You are on page 1of 15

PAGLUTAS NG SULIRANING ROUTINE

AT NON-ROUTINE GAMIT ANG


PAGBABAWAS NG BUONG BILANG AT
PERA NA MAY MINUENDS HANGGANG
99

MATH I
QUARTER 2_WEEK 10_DAY 1-2
Ano ang paborito mong prutas? Ano
ang kailangan mong gawin bago mo
ito kainin?Bakit?
Mayroong 45 na saging sa tray para
ipagbili. Ang mga bata sa unang baitang ay
bumili ng 23 na saging. Ilang saging ang
natira sa tray?
• Anong prutas ang nabanggit sa sulirinanin?
Sagot: saging
• Ano ang itinatanong sa suliranin?
Sagot: Bilang ng mga saging na natira.
Ilang saging mayroon sa tray?
Sagot: 45 saging
Ilang saging ang binili ng mga bata sa unang baitang?
Sagot: 23 saging
Iba pang halimbawa

Si Rizza ay may 9 na manika. Ibinigay niya ang 3


sa kanyang kaibigan. Ilang manika ang natira kay
Rizza? ________
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
a. Bilang ng natirang lapis
b. Bilang ng natirang laruan
c. Bilang ng natirang manika
Si Rizza ay may 9 na manika. Ibinigay niya ang 3
sa kanyang kaibigan. Ilang manika ang natira kay
Rizza? ________

1. Anu-ano ang mga datos na ibinigay?


a. 9 na manika, 3 manika
b. 9 na lapis, 3 lapis
c. 9 na laruan, 3 laruan
Binigyan ni nanay si Jam ng ₱20 pambili ng
kanyang pagkain. Bumili siya ng pagkain sa
halagang ₱15. Magkano na lang ang natira kay
Jam?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
a. Halaga ng natirang pera kay Jam.
b. Halaga ng perang binigay ng kanyang nanay.
c. Halaga ng pagkain na ibinili niya.
Binigyan ni nanay si Jam ng ₱20 pambili ng
kanyang pagkain. Bumili siya ng pagkain sa
halagang ₱15. Magkano na lang ang natira kay
Jam?
2. Anu-ano ang mga datos na ibinigay?
a. P 20, P15
b. P 5, P 15
c. P 20, P 5
Basahin ang mga suliranin at salungguhitan kung ano ang
itinatanong at mga datos na ibinigay.
A. Si Carlo ay may 78 na bola. Binigyan niya ng 21 na
bola ang kanyang kuya. Ilang bola ang natira kay
Carlo?

• Ano itinatanong sa suliranin?


____________________________________
• Anu-ano ang mga datos?
_____________________________________
B.May 68 na mangga si Myra. Ipinamigay niya
ang 32 sa kanyang mga kaibigan. Ilang mangga
ang natira kay Myra?
• Ano itinatanong sa suliranin?
____________________________________
• Anu-ano ang mga datos?
_____________________________________
Gawin ito:
Gumuhit ng 32 bola. Kulayan ng pula ang 12 na bola at
kulayan ng asul ang iba pang bola na natira.
Sagutan:
Ilang ang pulang bola?
Ilan ang asul na bola?
Alin ang mas marami? Pulang bola o asul na bola?
Alin ang mas kaunti? Pulang bola o asul na bola?
Tandaan:
• Ang unang hakbang sa paglutas ng suliranin
ay alamin kung ano ang itinatanong sa
suliranin o
(What is asked?) at
• Ang ikalawang hakbang ay alamin ang mga
datos na ibinigay o
( What are the given numbers).
Isulat ang itinatanong at mga datos na ibinigay sa
suliranin.
1. Si nanay ay may 31 na chico. Ibinigay niya
ang 21 na chico sa kanyang kabigan. Ilang
chico ang natira kay nanay?
a. Ano ang itinatanong?_____________
b. Anu-ano ang mga datos na ibinigay?
___________________________
2. Mayroong 48 na holen si Ben. Kinuha ng
kanyang kapatid ang 25 na holen. Ilang holen
ang natira kay Ben?
A. Ano ang tinatanong?
_________________________________
B. Ano mga datos na ibinigay?
_________________________________

You might also like