You are on page 1of 26

2

Matematika
Unang Markahan –
Modyul 7:
Pagsasama-sama ng mga Bilang
Gamit ang Isip
Alamin

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayan at mapaunlad


ang kakayahan sa pagbibilang. Mahalagang maunawaan ang
konsepto upang maging mahusay na tagapaglutas sa mga sitwasyon
na may kaugnayan sa pagkatuto. Ang mga pagsasanay na nakapaloob
sa modyul ay makakatulong sa kasanayan sa pagsasama-sama ng
mga bilang gamit ang isip lamang. Mapalawak ang isipan na
magagamit sa pang araw-araw na pamumuhay.

Mga Aralin sa Modyul na ito.

Aralin 1 – Pagsasama-sama ng 1 hanggang 2-digit na mga


bilang na may kabuuan hanggang 50 gamit ang isip lamang.
Aralin 2 – Pagsasama-sama ng 3-digit at 1-digit na bilang gamit
ang isip lamang.

Mga inaasahan pagkatapos ng modyul na ito:

1. Makapagtutuos sa isip lamang;


2. Makikilala ang iba pang proseso ng pagsagot sa pagsasamaM
sama ng mga bilang;
3. Mapagsasama-sama ang 1 hangang 2-digit na mga bilang na
may kabuuan hanggang 50 gamit ang isip lamang sa sariling
paraan;
4. Mapagsasama-sama ang 3-digit at 1-digit na bilang; gamit ang
isip lamang at
5. Makapagbibigay nang mabilis na sagot gamit ang isip lamang.
Subukin

Sagutan ang sumusunod gamit ang isip lamang. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Nagbilang si Ana ng 12 pulang popsicle sticks at dinagdagan niya


ng 13 asul na popsicle sticks. Ilan lahat ang popsicle sticks ni Ana?
a. 20 b. 21 c. 23 d. 25

2. Ang Ikalawang Baitang-Pangkat Malinis ay may 11 batang babae


at 19 na batang lalake. Ano ang kabuuang bilang ng Pangkat
Malinis?
a. 20 b. 30 c. 40 d. 50

3. Nag-ipon ng 26 na takip ng bote si Carlo na ibebenta niya


sa magbobote, naisip niya itong dagdagan ng 24. Ilan lahat
ang naipon niyang takip ng bote?
a. 20 b. 30 c. 40 d. 50

4. Ang magkakaibigang Alex, Mario at Ben ay mahilig maglaro ng


pogs. Si Alex ay may 28 na pogs, si Mario ay may 16 at si Ben
ay 12. Pinagsama nila lahat ang kanilang pogs. Ilan ang bilang
nito?
a. 42 b. 44 c. 46 d. 48
5. Kaarawan ng kanilang guro. Ang bawat pangkat ng klase
ng Ikalawang Baitang ay nagbigay ng bulaklak sa kanilang
guro. Ang unang pangkat ay 6, ikalawang pangkat ay 12 at
ikatlong pangkat ay 18. Ilang bulaklak ang natanggap ng
guro?
a. 16 b. 24 c. 36 d. 48

1
Aralin Pagsasama-sama ng 1 hanggang 2-digit

1 na mga bilang na may kabuuan hanggang


50 gamit ang isip lamang

Sa araling ito ay matutuhan ninyo ang ibang paraan ng


pagsasama-sama ng mga bilang na hindi gumagamit ng
papel na tuusan. Masasanay ang talas ng inyong pag-iisip sa
pagbibilang na makakatulong sa pagtuklas ng kakayahan.

Balikan

Hanapin ang tamang sagot sa loob ng bilog. Isulat ang sagot sa


papel.

1. (3+4) +3 =

2. (3 + 7 )+6 =
10 14
19
3. 7 + (4+ 8) =
17 16

4. (9+1) + 4 =

5. (6 +9) + 2 =

2
Mga Tala para sa Guro/Magulang
Ang mga gawain at pagsasanay sa mga susunod na gawain
ay nangangailangan ng gabay upang maunawaan ng mga
mag-aaral ang mga proseso na kailangan nilang malaman.
Maaari silang gabayan sa pagbabasa o gawin ng matatanda
ang pagbabasa ng mga panuto at teksto ngunit hayaan na
matutunan nila ang pagsasama ng mga bilang gamit ang
kanilang isip.

