You are on page 1of 1

Reaksiyon

Ang dakilang agilaula


Episode 1
Maihahalintulad ko ang agila sa akin,nung bata ako punong puno ako ng pangarap
,masasabi kong sa taas ng pangarap ko lahat ng mga dapat gawin para matupad ito nag-aral
ako nang mabuti mula nung nagkaisip ako ,mula baitang 3 hanggang fourt year high school
consistent honor student ako ,kahit mahirap lang kami pumapasok nang walang baon ,iniisp ko
lang na para makaahon kami sa kahirapan.Hanggang sa nag kolehiyo ako nakapasok ako ng first
year college bilang isang scholar ni governor dodo mandanas .hanngang sa nagkasakit ang aking
inay kailangan kong huminto sa pag aaral dahil ako ang panganay pinili ko na magtrabaho
muna. Namatay aking inay ang lahat ng responsibilidad ay nakaatang sa akin.Lagi kong
tinatanong ang diyos noon kaya ko ba ito,tulad ng agila pinili kong I letgo ang mga takot at
pangamba hinarap ko ito nang buong tapang sa tulong ng mga taong walang sawang
sumuporta sa aking pamilya.Masasabi ko ngayon na napagtagumpayan ko na ito may mga
pangarap man ako na diko natupad taas noo ko namang masasabi na tagumpay ako bilang
isang panganay na kapatid at anak.Dahil ang mga pangarap ko ay unting unti ng natutupad ng
mga kapatid ko.
Sa ngayon nangangarap ulit ako tulad ng isang agila iwawagayway ko ang pakpak at
lilipad ako. Lahat ng pagsubok ay aking kakayanin ano man ang dumating na kalamidad umaasa
akong matatapos ito,di susuko,tulad ng agila na di sumuko hanggat di naabot ang pangarap at
kagustuhan.,Manalig at magtiwala tayo saa poong may kapal.Ang aral na napulot ko dito ay
maniwala ka sa sarili mong kakayahan at wag papatalo sa pagsuboksa buhay,manalig sa
maykapalwalang imposible sa kanya.
GOD BLESS EVERYONE

You might also like