You are on page 1of 18

2

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Nagagamit ang Naunang Kaalaman o
Karanasan sa
Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
2
FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:

Nagagamit ang Naunang


Kaalaman o Karanasan sa
Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 2) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pag-unawa sa Binasa
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ng Filipino 2 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pag-
unawa sa Binasa
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagan g Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa na isinaalang – alang ang mga mag – aaral.
Tutulungan ka nitong matutunan ang iba’t-ibang kasanayan ng Filipino 2. Saklaw
ng modyul na ito na maging angkop sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang
wikang ginamit dito ay isinasaalang – alang ang iba’t ibang kakayahan sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Nakaayos ang mga aralin na sinusunod ang batayang
pagkasunod-sunod ng kurso ngunit ang pagkakasunod – sunod ng iyong pagbabasa
nito ay maaaring mabago batay sa ginagamit mong aklat.
Pagkatapos ng modyul na ito , ikaw ay inaasahang :
A. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng
napakinggang teksto .
B. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-
unawa ng napakinggang teksto.
C. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan.

Subukin

Kailangang mapanatili natin ang kalinisan sa lahat ng oras kahit nasaan


man tayo sapagkat kakambal nito ay kalusugan. Mayroon akong
inihandang tula.Basahin mo at unawain ang tula.

Hango sa aklat na Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 Kagamitan ng Mag-aaral ph.4
Tayo nang Maglinis
ni: Cherry G. Bahil

Tayo na! Tayo na!bakuran ay linisin na.


Kalinisan ay mahalaga , kakambal nito’y kalusugan tuwina.
Tayo ay giginhawa , sakit ay maiiwasan pa!
Panatilihin , kalinisan sa sarili at sa paligid simulan na.

Lahat ay kumilos at magkaisa


Bata , matanda man ay dapat na makisama Upang
sakit ay di maranasan ng bawat isa
Paglilinis laging isaisip upang ginhawa ay di mawala.

Panuto: Mula sa tulang iyong binasa.Sagutin mo ang mga sumusunod na


katanungan.Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

1. Sino ang dapat na maglinis ng a.mga matanda b.lahat tayo


ating bakuran ? c.mga bata

2. Bakit kailangan nating a.upang makaiwas sa sakit b.upang


panatilihing malinis ang ating maging malawak an gating paligid
paligid? c.upang sumaya ang lahat

3. Ano ang nais iparating sa atin nga.Maging malinis b.Maging


tula? mapanuri
c.Maging masaya
4. Ano ang pangunahing ideya ng a.kalinisan
tula? b.kaligayahan
c.kabutihan
5. Sino-sino ang dapat na magkaisa? a.lahat b.mga
lalaki
c.mga babae
Nagagamit ang Naunang
Aralin Kaalaman o Karanasan sa
1 Pag-unawa ng Napakinggang
Teksto

Balikan

Nagustuhan ba ninyo ang tulang ating binasa? Para sa iyo , paano


ka makakaiwas sa mga sakit? Lagyan ng tsek ang mga
pamamaraan na maaari mong gawin.
___ 1. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain upang maging
malakas ang resistensiya.
___ 2. Palaging maghugas ng kamay.
___ 3. Magtakip ng bibig kung babahin o nauubo.
___ 4 Makikipaglaro kahit masama ang pakiramdam.
___ 5. Uminom ng 7 hanggang 8 basong tubig.
Tuklasin

Panuto: Bigkasin mo at unawain ang tula.


Lubhang kakaiba si Sonya
Parang diksiyonaryo ang isip niya Nasasabi ang mga kahulugan Salita’y
nagagamit kapag kailangan Parang sa isip hinuhugot
Kailanman di siya nakababagot.
Palaging dala-dala ay saklay
Paika-ikang lumakad dahil siya’y pilay Batang masayahin, laging nagdarasal
Kapupulutan siya ng magandang aral Laging nakatawa, tuwina’y masaya
Ang palakaibigang si Sonyang maganda.

Hango sa aklat na Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 Kagamitan ng Mag-aaral ph.

Suriin

Naintidihan mo ba ang tulang iyong binasa?Maiintindihan nating mabuti


ang ating mga binabasa kung masasagot natin ang lahat ng mga
katanungang may kaugnayan sa ating binasa.
Upang lubos nating maintidihan ang tulang ating binasa suriin natin at isa-
isahin nating sagutin ang mga katanungang may kaugnayan sa tula.Bilugan
ang letra ng napili mong tamang sagot.
1.Sino ang tinutukoy sa tula?
a. Sonya b.Niña c.Doña
2.Ano ang mararamdaman mo kapag nakakakita ka ng batang may
kapansanan?
a.malulungkot b.maawa c.matutuwa
3.Bakit kaya sinabi na si Sonya ay parang diksyunaryo ang pag –
iisip?
a. Siya ay matalino at marami ang alam na mga salita.
b. Siya ay mahilig magbiro at mahilig magpatawa
c. Siya ay isang bata na laging may dalang diksyunaryo 4.Bakit
nasabi sa tula na si Sonya ay hindi nakakabagot?
a. Si Sonia ay mahilig magpatawa.
b. Si Sonia ay maraming salitang alam kaya masaya siyang
kausap.
c. Si Sonia ay mahilig makipaglaro sa mga bata.
5. Ano ang ibig sabihin ng salitang kapupulutan siya ng
magandang aral?
a.Batang may magandang pag – uugali na dapat gayahin.
b.Batang may kapansanan na dapat igalang.
c.Batang may kapansanan na pumapasok sa paaralan.
6.Mayroon kayong bagong kaklaseng may kapansanan , mag –isa lang
siyang kumakain tuwing recess,ano ang iyong gagawin?
a.l alapitan ko siya at kakausapin
b.hahayaan ko na lamang siya c.hindi ko
siya kakausapin.
7.May nakita kang batang pinagkakatuwaan dahil isa siyang
pilay , ano angnararapat mong gawin?
a.pagsasabihan ko ang mga batang huwag siyang pagkatuwaan dahil sa
kanyang kapansanan.
b.gagayahin ko ang mga batang nagkakatuwaan. c.hahayaan ko ang mga
bata sa kanilang ginagawa.
8. Bakit dapat nating gayahin o tularan ang pag – uugali ni Sonya?
_________________________________________ _ _ _ _ _
9.Naging sagabal o hadlang ang kapansanan ng isang tao upang siya ay
maging masaya?
________________________________________________________
10.Kung ikaw Sonya papasok ka pa rin ba sa eskwela sa ganoong
kalagayan?
________________________________________________________