Tuklasin

Naranasan mo na bang dumalo sa isang kaarawan? Ano ang


nararamdaman mo kapag dumadalo ka sa kaarawan ng isang
kaibigan?
Basahin mo ang kuwento.

3
Dumalo ang magkaibigang Ana at Roy sa kaarawan ni
Cassie. Masaya silang sinalubong ni Cassie. Binati nila ito at
binigay ang kanilang regalo. Maraming handa si Cassie at
magandang pagmasdan ang makukulay na lobo at iba pang
palamuti sa kanyang kaarawan. Tuwang tuwa sila habang
pinagmamasdan ang kaibigan.

1. Sino-sino ang mga binanggit sa kuwento?


2. Bakit masaya si Cassie?
3. Mahalaga ba sa iyo ang isang kaibigan? Bakit?
4. Paano mo ilalarawan si Cassie sa kanyang mga kaibigan?

Suriin

Makukulay na lobo ang nakita ng magkaibigang Ana at Roy. Binilang


nila ito. Halina at alamin natin ang bilang ng lobo.

4
Sagutin:
1. Ilan ang bilang ng dilaw na lobo?9 na dilaw na lobo
2. Ilan ang bilang ng pulang lobo? 11 pulang lobo
3. Ilan ang bilang ng berdeng lobo?12 berdeng lobo
4. Ano ang kabuuang bilang ng lobo?32 bilang ng lobo
5. Paano binilang nina Ana at Roy ang mga lobo?binilang nila ito
gamit ang isip lamang
Sa pagsasama-sama ng dalawa at isahang bilang na may
pagpapangkat sa pamamagitan ng isip lamang:

Isulat muna ang expanded form o mahabang pamamaraan


ng pagdaragdag ng dalawang bilang.

Pagkatapos, pagsamahin ang 3 bilang sa pamamagitan ng


isip lamang.
Halimbawa: 24 + 13 + 12 = ( 20 + 4) + (10 + 3) + ( 10 + 2)

= ( 20 + 10 + 10) + ( 4+ 3 + 2)
= 40 + 9
= 49

Maaari nating pangkatin ito ayon sa kanilang place value,


pagsamahin ang nasa isahan at isunod ang nasa sampuan.

sampuan isahan
1

4 3
5
Sa pagsasama-sama ng dalawang bilang na may pagpapangkat,
isulat nang papangkat ang addends.
pagsamahin muna ang mga bilang sa isahang yunit at
pangkatin ang sagot sa sampuan at isahang yunit.
Pagkatapos, pagsamahin ang mga bilang na nasa sampuang
yunit.
Isa pang paraan maaari rin na unahin pangkatin ang sampuan
gamit ang isip lamang at isunod ang bilang na nasa isahan.
Halimbawa: 2 6 + 2 2 ------- 20 + 20 = 40
6 + 2 = 8
48

Pagyamanin

Gawain 1

Ibigay ang kabuuan ng mga bilang gamit ang isip lamang.


1. 2.
1.) 4 4 2.) 1 6
+ 5 + 1
+9 1
20

3.) 2 9
4.) 2 3
+ 4
+ 35
3. 8 4. 16

6
5.) 2 9
+ 19
5. 14

Gawain 2:

Ibigay ang sagot gamit ang isip lamang. Punan ang patlang ng
tamang bilang.

