You are on page 1of 1

MATAYOG NA PANGARAP

Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating munting pangarap. Mga munti na kalaunan ay unti-unting

lumalaki at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay, at katuparan para sa ating hinaharap.

Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayo sa ulaulap kung

mangarap, kung minsan nga ay suntok sa buwan kung ito’y maituturing.

Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad, kasarian at estado sa buhay, lahat ay pantay-

pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring mga minimithing pangarap na gustong makamit.

Mayroong kasabihan na “ Mangangarap ka rin lang, itodo mo na”. Dahil naniniwala akong ang bawat tao ay

may natatanging pangarap na gustong marating sa buhay, dahil sa mga ito ay nagpupunyagi tayo sa anumang

uri ng larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang tunay.

Subalit, pangarap minsa’y kay ilap akala mo ay abot kamay mo na pero sadyang mapaglaro ang tadhana, ito’y

parang bula na naglaho lamang, Kapag tayo ay nangarap at hindi natin nakamtan, huwag po tayong malulumbay

sa buhay. Sa mga ganitong pagkakataon, Kaibigan!, huwag tayong manibugho at mawalan ng pag-asa.

Sapagkat, darating rin ang tagumpay na nakalaan para sa atin.

Sikaping bumangon sa pagkalugmuk sa na udlot na pangarap, gumawa ulit tayo ng panibagong pangarap na

magsisilbing ilaw at direksyon ng ating buhay. Ating isaisip at isapusa mangarap tayo nang matayug sa buhay

dahil ito ay magsisilbing inspirasyon upang tayo ay lalong magsumikap at tumatag sa anumang unos at hamon

darating sa ating buhay.

You might also like