
Kaayusan/Kalinisa 5
n
Kabuuan 30

(Ang mga mag-aaral ay pumili ng kanilang


gagawin bawat pangkat)
Pangkatang gawain
Panuto: Sa bawat gawain na ibinigay ko sa
inyo ay gagawin ninyo ito sa loob ng 8
minuto at ilahad ito saharapan.
Unang Pangkat:
Sa pamamagitan ng grapaic organizer isulat
ang inyung mahihinuha sa salitang
humagulgol.

Pangalawang Pangkat:
Gumawa ng kanta at ilahad ang mga
mahihirap na salitang matatagpuan sa
alamat at mga salitang nagpapahayag ng
damdamin sa pamamagitan ng pag-awit.

Ikatlong Pangkat:
Sa pamamagitan ng slogan ipakita ang
kahalagahan ng pagsunod sa magulang
gamit ang mga di-pamilyar na salitang
matatagpuan sa akda at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin.
Ika-apat na Pangkat:
Sa isang dula ilapat ang sariling
interpretasyon sa pahayag na “Dahil sa
kagandahan ng Pitong dalaga kaya hindi
kataka-taka na maraming mga binata ang
nais magpahayag ng pag-ibig ang dumarayo
sa kanilang isla.

Iba pang gawain na maaring piliin ng


mag-aaral:
Sa pamamagitan ng paggamit ng graphic
organizer sumulat sariling enterpretasyon
sa sa salitang estranghero.
(Ang mga mag-aaral ay ipinakita ang
kanilang gawa.)

(Ang guro ay nagbibigay puntos sa bawat


pangkat at ipinaliwanag bakit nila nakuha
ang ganoong puntos.)

“Naintindihan niyo ba ang paksa na ating


tinalakay?”

Opo Ma’am.”

“Wala na ba kayong mga katanungan?”


“Wala na po Ma’am.”

Ngayon sa isang- kapat na papel ay


sagutan ang mga sumusunod na
katanungan."

“Opo Ma’am.”

IV. EBALWASYON
Panuto: Mula sa akdang “ Alamat ng Pitong Islang Makasalanan” tukuyin ang angkop na
salita na kukumpleto sa diwa ng pangungusap.

Baybayin Lulan-sakay Pahintulot


Humagulgol Dumarayo-pumupunta Mawalay
-umiyak ng
malakas
Mapangahas Pumalaot-namangka Bantog-
-matapang at papuntasa tabi ng dagat tanyag
wala sa
katwiran

1.Noong unang panahon ay may matandang mangingisda na naninirahan sa harap


ng _______ sa Dagat-Bisaya kasama ang kanyang pitong dalagang anak.

2. Ang kagandahan ng pitong dalaga ay __________hindi lamang sa kanilang bayan kundi pati
na rin sa malayonglugar.

3.Kaya hindi kataka-taka na maraming mga binata ang nais magpahayag ng pag-ibig ang
_______ sa kanilang lugar upang manligaw

4.Sa sobrang pagmamahal ng ama sa kanyang mga anak ay ayaw niyang _______sa kanila.

5. Isang araw may isang pangkat na __________ na binatang mangangalakal ang nagpahayag
ng pag-ibig sapitong dalaga.

6. Hindi naging madali ang paghingi ng _________sa ama ng mga dalaga na sila ay maligawan.
Para sa bilang 8-10: Tukuyin ang tamang titik at bilugan ang angkop na kasagutan.

7.Ang pitong dalaga'y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o


masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang mga
dalaga ay ...

a. Masayahin b. mapagwalam bahala c. palakaibigan d. malaro

8. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kaniyang


gawaing bahay. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay...

a.palautos b. malilinis c. masisipag d. masayahin

9. Subalit hindi naging madali ang paghingi ng pahintulot sa kanilang ama. "Hindi nyo
pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag."
Mahihinuha mula rito na ang ama ay ...

a.magagalitin b.mainisin c. mapagmalasakit d. mapagbigay

10. Ang alamat ay nagmula sa salitang na legendus “upang mabasa” .

a. Latin b. Espanyol c. Ingles d. Ilokano

Mga Sagot
1. Baybayin
2. Bantog
3. Dumarayo
4. Mawalay
5. Mapangahas
6. Pahintulot
7. A.
8. C.
9. A.
10. A.
V. TAKDANG- ARALIN

Panuto: Isulat sa isang malinis na ½ crosswise na papel.

Bakit kailangang igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang? Maglahad ng sariling
karanasan na ang pagsunod sa kanila ay nakabuti sa iyo?.

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON


5 4 3 2 1
Nilalaman
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi.
Balirala
Wastong gamit ng wika.
Paglimita sa paggamit ng mga salitang
hiram.
Hikayat
Paraan ng pagtalakay sa paksa.
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay
ng guro kaugnay sa gawain.

5- Pinakamahusay 4- Mahusay 3- Katangap-tanggap


2- Mapaghuhusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

Inihanda ni:
Kim Gel C. Ingad

You might also like