1. 21 + 23 = 2. 13 + 5 = 3. 28 + 19 =
21 13 28
+ 23 + 5 + 19
4 __ __ 8 4 __

5
4. 40 + 9 + 8 = 5. 19 + 10 + 7 =
40 19
+ 9 + 10
8 7
__7 3__

Isaisip

Paano mapapabilis ang pagbibigay ng tamang sagot sa pagsasama-


sama ng mga bilang gamit ang isip lamang?
Ang pagsasama-sama ng 1 hanggang 2 – digit na bilang
gamit ang isip ay magiging mabilis kapag ihahanay ang
bilang ayon sa kanyang place value. Unahing pagsamahin
ang isahan at isunod ang sampuan.
7
8 + 1 = 9
39

Halimbawa: 2 8
+1 1
3 9
Paggamit ng expanded form sa pagdaragdag ng mga
bilang.
Halimbawa: 14 + 26 + 13 = (10 + 4) + (20 + 6) + (10 +
3)
= (10 + 20 +10) + (4 + 6 + 3)
= 40 + 13
= 53
Pangkatin ang sampuan at isunod ang isahan.
Halimbawa: 28 + 11
bilang sa sampuan 20 + 10 = 30
bilang sa isahan

Isagawa

Pagsamahin ang mga bilang gamit ang isip lamang. Isulat ang
iyong sagot sa kahon.
1. Naglalaro kayo ng kaklase mo ng sticker, meron kang 19 na
sticker at dinagdagan ito ng kaklase mo ng 15. Ilan lahat ang
stickers na meron ka?

2. Dumating ang tatay mo galing sa trabaho. May pasalubong


siyang isang supot na lollipop na 24 ang laman, bago pa siya
dumating nakabili ka na ng 9. Ilan lahat ang lollipop mo?

8
3. Ang pangkat Masaya ay may 28 lalaki at 16 na babae.
Ilan lahat ang mga bilang ng mga bata sa pangkat
Masaya?

4. Sumama ka sa nanay mo sa palengke . Bibilhan ka niya ng


mga gamit sa paaralan. Bumili siya ng 8 notbuk, 5 lapis, 36 na
ibat- ibang kulay na popsicle sticks, 2 pambura at 3 pantasa.
Pagdating sa bahay binilang mo ito. Ilan lahat ang binili ng
nanay mo?

5. Para maiwasan na magkasakit sa panahon ngayon madalas


kang kumain ng mga prutas. Kaninang umaga kumain ka ng 4
na saging, 3 dalandan sa tanghali at 21 pirasong ubas ngayong
gabi. Ilang prutas ang kinain mo sa buong araw?

Tayahin

Ibigay ang tamang sagot gamit ang isip. Isulat sa parisukat ang
tamang sagot. Gawin ito sa inyong papel.

1. 18 + 21 =

2. 24 + 19 =

3. 30 + 11 + 7 =
9
4. 17 + 15 + 14 =

5. 15 + 13 + 22 =

Karagdagang Gawain

Pagsamahin ang mga bilang gamit ang isip lamang. Isulat ang
kabuuan sa patlang.

1. Ano ang kabuuan kung ang 40 ay dagdagan pa ng

16 ? __________
2. Kapag pinagsama ang 25 at 13 . Ang sagot ay
___________

3. Pagsamahin ang 37 sa 8 at 5 .
Ito ay __________

4. Ano ang kabuuan ng 22 , 10 at 18


? __________
5. Pagsamahin ang 19 , 15 at 11 .

Ang sagot ay ___________

10
Subukin

Ibigay ang tamang sagot gamit ang isip lamang. Isulat sa sagutang
papel.

1. 116

11
Aralin
Pagsasama-sama gamit ng 3-digit at
2 1- digit na bilang gamit ang isip
lamang
Sa araling ito ay matutuhan ninyo ang pagsasama-sama
ng 3-digit at 1-digit na bilang gamit ang isip lamang.
Suriin ang unang addend at ikalawang addend at ito ay
pagsamahin gamit ang isip. Masusubukan ang bilis sa
pagbibilang ng hindi gumagamit ng papel. Kailangan
natin na matutuhan ang paraan na ito upang magamit
ang bilis at talas ng ating isipan sa pagbibilang. Ang
paraang ito ay makakatulong sa ating pang araw-araw
na pamumuhay.

