You are on page 1of 1

Elmer A. Marquez Jr.

BSED 2-5

Nakikilala ako ng mga taong nakapaligid sa akin sa pamamagitan ng aking mga


kaibigan na katulad ko ng ugali. Ako si Elmer A. Marquez Jr. Isang mag-aaral na kung
saan maraming inaasam sa buhay. Nagpupursigi para sa mga pangarap at hangarin na
nais mapagtagumpayan sa kinabukasan. Marahil mahirap ngunit kailangan lagging
maging positibo sa lahat ng bagay upag maging matagumpay sa hinaharap
Pangarap kong makapagtapos ng aking pag-aaral at makahanap ng
permanenteng trabaho. Iyon ay ang pagiging isang guro na siyang gusto rin para sa
akin ng aking pamilya. Maliban sa pagiging isang guro, nais ko ding maging isang Flight
Attendant upang makapunta sa iba’t ibang lugar at maging gabay sa mga taong
pasahero. Pangarap kong maging isang propesyunal sa hinaharap upang maipakita sa
mga taong pilit akong ibinaba na kaya kong gawin ang isang bagay. Gayundin na
maging inspirasyon sa lahat lalong lao na sa mga kabataan.
Pagkakaroon ng sipag at tiyaga ang dapat naisin ng isang mag-aaral gayundin
ang pagpupursigi. Nakikita ko naman iyon sa aking sarili sapagkat naniniwala ako na
kung may tiyaga ay may nilaga. Lahat ng bagay ay may kapalit kung tayo ay naniniwala
sa ating sarili at lalong lalo na sa Poong Maykapal. Bilang isang mag-aaral, nais kong
magpursigi upang maabot ko ang lahat ng aking pangarap. Naniniwala ako na
kailangang paghirapan ang isang bagay bago ito makuha. Kaya’t naniniwala ako na
magiging matagumpay ako sa hinaharap kung alam ko sa sarili ko na ito ay aking
pianghirapan.
Marami akong balakin sa aking buhay na kung saan siya ang magbibigay daan
sa akin tungo sa magandang kinabukasan. Tulad na lamang ng pagiging positibo upang
lahat ng mga gawain ay kayang lagpasan. Balakin kong maging isang propesyunal
ngunit marami ang dapat kailangang gawin. Gaya ng pagkakaroon ng sipag at tiyaga at
pagtitiwala sa Panginoon. Naniniwala ako na walang bagay o pagsubok ang ibibigay ng
Panginoon na hindi natin kaya. Samakatuwid, balakin kong masuklian ang lahat ng
paghihirap ng aking mga magulang gayundin ng aking mga kapatid. Kaya ngayon ay
ginagawa ko lahat ng aking makakaya upang maging matagumpay sa hinaharap at
maabot lahat ng aking mga pangarap. Sila ang nagsisilbing inspirasyon ko sa lahat ng
aking ginagawa kaya’t nag-aaral ako ng mabuti upang maging matagumpay at makuha
ang naisin at balakin sa buhay.

You might also like