You are on page 1of 7

TALAAN NG NILALAMAN

INTRODUKSIYON 3

MGA TULA

Pandemya:Bagong Anyo ng Pag-aaral 4

Itutuloy Pa Ba? 5

Online Class 6

Estudyante 7

Usad Pangarap 8

TALA NG AWTOR 9

1
INTRODUKSIYON

Ang koleksiyon ng mga tula ay patungkol sa kasalukuyang pangyayari sa mundo


at ito ang kinakaharap nating Pandemya. Ang tema nito ay “Pagharap sa New Normal”
kung saan marami ang kinakaharap ng sambayanan. Lalo na ang mga estudyante sa
kanilang pag- aaral. Ang mga tula ay nag lalaman ng mga pangyayari sa kasalukuyan
sa bagong normal. Marami parin ang natatakot na lumabas ng bahay. Hanggang
ngayon kasi ay hindi pa rin umaayos ang paligid. Nababahala ang marami sa atin.
Ngunit sa kabila ng pag- aalinlangan, hindi rin nabilang ang mga indibidwal na
bumabalik na sa kani- kanilang trabaho upang gampanan ang mga nakaatang sa
kanilang balikat.

Layunin niton na magbigay ng kaalaman sa lahat. Lalo na sa mga taong


apektado ng pandemya. Nag papakita ito ng kahalagahan sa panitikan kahit nasa gitna
ng pandemya. May malaking ambag ito, kung saan nag kakaroon ito ng pakinabang sa
mga tao na kailang pag tutuunan ng pansin. Napahahalagahan ang bawat tula kahit
maraming kinakaharap na problema sa lipunan.

2
PANDEMYA: BAGONG URI NG PAG- AARAL

Isang masalimuot na umaga


Sakit na hindi nakikita
Simbilis ng kidlat kung manalasa
Mga estudyante’ y naloloka

Estudyante’y naninibago’t nahihirapan


Dahil ngayon lang nila ito mararanasan
Nagkaroon ng Distance Learning
Para may social distancing

Sandamak-mak na mga gawain


Nababaliw kung paano tatapusin
Walang magawa kundi sunduin
Kahit na nahihirapang unawain

Nagkaroon ng mga online talakayan


Na minsa’y di naintindihan
Itoy sobrang tumatagal
Dahil sa mahina’t mabagal na signal

Mga estudyante, magpakatatag


Mga magulang at guro, magtulong- tulong
Bagong kadaywan ay ating yakapin
Dahil ito rin ay para sa akin

3
ITUTULOY PA BA?

Hindi mawari kung itutuloy paba?


Pagpasok sa paaralan, tila ba’y nagdududa
Iniisip na baka maudlot mga pangarap
Nag hahanap ng tulong, karamay, at lingap.

Tinitimbang ang mga desisyon na gagawin


Dahil ang pag pasok sa paaralan ay napakalaking pansinin
Pagpasok sa paaralan sa gitna ng pandemya?
Nawa’y maitawid hanggang dulo kung kaya.

Alam ko ang lahat ay nahihirapan


Pagkain sa araw- araw, hindi alam ang pagkukunan
Ayuda mula sa gobyerno, kulang at hindi sapat
Atensyong medical ang siyang nararapat

Kaya bilang isang kabataan, akiing nasilayan


Krisis sa COVID- 19 dapat nating labanan
Batas ng pamahalaan dapat su din lang,
Pagtutulunga’t pagkakaisa’y dapat isaalang-alang.

Sama- sama nating tawirin


Itong sakuna na nagpapasakit satin
Huwag tayong sumuko, lumaban hangga’t kaya
Dahil may nag aantay sa ating magandang umaga.

4
ONLINE CLASS

Pagbabago ng panahon,
Ang bumago rin sa sistema ng edukasyon.
Ngunit paano na ito?
Matututo pa ba tayo?

Araw ng online class,


Kabado, hindi alam kung may maisasagot sa tanong
Mahinang internet connection, tanging kalaban
Kahit ganonpaman, gagawa ng paraan matuto lamang.

Pag aaral sa panahon ng pandemya


Madali sa iba, mahirap sa karamihan
Ngunit gaano man kahirap ang mararanasan
Patuloy pa ring lalaban para sa kinabukasan.

5
ESTUDYANTE

Ako ay isang mag- aaral na nangangarap


hangad ay maayos na kinabukasan
para sa hinaharap ay di maghirap
nang ako ay walang pag sisihan bukas.

Sa paaralan ako ay nag- aaral


Bagong kaalaman aking natutunan
Araw- araw ng nagsisikap ng lubos
Sa mga pagsusulit ay di sumusuko.

Buhay ko’y wala pang kasiguraduhan


Kaya ngayon ay pinagsisikapan
Sa Diyos ako’y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay.

Aking ama’t ina salamat sa lahat


Utang na loob ko aking buhay
Di man kasing talino ni Jose Rizal
Sisikapin makamit ang minimithi.

Mga kamag- aral wag na magpatumpik - tumpik


Pag aaral muna ang asikasuhin
Nang ating mga magulang hindi malungkot
Upang pangarap ay ating makamit.

6
USAD PANGARAP

Isang krisis ang dumating,


Lubhang kayhirap resolbahin
Maraming pagbabagong nagaganap,
Hirap ng buhay ang lumaganap.

Gobyerno’y nangangamba,
Ekonomiya ay bumababa na
Pilit ngang tinutugunan,
Hinaing ng Sambayanan

Sistema ng Edukasyon ay binago,


Sa kadahilanan ngang delikado
Kagawaran ng Edukasyo’y nagdesisyon,
Modyular at Onalyn ang solusyon.

Lumaban ang iba,


Ang iba’y sumuko na.
Dinatin maikakaila,
Kalagaya’y di magkakapareha

Oras ay mahalaga,
Ngayong panahon pandemya
Kung ayaw mong mapag iwanan,
Magpursige ka’t lumaban

You might also like