You are on page 1of 1

Marahil kayo ay sawa na sa mga paasang pangako na di natutupad.

Mga pangakong sagot sana ay ginhawa kapalit pala ay paghihirap at


kawalang pag-asa. Bagong halalan, bagong pagkakataon upang bumoto.
Panahon na upang bagong pinuno ay italaga upang bagong simula ay
matamasa.

Magandang gabi po sa iyong lahat Baryo Lubog,


Malaki ang pasasalamat ko na kayo’y naririto upang mapakinggan
itong aking plataporma. Marami man kayong importanteng gagawin ngunit
di pa rin nagpadala at heto kayo ay aking nakikita. Hangad ko lang na sa
pagkakataong ito, sana ay inyong mapakinggan at usisahing Mabuti ang
mga pangarap ko para sa inang bayan, mga pangarap na bigong naibigay
sa atin ng mga nagdaang termino. Ngunit sa pagkakataong ito ay
matutupad na. Gusto ko ng kumibo, hindi yung nauuto,oras na upang
umubong ang bagong simula.
Ano ng aba ang dapat nating unahin? Ano nga ba ang dapat nating
alisin? Upang ang inaasam-asam na mithiin ay makamit. Kaunlaran na kay
hirap maangkin ay parang bituin na kay hirap abutin.
Simulan natin sa pag sulong ng programang pang-edukasyon
Sapagkat ditto nagsisimula ang lahat upang bagong pag-asa ay ating
malasap. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas mapapaliwanag pa ang
family planning. Mas mabubuksan pa ang isipan ng bawat isa upang ito ay
tuluyang maintindihan at maimplementa sa bawat tahanan. Sa
pamamagitan din ng edukasyon ay wala ng maghihirap dahil natin ang
mga bagay na dapat at hindi dapat. Sa pamamagitan din ng mga
progresibong edukasyon ay magiging mataas pa ang kalidad ng pag-iisip
ng bawat Pilipino na siyang magbibigay daan tungo sa pinto ng tagumpay
at kasaganahan.
Noon ay isa lang rin akong estudyante na lugmok sa hirap, ngunit
nangarap at nagsumikap upang makamtan ang aking mga pangarap.
Muli po, ako po si Mayora Glenda Ramirez at inaasahan ko po ang
inyong pagsuporta. Maraming Salamat po.

You might also like