You are on page 1of 1

 

Ating Abutin Ang Ating Pangarap


Charmaine R. Frankie

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling
eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala
may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA
AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay
mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.

Ako, noong bata pa ako pangarap kongmatutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa bintana sa bintana na aming
bahay nag-aabang na namimisikleta. Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na
mataas ng bahagya saakin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisa-isang
metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil, Ito ay isang anekdota na aking iingatan na hanggang
ngayon ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay
lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo ‘di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang taong nagtanim na umasa na
kinabukasan ay puno na. Wala rin namang nagtanim ng ubas ng lumaki’t bumunga ay manga. Ano nga ang iyong tinanim mabutio masama?
Makakatulong ba o makakasira#? Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa. "Huwag tayong tumigil hangga’t di natin
natutupad ang ating pangarap. Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao
ibig sabihn may pangarap at pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,makalawa, o sa bagong taon
kung hindi NGAYON!

You might also like