Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Matutuhan ang pagsasabi ng pangunahing Division Facts.
2. Malaman at magamit ang kahalagahan ng Division Facts sa pang araw
araw na pamumuhay.
3. Maisolb ang mga paghahati-hati (Division) bilang gawain.
III. Pamamaraan
A. Panalangin
Pangungunahan ng guro ang panalangin bago tumungo sa aralin.
B. Balik-Aral o motibasyon
Ang mag-aaral ay sasagutan ang mga problem solving na nakasulat sa pisara
C. Diskusyon
Ang guro ay magsisimula nang talakayin ang paksa gamit ang powerpoint
presentation at pisara.
D. Aplikasyon
Ang mag-aaral ay sasagutin ang mga litratong nasa pisara. Sasagutin ito sa
pamamagitan ng pagsolb.
E. Pagbubuod ng mga tinalakay
Ang guro ay mayroong mga itatanong upang maibuod ng maayos ang
tinalakay.
F. Pagpapahalaga
Tanungin ang mag-aaral ukol sa kahalagahan o importansya ng talakayan
ngayon araw.
G. Ebalwasyon
Maglaan ng 20 minutos upang sagutan ng mag-aaral ang maikling pagsusulit.
IV. Takdang-Aralin
Ang mag-aaral ay nakaatas na gawin ito sa bahay:
Si aling Ising ay mayroong dalang apat (4) kahon ng mansanas. Nais bigyan ni aling Ising ang
talo niyang apo na si Nonoy, Maria, at Vicky. Ang isang kahon ay mayroong laman na siyam (9)
mansanas. Kung hahatiin ito sa tatlong apo ni aling Ising, tag-iilang mansanas ang kanilang
matatanggap?