You are on page 1of 2

Talumpati Tungkol Sa Pangarap

A ng buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki
at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay at katuparan para sa ating hinaharap.

Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayong nangangarap ng mga bagay
na wala na halos sa realidad at katotohanan.

Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay
ang siyang maituturing nating masama.

Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay, lahat ay pantay-pantay. Maging ang mga batang
paslit ay mayroon ring mga minimithing mga gustong makamit. Mayroong kasabihan na “mangangarap ka rin lang, itodo
mo na”.

Ang bawat tao ay may natatanging pangarap na gustong makuha o maabot sa buhay, dahil sa mga ito ay nagpupunyagi tayo sa
anumang uri ng larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang tunay.

Mayroong mga pangarap na minsan ay abot kamay na pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, minsan ito ay naglalahong parang
bula na lamang. Sa mga ganitong pagkakataon huwag tayong magpanibugho at mawalan ng pag-asa.

Pilitin nating bumangon at gumawa ulit ng panibagong pangarap. Ang buhay ay sadyang mapag-biro. Mayroong mga bagay na
talagang hindi itinadhana na para sa atin, mapamateryal man ito o hindi. Sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.

Kapag tayo ay nangarap at hindi natin nakamtan, huwag po tayong malulumbay sa buhay. Maging bukas po ang ating mga kaisipan.
Ang bawat araw na biyaya sa atin ng dakilang lumikha ay gamitin natin para sa pagbuo ulit ng mas maganda pang mga pangarap.

Mga pangarap na magsisilbing ating mga inspirasyon upang tayo ay lalong sumipag at tumatag sa anumang unos darating sa ating
mga buhay.

TANONG:

1. Anong uri ng panitikan ang akda?


a. Pabula
b. Parabula
c. Talumpati
d. Alamat
2. Ayon sa akda, ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga ___________
a. Munting pangarap
b. Pagkabuhay
c. Pagtatrabaho
d. Pagdarasal
3. Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling__________
a. Antas
b. Talino
c. Edad
d. Kasarian
4. Ano ang damdamin na nakapaloob sa akda?
a. Masaya
b. Malungkot
c. Galit
d. Poot

5. Anong uri ng tekto ang ginamit sa akda?

a. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persuweysib
c. Tekstong Impormatibo
d. Tekstong Prosidyural

6. "Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama."

Ano ang nais ipakahulugan ng pangungusap na nasa itaas?


a. Walang saysay ang buhay kung walang plano at pangarap.
b. Ang pagpa-plano at pangarap sa buhay ay masama
c. Ang pagkakaroon ng pangarap sa buhay ay hindi kinakailangan
d. Ang pangarap sa buhay walang silbi

7. Anong kasabihan ang nabanggit sa Talumpati na iyong binasa?

A. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi, at ang nagwawagi hindi umaayaw

B. Ang bawat tagumpay ay may katumbas na sakripisyo

C. Mangarap ka rin lang, itodo mo na

D. Pangarap ang simula ng kahit anong tagumpay

8. Ang pangarap ay nagsisilbi sa atin bilang _________

upang tayo ay lalong sumipag at tumatag sa anumang unos na darating sa ating mga buhay.

a. Tagumpay
b. Inspirasyon
c. Gabay
d. Pangarap

9. Ang mamuhay ng walang plano at pangarap sa buhay ay siyang maituturing nating _________

A. Mabuti

B. Masagana

C. Malaya

D. Masama

10. Ang akdang pampanitikan na binasa ay ____________.

a. Talumpati tungkol sa Buhay


b. Talumpati tungkol sa Edukasyon
c. Talumpati tungkol sa Pamilya
d. Talumpati tungkol sa Pangarap

You might also like