You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Modyul 5 at Modyul 6


Ikatlong Markahan
FILIPINO X

Pangalan _____________________Seksyon___________ Petsa_________ Iskor _______


I. Panuto : Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot sa hinihingi ng pahayag .

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito ay


nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa
tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng
mga na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

1. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging
damdamin sa talumpati ni Mandela?
A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob ang kanyang
kabayanihan.
B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang kalayaan.
C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at kalayaang
hinahangad.
D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may isang
pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng katarungan at kalayaan sa
kanyang mamamayan.

2. Batay sa bahagi ng talumpati ni Mandela , ano ang isa sa maaaring maging


dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?
A. pagpapahirap sa mamamayan
B. pagkakaroon ng malupit na pinuno
C. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
D. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay.

3. Ang talumpating ito ay masasabi mo bang isang uri ng sanaysay na pormal?


A. Hindi sapagkat ito ay subhektibo na tumatalakay sa paksang karaniwan, pang-
araw-araw, at personal.
B. Oo, sapagkat ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.
C. Hindi dahil ito ay obhektibo at ang tono ay mapitagan at nagbibigay ng
impormasyon.
D. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng
lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din siya na magkaroon ng kalayaan.
4. Sa kanyang binigay na talumpati ano sa tingin mo ang kanyang layunin?
A. Nais niyang imulat ang tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa nangyayaring
karahasan laban sa mga tribo ng Africa at hangarin na pagkakaisa sa itim at
puting mamamayan ng Africa na labanan ang hindi pantay na pagtrato sa kanila.
B. Ipahayag sa buong mundo na lahat ng tao ay may karapatan na mamuno sa
kanyang bansa ano paman ang kulay at lahi nito.
C. Ipakita ang kanyang tapang at sigaw ng damdamin at mapapait na karanasan.
D. Paghihiganti sa lahat ng masasamang naranasan ng kanyang mamamayan sa
mga puting lahi.

5. Pula : Rosas : : Luntian :________


A. Girlscout B. Ibon C. Dahon D. Bundok

6. Itim na Pusa : ___________ : : Paruparo : Bisita


A. Pamahiin B. Alaga C. Malas D. Insekto

7. Magsalita:Kumanta : : Maglakad: __________


A. Maligo B. Sumayaw C. Kumain D. Uminom

8. ___________ : Tag-init : : Disyembre ___________


A. Panahon – Marso B. Hunyo – Kasal
C. Marso-Tag-ulan D. Ice Cream-Pasko

9. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa pormal na sanaysay maliban sa isa.


A. Nagbibigay ng impormasyon.
B. Maingat na pinipili ang pananalita.
C. Ang tono ay mapitagan.
D. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.

10. ______________estadistika may 1.18M ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, 1.1M


ang nakarecover at 19, 946 ang namamatay na mga Pilipno.
A. Ayon kay B. Gayundin C. Batay sa D. Alinsunod

II. Panuto : Sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng iyong damdamin


tungkol sa bakuna panlaban sa Covid 19. ( 20 puntos )

You might also like