You are on page 1of 2

Ebalwasyon ng Salin

Maraming mga naging problema sa pagsasalin kung saan sadyang nahirapan


ako/kami sa pagsasalin ng isang artikulo. Tulad na lamang ng mga salitang ingles na
walang katumbas na salin sa Filipino ang isang salita. Gayundin ang mga pangungusap
na mahirap isalin sapagkat iba ang pagkakaayos nito. Sa pamamagitan naman ng
paggamit ng translation machine ay maraming mga pagkakamali sa pagsasalin, lalo na
sa isang buong pangungusap o kaya naman ay sa mga salita.
Halimbawa na lamng sa artikulo ng bato balani kung saan marami ang mga
salitang tungkol sa agham at teknolohiya na wala namang katumbas na salitang
Filipino. Sa pamamagitan ng mga ito, naging mas mahirap ang pagsasalin at hindi alam
ang ialalagay na katumbas na salita.
Halimbawa sa Bato Balani
Using a technique called neutral atom imaging from a satellite high above the
North Pole, researchers at the Department of Energy’s Los Alamos National Laboratory
are developing pictures of the magnetosphere, an invisible magnetic layer around the
Earth. These pictures will be essential to a better understanding of the “weather” in
space, where a blast of solar wind particles can knock out a multimillion-dollar satellite.
Gamit ang isang diskarteng tinatawag na neutral atom na naglalarawan mula sa
isang mataas na satellite sa itaas ng North Pole, ang mga mananaliksik sa Los Alamos
National Laboratory ng Kagawaran ng Enerhiya ay nagkakaroon ng mga larawan ng
magnetosphere, isang hindi nakikitang magnetic layer sa paligid ng mundo. Magiging
mahalaga ang mga larawang ito sa isang mas mahusay na pag-unawa sa "lagay ng
panahon" sa kalawakan, kung saan ang isang pagsabog ng solar particle ng hangin ay
maaaring magpatumba ng isang milyong milyong dolyar na satellite.

Sa artikulo naman ng edukasyon, maraming mga pangungusap ang mayroong


mga malalaim na mga salita, mahirap itong isalin sapagkat halos magkakatabi o
magkakasama ang mga ito. Isang pangungusap lamang ngunit mahirap sa
bokabularyong isalin. Mayroong mga adhikain o mga kagawaran na hindi na marapat
isalin sapagkat maiiba ang ibig sabihin kung ito ay isasalin.
Halimbawa sa Edukasyon
However, although the Philippine educational system has extensively
been a model for other Southeast Asian countries, in recent years such a matter has no
longer stood true, and such a system has been deteriorated - such a fact is especially
evident and true in the country's more secluded poverty-stricken regions. Nationwide
the Philippines faces several issues when it comes to the educational system.
Subalit, kahit ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay mayroong malawak na
modelo para sa ibang bansa ng Timog Kanlurang Asya, sa mga nakaraang taon ay
hindi na muling masasabing tama, at masasabing ang sistema ay lalong lumala.
Maliwanag na patunay nito ay ang mga liblib at mahihirap na rehiyon sa bansa. Ang
buong Pilipinas ay humaharap sa maraming isyu sa usapin tungkol sa sistema ng
edukasyon.

Para sa kwentong pambata, ang naging problema sa pagsasalin ay ang mga


diyalogo na kung saan marapat na pareho ang nais sabihin sa pagsasalin. Sadyang
mag-iisip ng naayon upang maisalin ang isang artikulo ng kwentong pambata. Sapagkat
maiiba ang ibig sabihin nito kung hindi pag-iisipan ng mabuti ang isasalin.
Halimbawa sa Kwentong Pambata
“Come on Rainbow Fish,” they called. “Come and play with us!” “Here I come,”
said Rainbow Fish and, happy as a splash, he swam off to join his friends.
“Halika Bahagharing Isda”, tawag nila. “Halika’t maglaro tayo!” “ Narito na ako”, sabi ng
Bahagharing Isda na masaya at lumangoy upang makisali kaniyang mga kaibigan.

Ang solusyon na ginawa ay binasa ang kahulugan o depenisyon ng isang salita


upang maisalin ito at maipakita ang katumbas na salita ang isasalin. Sa paggamit
naman ng translation machine, itinama na lamang ang mga maling salin nito at iniisip at
inayon ang bawat salita sa isasalin. Inangkop ang nais iparating o ibigsabihin ng
pangungusap at ng isang salita. Isang paraan din ang pagbabasa sa mga salitang hindi
alam o wala sa bokabularyo na siyang magpapadali sa pagsasalin ng isang artikulo. Sa
mga salitang walang katumbas na salin sa Filipino, binaybay na lamang ito sa salitang
Filipino ngunit ganoon pa din ang ibig sabihin at nais iparating sa lahat. Isang paraan na
nagpamadali sa akin sa pagsasalin ang mga ito na nagawa ko ng maayos. Bagamat
mahirap ay gumawa ng paraa upang maisalin ang mga artikulong dapat isalin sa
fuilipino. Kung saan isang daan upang malaman natin ang ibig sabihin ng isang salita at
upang magkaroon ng bagong kaalaman sa ating bokabularyo.

You might also like