You are on page 1of 17

Kayamanang Aking Iipunin

Ang Tunay na Yaman


I
Ginto’y hinuhukay sa kailaliman
Maging ang diyamanteng kay kinang,
kay mahal
Upang makilala kung sino sa tanan
Ang nakahihigit…ang nakalalamang

2
II
Pera’y tinitipid o pinupuhunan
Upang mas dumami sa kinalaunan
Minsa’y dinidiyos na ng karamihan
Kahit sarili pa’y mabulid sa hukay

3
III
Ngunit ano nga ba ang tunay na
yaman
Na anumang oras ay maaasahan?
Malaking puhunan ay di kailangan
Upang makamit mo ang mithing
tagumpay.

4
IV
May hihigit pa ba, sa katalinuhan
Pagkadalubhasa’t pagkapropesyonal
Sa iba’y wala nang tatalo’t huhusay
Sa mas matalino sa lahat ng bagay.

5
V
Lusog ng katawan ang sa iba nama’y
S’yang mas importante’t siyang mas
mainam.
Aanhin mo nga ba ang talino’t yaman
Kung ika’y sakiti’t laging nakaratay.

6
VI
Kung tunay na yaman ang
pag-uusapan
Di kaya kapwa mo ang siyang
katugunan.
Ang iyong pamilya’t kaibigang tunay
Ay maituturing mong mga
kayamanan?
7
VII
Sila’y nasa tabi kapag kailangan;
Sila ang tutulong kung salat ang
buhay;
Sila ang sasagot kung may
katanungan-
May halong pag-ibig at may
pagmamahal.
8
Uri ng
Pangungusap
Ayon sa Kayarian
o Pakakabuo
Payak
Pangungusap na iisang diwa lang ang tinatalakay.
Ito ay maaaring may payak o tambalang simuno at
panaguri.
Halimbawa:
1. Ang ginto at diyamante ay hinuhukay sa ilalim
ng lupa.
(isang kaisipan o diwa lamang ang ipinapahayag)
2. Kumakanta si Eliza
3. Sina Joseph at Martha ay gumagawa ng saranggola.
4. Draven ay magaling sumayaw.
5. Mahilig mag-alaga ng iba’t ibang hayop ang kapatid ko.
Tambalan
Pangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan o sugnay
na makapag-iisa o higit pa.
-Ginagamitan ito ng pangatnig na magkatimbang gaya ng at,
pati, saka, o, ni, maging, at iba pa.
Halimbawa:
1. Pahalagahan ang kalusugan ng iyong katawan pati ang
kalusugan ng kaisipan ay iyong paunlarin
2. Ang aking pamilya ay aking kayamanan maging ang

aking mga kaibigan ay tunay kong pinapahalagahan.

3. Malalaki ang mga silid-tulugan at malinis ang

malaking bakuran.

4. Ang blusa ay maganda ngunit hindi ito kasya sa akin.

5. Papaliguan namin ang aso o didiligan namin ang mga

halaman.
Hugnayan
Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at
sugnay na di makapag-iisa.
-Pinag-uugnay ito ng mga pangatnig na kung, nang, upang,
dahil, sapagkat, at iba pa. makikita rito ang ugnayang sanhi at
bunga
Halimbawa:

Ang pamilya at kaibigan ay tunay na kayamanan sapagkat
laging nasa tabi pag kailangan


 
2. Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga

kapitbahay na nangangailangan.
 
3. May pagbabago na sa ilog Pasig dahil sa mga samahang

nagtutulungan.
 
4. Pumasok ang mga bata nang marinig nila ang tunog ng

kampanilya.
 
5. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kanyang

kapatid.
Langkapan
Pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa
at sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa:
Ang suporta ng pamilya ay dumating at ang pagmamahal ng
mga kaibigan ko ay naramdaman ko nang magkaproblema ako.
2. Darating ang araw na kailanga mong mag-isip at magdesisyon ng
mabuti dahil dadami na ang aasa sa iyong gagawin.

3. Gumawa ng marangal at tumulong sa mga kababayan na


naapektuhan ng bagyong Quinta dahil ito ang nararapat na
gawain sa isang kalamidad.
4. Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan
kung mag-aaral ka nang mabuti.
5. Magtapos ka ng pag-aaral at maghanap ka ng trabaho
upang umaseno ang iyong buhay.
.

You might also like