Balikan

Sa loob ng 10 segundo, sagutan ang mga sumusunod gamit ang


isip lamang. (Sa mga magulang, patnubayan po ang inyong mga
anak)

9+6
8+3 5+7 10 + 6 13 + 4

18 + 3
17 + 6 19 + 8 15+ 7 13+ 9

12
11 + 12 15 + 13 15+ 17 14 + 16 13 + 18

37 + 26
22 + 19 29 + 22 32 + 26
27 + 26

Nagawa nyo ba mga bata? Magaling! Ipagpatuloy ang iyong


pagsasanay upang lalo pang humusay sa pagbibilang gamit ang isip
lamang.

Sa hindi naman nakagawa, alam ko na susunod magagawa mo


rin yan. Ipagpatuloy lamang ang iyong pagsasanay.

13
Tuklasin

Basahin mo ang dayalogo.

Kararating pa lamang ni Dhiona galing sa paaralan. Pagkatapos


niyang magbihis ay agad siyang tumulong sa kanyang nanay sa pagn
aayos ng mga panindang prutas.
Nakauwi ka na Opo, Nay!
pala anak! Tulungan ko na po
kayo sa pag-
Pakibilang nga aayos!
anak iyong Opo, Nay!
mansanas at Madali lang
dalandan. po yan.

Sautin:
1. Anong ginawa ni Dhiona pagkatapos niyang magbihis?
2. Anong ugali ang ipinakita ni Dhiona?
3. Kung kayo si Dhiona, gagawin nyo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
4. Ano ang ginawa ni Dhiona upang mabilis niyang mabilang ang mga
prutas?

Suriin

Ngayon naman pag-aaralan natin ang pagsasama-sama ng 3-digit


at 1- digit na bilang gamit ang isip lamang. Halina’t tuklasin ang
mga paraan sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.
14
Ganito karami ang binilang ni Dhiona na mansanas at dalandan.

100 100
Bilang ng mansanas 1 1

10
1 1

Bilang ng dalandan

> Mabilis na masasagutan kapag ihahanay ang bilang ayon


sa kanilang place value, pagsamahin ang nasa isahan,
sampuan at isunod ang nasa sandaan.
Halimbawa: 254 + 40 = 694

Daanan Sampuan Isahan


2 5 4
+ 1 4 0
3 9 4

> Ang isa pang paraan, pangkatin ang nasa daanan, sampuan at
isahan.
Halimbawa: 3 5 6 + 2 7 8 = 634
daanan 300 + 200 = 500

sampuan 50 + 70 = 120
isahan 6 + 8 = 14
634
15
Pagyamanin

Gawain 1:
Basahin at ibigay ang sagot gamit ang isip lamang.

1.) 114 - pulang bola at 35 - puting bola

Ang bilang ng bola ay _______.

2.) May 131 na nakadispley sa estante ng tindahan A


at sa tindahan B naman ay may 59 .
Ilan lahat ang sumbrero sa dalawang tindahan? _______

3.) 220 payong at 19 payong

Pagsamahin ang bilang ng payong. _______

4.) Ang mga dyanitor ay naghakot ng 238 at dinagdagan

pa nila ng 27 na gagamitin sa pagpupulong . Ilan lahat

ang nahakot nilang silya?

5.) 315 batang babae 126 batang lalaki .

Ilan lahat ang mga bata? _______

16
Gawain 2
Tulungan ang bawat aso na makita ang buto. Iugnay ang pamilang na
pangungusap sa Hanay A sa katumbas na pangungusap sa Hanay B.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

125 + 9 163

145 + 18 249

138 + 19
+ 12 134

237 + 12
370

343 + 27

169

17
8 + 1 = 9
339

Isaisip

Paano mapapabilis ang pagbibigay ng tamang sagot sa pagsasama-


sama ng 3-digit at 1-digit na mga bilang gamit ang isip lamang?

Ang pagsasama-sama ng 3-digit at 1-digit na mga bilang


gamit ang isip lamang ay magiging mabilis kapag ihahanay
ang bilang ayon sa kanilang place value. Pagsamahin ang
isahan, sampuan at ang sandaan.

