You are on page 1of 5

Banghay Aralin

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang,
a. Natutukoy ang mensaheng nakapaloob sa tula
b. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa paksa
c. Nakakaguhit ng mga simbolong may kaugnayan sa akda at ipaliwanag ito.
d. Nakapagsusulat ng slogan na tumutugon sa mensahe ng tula
II. Paksang Aralin
Paksa: “Ako ang Daigdig”
Awtor: Alejandro G. Abadilla
Kagamitan: kopya ng tula at bisual aids
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo mag simula sa ating
aralin, simulan muna natin ito
sa isang panalangin ma pamu-
munuan ni Anne.
Sa Ngalan ng Ama, ng
Anak... AMEN.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong
lahat!
Mangandang umaga rin
po!
3. Pagtala ng liban
Mayroon bang lumiban sa araw
na ito?
Wala po!
Mabuti!
B. Paglinang
1. Pagganyak
Hatiin sa apat ng grupo ang klase
at buuin ang larawan (Picture
Puzzle) sa loob ng isang minuto.
(Mga larawang tungkol sa
pag-aaklas at larawan ni Alejandro
Abadilla)

Ano ang nais ipakahulugan ng larawan?


Sino ang nasa larawan?
Ang bawat pangkat ay kailangang
maibigay kung sino ang nasa
larawan o maipaliwag ang
mensahe ng nasa larawan .
2. Paglalahad ng Paksa
Ipaskil ang nakasulat na kopya ng tula
at basahin ito. (pagbabasa ng Guro)

Ako ang Daigdig


ni
Alejandro Abadilla

I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daidig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig

ako
ang tula
3. Pagtatalakay
Bumuo ng limang grupo sa klase,
Babasahing muli ng bawat pangkat
ang tula.

1. Ano ang inyong nahinuha


sa pagbasa ninyo sa pamagat
ng tula?
2. Ano ang inyong naramdaman
habang binabasa ng tula?
3. Magbigay ng bahagi ng tula
na nakapukaw sa inyong
damdamin?
4. Ano ang ibig ipakahulugan ng
apat na huling taludtud ng tula?
5. Ano ang mensah ng tula para
sa inyo?
4. Paglalahad
Sa tulang ito, ano kaya ang nais
ipabatid ni Alejandro Abadilla
sa mga katulad nyong mag-aaral?

Ibigay ang dalawang maaring maging


kahulugan ng salitang inilumbag ni
Alejandro Abadilla na “Ako ang
Daigdig”
5. Paglalapat
Kumuha ng malinis na papel, gumuhit
ng larawan o simbolo at bumuo ng
kaisipan na nakapaloob sa tula.
IV. Pagtataya
Gamit ang isang malinis na puting papel, sumulat o gumawa ng slogan sa
tumutugon sa mensahe ng tula.
V. Takdang Aralin
Sumulat ng repleksyon tungkol sa tula gamit ang matrix sa baba

Ako

Ang

Daigdig

You might also like