You are on page 1of 56

MATHEMATICS 1

WEEK 8 - DAY 1
Paglutas ng Suliraning Routine at
Non-Routine Gamit ang
Pagbabawas ng Buong Bilang at
Pera na may Minuends Hanggang
99
SAGUTIN
Ano ang paborito
mong prutas? Ano
ang kailangan
mong gawin bago
mo ito kainin?
Bakit?
BASAHIN
\
Mayroong 45 na
saging sa tray para
ipagbili. Ang mga
bata sa unang baitang
ay bumili ng 23 na
saging. Ilang saging
ang natira sa tray?
SAGUTIN

 Anong prutas ang nabanggit sa


sulirinanin?
 Ilang saging ang binili ng mga
bata sa unang baiting?
 Ilang saging ang natira?
 Ano ang itinatanong sa suliranin
Basahin ang mga suliranin at salungguhitan
\
kung ano ang itinatanong.
A.Si Carlo ay may 78 na bola. Binigyan
niya ng 21 na bola ang kanyang kuya.
Ilang bola ang natira kay Carlo?

B.May 68 na mangga si Myra. Ipinamigay


niya ang 32 sa kanyang mga kaibigan.
Ilang mangga ang natira kay Myra?
GAWIN NATIN
\
Gumuhit ng 32 bola. Kulayan ng pula ang 12 na bola at
kulayan ng asul ang iba pang bola na natira.

Sagutan:
Ilan ang pulang bola?
Ilan ang asul na bola?
Alin ang mas marami? Pulang bola o asul na bola?
Alin ang mas kaunti? Pulang bola o asul na bola?
SAGUTAN
NATIN!
Ano ang unang hakbang sa paglutas ng
suliranin?
Tandaan:
Ang unang hakbang sa paglutas ng
suliranin ay alamin kung ano ang
itinatanong sa suliranin. (What is
asked?)
Isulat ang itinatanong sa suliranin.
1. Si nanay ay may 31 na chico. Ibinigay
niya ang 21 na chico sa kanyang kabigan.
Ilang chico ang natira kay nanay?
____________

2. Mayroong 48 na holen si Ben. Kinuha ng


kanyang kapatid ang 25 na holen. Ilang
holen ang natira kay Ben?___________
MATHEMATICS 1
WEEK 8 - DAY 2
Sabihin kung ano ang itinatanong
sa suliranin.

May 15 na ibon sa
sampayan. Lumipad ang 6
na ibon. Ilan na lang ang
natira sa sampayan?
Mayroon ba kayong mga
tanim na bulaklak sa
bahay? Ano ang
paborito mong
bulaklak?
Si Abby ay bumili ng
12 rosas. Ibinigay
niya ang 9 na rosas
sa kanyang guro.
Ilang rosas ang
natira kay Abby?
• Sino ang bumili ng mga rosas?
• Ilang rosas ang kanyang binili?
• Ano ang itinatanong sa
suliranin?
• Ano ang mga ibinigay na datos?
Mayroong 25 na atis sa
basket. Makalipas ng 2
araw, nahinog ang 12.
Ilang atis ang hindi pa
nahihinog?
 Ano ang
itanatanong sa
suliranin?

 Anu-ano ang
mga ibinigay na
datos?
GAWIN NATIN
Gumawa ng 2 paper baskets. Sa unang
basket, gumuhit ng 14 na bilog at kulayan
ng pula. Sa ikalawang basket gumuhit ng
bilog at kulayan ng asul.
SAGUTIN
Ilang pulang bilog ang nasa basket?
Ilang asul na bilog?
Gaano karami ang pulang bilog kaysa sa
asul na bilog?
Ano ang itinatanong sa suliranin?
Ano ang ibinigay na datos?
Ano ang ikalawang hakbang sa
paglutas ng suliranin?
Tandaan:
Ang pangalawang hakbang sa paglutas ng
suliranin ay ang alamin ang mga binigay na
datos.
BASAHIN AT SAGUTAN
May 10 bulaklak sa plorera. 5 doon ay
may dahon. Ilan ang walang dahon?

Ano ang itinatanong sa suliranin?


