You are on page 1of 1

PANGYAYARING HINDI MAKALILIMUTAN

Sa buhay ng bawat isa ay mayroon tayong mga hindi makalilimutang pangyayari


o karanasan. Sapagkat ito ang siyang nagbibigay ngiti sa ating mga mukha. Naalala sa
mga oras na tayo ay may mga pinagdaraanan. Isang inspirasyon upang ang
kalungkutan ay ating maibsan at makalimutan. Nagpapaalala sa atin na ang mga ito ay
pangyayaring kasama natin ang ating mga mahal sa buhay na siyang nagpapasaya sa
atin.

Ang hindi ko makalilimutang pangyayari ay ang nakasama ko ang aking buong


pamilya na mamasyal sa isang lugar na kung saan nakita ko sa kanilang mga mata ang
kasiyahan. Ito ang pagkakataon na sila ay aking kasama at kami ay kumpleto.gayundin,
ang kagalakan sa aking mukha na kung saan isang malaking ngiti ang nabuo na
makikita ang buong pamilya na sama-sama at masaya.

Pangyayari na kalianman ay hindi makalilimutan sapagkat isang pagkakataon na


kasama ang buong pamilya. Kaya’t ito ay hindi basta basta lamang na pangyayari kundi
ito ay ating pahakagahan. Pamilya ang karamay sa lahat, sa lahat ng pinagdaraanan at
sa anumang problema. Mapagsasabihan sa lahat ng mga pagsubok na ating
kinakaharap.

Sa pagkakataong kasama ko ang aking buong pamilya ay isang malaking


oportunidad para masabi ang lahat ng aking nais sabihin. Tuwing pasko at bagong taon
ay kasama ko rin sila kaya’t isang malaking ngiti ang lagging nabubuo sa aking mukha,
nasasabi sa kanila ang mga dapat kong sabihin. Napakalaking biyaya na mayroon
akong pamilya na sinusuportahan ako sa lahat ng gusto kong gawin.

Sa kaarawan ng bawat isa, malimit na kami ay magkakasama ngunit kapag


nagkakasama ay parang hindi na kami mapaghiwalay na kung saan makikita talaga sa
mukha ng bawat isa ang kagalakan at kasiyahan. Masasabi ko na pamilya ang lagging
nariyan para sa atin kaya mahalin sila sapagkat kasiyahan ang laging dulot sa atin.

You might also like