Kapag pinagsama ang mga bilang unahin ang isahan,


sampuan at isunod ang sandaan.

Halimbawa: 7 4 3

+ 6
7 4 9
Paggamit ng expanded form sa pagdaragdag ng mga
bilang.
Hal.: 114 + 26 + 13 = (100+10 + 4) + (20 + 6) + (10 +
3)
= ( 100) + (10 + 20 +10) + (4 + 6 + 3)
= 100 + 40 + 13
= 153
Pangkatin ang sandaan, sampuan at isunod ang isahan.
Halimbawa: 200 + 128 + 11
Bilang sa sandaan 200 + 100 = 300
bilang sa sampuan 20 + 10 = 30
bilang sa isahan

18
Isagawa

Pag-isipan ang sagot sa sitwasyon. Ipakita kung paano


nakuha ang sagot.

Magkaibigan sina Tom at Totoy. Nag-iipon sila ng stickers.


Si Tom ay may 218 stickers. Binigyan siya ni Totoy ng 29 pang
stickers. Ilan lahat ang stickers ni Tom?
Ipakita sa kahon ang iyong solusyon.

19
Tayahin

Sagutin ang mga sumusunod na suliranin gamit ang isip lamang.


Isulat ang tamang sagot sa inyong papel.

1. May 119 na holen si Tony. 9 naman ang holen ni Roy.


Ilan lahat ang holen nila?

2. Noong Agosto ay mayroong 113 na bata sa ikalawang baitang.


May 8 bata ang lumipat galing sa Bulacan. Ilang bata lahat
ang mayroon sa Ikalawang Baitang?

3. Kung may 224 na mga bata sa Una at Ikalawang Baitang ang


nakahanay para sa Flag Ceremony at may dumating pa na 16
sa Unang Baitang at 12 sa Ikalawang Baitang, ilan lahat ang
mga batang nakahanay sa Una at Ikalawang Baitang?

4. May 124 na popsicle stick si Ludy. May 128 namang popsicle


stick si Trina at 112 si Alice. Ilang lahat ang popsicle stick?

5. Si Tracy ay may 238 na card. Si Kara ay may 104 na


card. Ilang lahat ang card nila?

20
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang datos sa tsart. Sagutin ang mga tanong sa


ibaba. Pagsamahin ang mga bilang na hinihingi gamit ang isip
lamang.
Bilang ng mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Malaya
na lumahok sa Lakbay Aral.
Baitang Bilang
Kindergarten 19
Unang Baitang 8
Ikalawang Baitang 134
Ikatlong Baitang 9
Ikaapat na Baitang 122
Ikalimang Baitang 29
Ikaanim na Baitang 125

Sagutin ang mga tanong.


1. Ilan ang pinagsamang bilang ng Ikalawang Baitang at
Kindergarten?

2. Kapag pinagsama ang bilang ng Ikalima at Ikaanim na


Baitang, ilan ito?

3. Pagsamahin ang bilang ng mag-aaral sa Una at Ikalawang


Baitang?

4. Ano ang kabuuang bilang ng Unang Baitang at Ikaapat na


Baitang?

5. Paano mo naibigay ang mga sagot?

21
Sanggunian

Most Essestial Learning Competency for Grade 2 (2020)


Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Grade2. 2013
Kagawaran ng Edukasyon,Republika ng Pilipinas
Bay, L.et.al.(2013). Our World of Math2. Quezon City. Vibal
Publishing House, Inc.
Adela C. Villamayor , 2006, Math For Life 2. Rex Bookstore ,
856 Nicanor Reyes Sr. St, Manila

https://www.bulacandeped.com/wph
content/uploads/2013/08/Mathematics-Units-1-4.
shorturl.at/mxCE4
shorturl.at/frJVW
shorturl.at/alrBY

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


School Division Office- Quezon City
Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 8352—1072; 8634-1054; 8631-4985;
Email Address:sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like