Pagyamanin

Basahin at unawain mong mabuti ang talata.


Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng
tubig at sanhi ng pagbaha. Nakasasama din ang ilan sa mga ito.
Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot ng mga
basura. Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

Hango sa aklat na Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 Kagamitan ng Mag-aaral ph.3

1. Mula sa ating binasa ano -ano ang mga nabanggit na mga patapong
bagay?
a.balat ng mga gulay b.bote ,
plastic at dyaryo
c.mga lumang gamit sa bahay.
2. Batay sa iyong karanasan , ano ang mangyayari kung patuloy
tayong magtatapon ng basura?
a.Magiging marumi ang ating paligid at mabaho ang hanging ating
malalanghap.
b.Magiging masikip angating paligid.
c.Magsisilbing palamuti ang mga ito sa ating paligid.
3.Bilang isang bata, ano ang iyong magagawa upang makatulong ka na
mapanatiling malinis ang ating paligid?
a. Itatapon ko ang basura sa tamang basurahan.
b. Iaasa ko kay nanay ang pagliligpit ng aking mga kalat. c.Uutusan ko
ang aking nakakabatang kapatid na itapon
ang basura sa likod ng aming bahay.

4. Kung ikaw ang tatanungin ,ano ang maaari mong gawin para
mabawasan ang ating basura?
a. Iligpit ko lagi ang mga gamit matapos ko itong gamitin. b.Maari
kong erecycle o gamiting muli ang mga ito. c.Itago ko ang mga basura
sa ilalim ng kama upang
hindi ito makita ng iba.
5.Base sa iyong karanasan , bakit dapat nating panatilihing malinis ang
ating sarili at paligid?
a.Upang makaiwas sa sakit
b.Upang maging payapa sa lahat ng oras c.Upang
malagpasan natin lahat ng suliranin

Isaisip

Paano mo nasagutan ng tama ang mga katanungan mula sa iyong mga nabasang
teksto? Piliin , ano-ano ang iyong mga ginawa , lagyan ng tsek upang maipakita
ang iyong sagot.

1. Binasa kong maigi ang kwento o teksto. 2.Pinili ko


ang sagot sa pilian.
3. Inunawa kong mabuti ang mga katanungan at pinili ang
tamang sagot.
4. Nagtanong ako sa aking kapatid ng tamang sagot.
5. Ibinase ko sa aking karanasan ang aking sagot.

Isagawa

Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung naranasan mo na ang


pahayag at ekis ( X ) naman kung hindi.
_____1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.
_____2. Inuuwi ko ang aking basura.
_____3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
_____4. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di-nabubulok na basura.
_____5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling talata. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.
Sina Rina at Roy
Magkaiba ang kambal na sina Rina at Roy. Palaaral si Rina. Lagi
niyang binabasa ang kaniyang mga aralin. Palagi tuloy matataas ang kaniyang
mga marka sa paaralan. Taliwas naman sa kanya si Roy. Mahilig siyang
maglaro. Madalas ay lumiliban pa siya sa klase para lang makapaglaro. Kaya
naman marami sa kaniyang marka ang bagsak. Palagi tuloy siyang
napapagalitan ng kaniyang ina.
Filipino 2 Kagamitan ng Guro Yunit 1 , pahina 3.

1. Sino ang kambal na tinutukoy sa talata?


a. Roy at Rita b. Rina at Roy c.Rona at Roy
2.Sino sa kambal ang masipag mag-aral?
a. Rina b.Roy c.Rona
3. Sino sa kambal ang gusto mong gayahin? a.Rina
b.Rona c.Roy
4.Bilang isang batang nasa ikalawang baitang , paano mo mapapataas ang
iyong grado sa eskwela?
a.m ag-aaral ako ng aking aralin kung kalian ko gusto.
b. mag-aaral ako kung malapit na ang pagsusulit.
c.mag-aaral muna ako ng aking aralin bago ako maglaro.
5.Kapag matataas ang iyong marka sa eskwela ano ang mararamdaman
mo at ng iyong mga magulang?
a.magiging masaya b.magiging
mayabang c.lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling talata kung paano mo maiiwasan na ikaw ay


hindi mahawa ng kumakalat na sakit ngayon na COVID 19?
____________________________________________________________
___________________________________________________________

You might also like