You are on page 1of 1

Magandang araw sa inyong lahat

Isinulat ko ang talumpating ito para sa mga taong may malaking pangarap sa buhay at nais itong makamit

Tayong mga tao ay may tig-iisang pangarap sa buhay na nais makamtan.Mga munting pangarap na sa haba ng
panahon ay malapit ng makamit para sa inaasam na tagumpay.

Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay, lahat ay pantay pantay. Mayroong ibat
ibang klase ng pangarap: pangarap sa pag aaral, kaibigan, pag-ibig, ang magiging buhay natin sa kinabukasan at iba
pa. Mag kakaiba man ang mga bagay na ito, mayroon silang parehong layunin: ang makamit ang pangarap na iyon.
Ako, simpleng tao pero Malaki ang pangarap sa buhay, pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at masuklian ang
ibinibigay ng aking mga magulang.

Mayroong mga pangarap na minsan ay abot kamay na pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, minsan ito ay
naglalaho na parang bula na lamang. Sa mga ganitong pagkakataon huwag tayong mawalan ng pag-asa, pilitin
nating bumangon at gumawa ulit ng panibagong pangarap. Ang buhay ay sadyang mapagbiro. Mayroong bagay na
talagang hindi itinadhana na para sa atin, mapa material man o hindi. Sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi
bubukol.

Kapag tayo ay nabigo sa ating mga pangarap, huwag po tayong malulumbay sa buhay. Ang bawat araw na biyaya sa
atin ng dakilang panginooon ay gamitin natin para sa pagbuo ulit ng panibagong pangarap. Alam nating mahirap
ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga pangarap. Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng
takot, pagsuko, at kawalan ng tiwala sa sarili. Sarili mo lang ang kalaban mo. Kung magpapatalo ka sa negatibong
takbo ng isip mo, sigurado akong walang mangyayari sa pangarap mo. Libre ang mangarap kaya dapat pagsikapan
natin iyon dahil libre na nga sa simula, babayaran ka pa ng tagumpay sa mga sakripisyo nagawa mo para sa
mahalagang pangarap na iyon.

You might also like