You are on page 1of 2

"I have heard it said that the first ingredient of success is to dream a great dream.

" - John
A. Appleman

Gaano ka kadalas maghangad o mangarap? Ano ang pinapangarap mo? Bakit nagpupumilit ang mga tao na
kumilos ayon sa kanilang mga pangarap? Ang takot ba sa pagkabigo, kawalan ng kapanatagan sa kanilang mga
kakayahan, o kawalan ng tiwala sa sarili ang pumipigil sa kanila? Ito ang mga katanungang madalas nating marinig.
Tanong ko naman ay, "Hindi ba kamangha-mangha kung paanong pinapangarap lamang ng mga tao ang kadakilaan
at hindi ang kabiguan?".

Hindi ko pa naririnig na may nangarap ng kabiguan o naghangad na maging hindi matagumpay. Ang
kabiguan ay walang anumang bahagi sa isang pangarap. Ang nangangarap nakakagawa ng kabiguan, hindi ang
pangarap. Marami na akong nabasa na mga nangangarap ang nabigo nang maraming beses bago nila maranasan at
makamit ang tagumpay. Ang pagkakaiba ay ang kabiguan ay hindi makapipigil sa kanilang mga pangarap kundi ito
ay nag-uudyok lamang sa kanila na mangarap pa nang mas malaki.

Marami na sa atin ang nabigo na hanapin at alamin ang ating mga layunin sa ating buhay ngunit ito ay
pawang normal lang. Ikaw ay mangarap at pagkatapos ay alamin ang lahat ng kadahilanan kung bakit ang pangarap
na ito ay hindi matutupad. Pinupunan at pinupuno natin ang ating buhay ng mga ‘excuses’ at ng katagang ‘I can’t’.
Maraming magagaling na kumpanya ang ipinaglihi lamang mula sa isang pangarap. Kaya bakit hindi ikaw? Bakit
hindi ang pangarap mo? If you can dream it, you can do it!

Ang mangarap ay ang madaling bahagi. Ang pagkilos ayon sa pangarap ang mahirap. Ating kilalanin at
isipin na ang isang pangarap ay isang paglalakbay. Sa pinakasimpleng antas, nangangailangan ng pagnanasa, oras,
pagod, at tapang ang pangangarap. “Something great is rarely easily realized”.

Narito ako ngayon upang hamunin kayo upang abutin ang inyong mga pangarap. Huwag kayong matakot
na mangarap. If you can dream it, you can do it! Marami sa mga tao na nagkaroon ng malaking impact sa
kasaysayan ay nagmula sa mapagpakumbabang simula. Madali tayong makakakita at makakahanap sa Bibliya ng
mga ‘humble greatness’. Marahil ay papasok agad sa ating mga isip si Moises. Siya ay nagalinlangan ng pinili siya
ng Diyos na makipag-usap sa Faraoh. Pakiramdam niya ay hindi sapat at hindi niya kayang makamit ang kadakilaan
na iniatas ng Diyos sa kaniya. Kung ating mapapansin ay kadalasang pinipili ng Diyos ang mga ordinaryong tao
upang gumawa at makagawa ng mga pambihirang bagay.
Sinabi niya sa Diyos, "At sinabi ni Moises sa Dios, Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas
sa Egipto ang mga anak ni Israel?" Exodo 3:11 KJV. Nang maglaon sa Exodo 4:10 KJV, sinabi niya, "At sinabi ni
Moises sa Panginoon, Oh Panginoon, ako’y hindi marikit mangusap, kahit ng panahong nakaraan, kahit mula ng
magsalita ka sa inyong lingkod: sapagkat ako’y kimi sa pangungusap at umid sa dila." Sa simpleng pahayag,
mangyaring huwag akong alisin sa aking ‘comfort zone’. Pinahahalagahan ko pag-alala mo sakin, ngunit maaaring
higit ito kaysa sa kakayahan ko. Nabigo siyang makita ng malinaw ang pangarap dahil nakatuon siya sa mga
hadlang.

Papaano naman si David. Nang sumuko ang kanyang dakilang hukbo sa harap ng higanteng si Goliath,
tumayo siya, pinaglaban ang kanyang pangarap na kalayaan at sa pamamagitan ng isang bato ay nakalakad sila sa
direksyon ng kadakilaan. Nang maglaon siya ay naging isang mahusay at dakilang Hari. Paano na lamang kung
noong araw na iyon, ay pinili niyang huwag kunin ang bato? Paano na lang kung hindi niya sinunod ang kanyang
pangarap?

Saan kaya papatungo ang ating mundo kung pinili nilang talikuran ang isang pangarap? Saan ka kaya
papatungo kapag napagtanto mo na ang mga bagay na maaaring mangyari? Ating isama sa ating araw-araw na
buhay ang ating mga pangarap.

Ang pangarap ay ang pagkilala at pagtanggap sa mga potensyal para sa kadakilaan at paghanap dito sa lahat
ng mga aspeto ng iyong buhay. Maniwala ka sa iyong mga pangarap at sa iyong kakayahang magawa ang mga ito.
Ilagay mo ang iyong mga pangarap sa harap mo at sundin mo. Never forget, if you can dream it, you can do it!

"Those who lose dreaming are lost." – LDV 2020

You might also like