Ano ang mga binigay na datos?
BASAHIN AT SAGUTAN
Binigyan ni nanay si Jam ng ₱20 pambili ng
kanyang pagkain. Bumili siya ng pagkain sa
halagang ₱15. Magkano na lang ang natira kay
Jam?

Ano ang itinatanong sa suliranin?


Ano ang mga binigay na datos?
MATHEMATICS 1
WEEK 8 - DAY 3
SAGUTIN
• Binibigyan ka ba ng pera ng iyong
nanay araw-araw?

• Ano ang iyong binibili? Nagiipon ka


ba ng pera mula sa iyong baon?
Bakit?
Pag-aralan

Si Paulo ay nakaipon ng
₱45 mula sa baon na
ibinigay sa kanya.
Ipinambili niya ng pagkain
ng kanyang ibon ang ₱27.
Magkano na lang ang ipon
ni Paulo?
Sino ang nag ipon ng pera?
Magkano ang kanyang naipon?
Magkano ang kanyang ginastos para
sa pagkain ng ibon?
Ano ang itinataong sa suliranin?
Ano ang mga ibinigay na datos?
Ano ang word clue?
Basahin at Sagutin

Si Rita ay namitas ng 56
na kamatis mula sa
kanyang bakuran. 34 na
kamatis ay malalaki. Ilan
ang maliliit?
Basahin at Sagutin

 Ano ang word clue sa


suliranin?
 Anong operasyon ang
gagamitin upang
malutas ang
suliranin?
SUBUKIN
Gumuhit ng 27 na parisukat sa
isang malinis na papel. Kulayan ng
asul ang 15 na parisukat. Ilang
parisukat ang hindi kulay asul?
SUBUKIN

Ano ang word clue sa suliranin?


Anong operasyon ang gagamitin
sa paglutas
Ano ang ikatlong hakbang sa paglutas ng
suliranin?

Tandaan:
Ang ikatlong hakbang sa paglutas
ng suliranin ay alamin ang word
clue at operasyon na gagamitin.
Isulat ang word clue ng mga sumusunod na
suliranin.

1. May 36 na chico si Maricar at


ibinigay niya ang 21 kay Beverly.
Ilang chico ang natira kay Maricar?
___________
2. Si Joseph ay kumita ng ₱47 mula sa
pagbebenta ng dyaryo. Ibinili nya ang ₱20
ng pagkain. Magkno ang natira kay Joseph?
___________
3. Si Rizza ay may 9 na manika. Ibinigay
niya ang 3 sa kanyang kaibigan. Ilang
manika ang natira kay Rizza? ________
MATHEMATICS 1
WEEK 8 - DAY 4
BALIK-ARAL

Ano ang tatlong unang


hakbang sa paglutas ng
suliranin?
Nakatikim ka na ba ng hinog na mangga?
Masarap ba ito?
BASAHIN AT SAGUTIN
Isang araw ng Sabado, nagpunta si
Francis sa bukid upang mamitas ng
mangga. Nakapitas siya ng 38 na
mangga. Inihiwalay niya ang 15 na
dilaw na mangga sa mga berdeng
mangga. Ilan ang mga berdeng
mangga?
SAGUTIN

 Sino ang namitas ng mangga?


 Ano ang ginawa niya sa mga dilaw na
mangga?
 Ilang mangga ang mga inihiwalay?
 Gumuhit ng larawan na magpapakita
ng ilustrasyon ng suliranin.
SAGUTIN
Gumuhit ng larawan o diagram na magpapakita ng
ilustrayon ng suliranin at isulat ang pamilang na
pangungusap nito.

Gumuhit si Vic ng 18 na tatsulok.


Kinulayan niya ng asul ang 12. Ilang
tatsulok ang hindi kulay asul?
GAWIN NATIN

Gumupit ng 15 puso sa isang pulang


art paper. Ibigay mo ang 6 sa iyong
guro. Ilang puso na lang ang natira sa
iyo?
Ano ang ikaapat hakbang sa paglutas ng
suliranin?

Tandaan:
Ang ikaapat hakbang sa paglutas ng
suliranin ay ang pagsulat ng pamilang
na pangungusap.
Isulat ang pamilang na pangungusap ng mga sumusunod na
suliranin.

1. Kailangan ni nanay ng 7 talong. Kung meron na


siyang 4 na talong ilan pa ang kaialngan niya?
2. Namitas si Joan ng 5 bayabas. Ipinamahagi niya
ang 3 sa kanyang mga kapatid. Ilang bayabas ang
natira kay Joan?
3. May 6 na ibon sa puno. Lumipad ang 3. Ilan na
lang ang natira?
MATHEMATICS 1
WEEK 8 - DAY 5
Muling masagutan sa mga bata ang mga sumusunod
na subtraction problem.

1.45 – 23 = ______
2.74 – 59 =_______
3.80 – 45 = ______
Ano ang iyong paboritong prutas?

Ano ang unang dapat gawin bago kainin ang


mga prutas?At bakit?

Bakit importante kumain ng Prutas?


Meron 45 na saging sa tray na
binibenta ? Ang Grade 1 Maliksi
ay bumuli ng 23 na saging. Ilan
na lang ang saging ang natira sa
tray?
Tanong
1.Anong uri ng prutas ang pinag-uusapan sa ating pahayag?
2. Ilang saging ang nakalagay sa ating tray?
3. Ilang saging ang binili ng grade 1 maliksi?
4. Ano ang suliranin sa ating problem/suliranin?
1.Si Carlos ay mayroon 78 na bola. Binigyan niya
ang kanyang kapatid ng 21. Ilan na lang ang
natirang bola kay Carlos.

• Mayroon 68 na manga si Myra, Ibinigay niya ang


32 na manga sa kanyang mga kaibigan. Ilan na
lang ang natira na manga kay Myra?
Performance Task:

-Gumuhit ng 32 na bola.
-Kulayan ang 12 na bola ng pula.
-Kulayan ng asul ang natirang bola.
Tanong
1.Ilan lahat ang kulay pula na bola?
2.Ilan lahat ang kulay asul na bola?
3.Ano ang mas marami ang asul na bola o ang pula na
bola?
4.Ano ang mas kakaunti ang pula na bola o ang asul na
bola?
Tandaan
• Ang unang hakbang sa paglutas ng suliranin ay
alamin kung ano ang itinatanong sa suliranin.
• (What is asked?)
Isulat sa iyong kwaderno ang letra ng tamang
sagot.
• 1. Si Aling Marites ay may 36 na chico, ibinigay niya ang
21 chico sa kanyang mga kaibigan. Ilan na lang ang natira na
chico kay aling Marites? Ano ang tinatanong sa suliranin?
a. Bilang ng chico
b. Bilang ng chico na binigay niya sa kanyang kaibigan.
c. Bilang ng chico na natira kay Aling Marites.
2. May nakulektang 48 na holen si Susan, hiniram ng
kanyang kapatid ang 25 na holen. Ilan na lang lahat ang
natirang holen kay Susan?

Ano ang tinatanong sa suliranin?


a. Bilang ng holen
b. Bilang ng holen mayroon si Susan
c. Bilang ng holen na natira kay Susan
3. Si Amy ay binigyan ng kaniyang nanay ng
halagang 50 pesos . Habang naglalakad siya patungo
sa tindahan ay Nakita niya ang isang batang umiiyak
dahil sa gutom. Binigyan niya ito ng 10 peso upang
makabili ng pagkain. Magkano na lang ang natirang
pera kay Amy?
Ano ang tinatanong sa suliranin?
a. Dami ng per ani Amy.
b.Halaga ng pera binigay niya sa bata.
c. Natirang pera kay Amy.
4. Sina Ted at Ed ay may 99 na alagang itik. 39 sa
mga ito ay lalaki at ang iba ay babae. Ilan sa mga
alagang itik nila Ted at Ed ang babae?

• Ano ang tinatanong sa suliranin?


a.Bilang ng babae na itik nina Ted at Ed.
b.Bilang ng lalaking itik.
c.Bilang ng Itik nina Ed at Ted.
5. Nakatanggap si Tony ng 98 pesos mula sa
kanyang ama.BInigyan niya ang kanyang
kapatid ng 40 pesos. Magkano na lang ang
natira kay Tony?
Ano ang tinatanong sa suliranin?
a. Natanggap nap era ni Tony.
b.Bilang ng pear binigay sa kapatid.
c. Bilang ng pera na natira kay Tony?

You might also like