You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of City Schools

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Modyul 3 at Modyul 4


Ikatlong Markahan
FILIPINO X

Pangalan _____________________Seksyon___________ Petsa_________ Iskor _______

I. Panuto : Basahin ang tula. Pagkatapos sagutin ang mga nakasaad na tanong. Isulat
sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot.

Isang Punong Kahoy


Ni: Jose Corazon de Jesus
I. V.
Kung tatanawin mo sa malayong pook, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ako'y tila isang nakadipang krus; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Sa napakatagal na pagkakaluhod, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. VI.
II. Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Organong sa loob ng isang simbahan Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Ay nananalangin sa kapighatian, Naging krus ako ng magsuyong laing
Habang ang kandila ng sariling buhay, At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Magdamag na tanod sa aking libingan... VII.
III. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Sa aking paanan ay may isang batis, Panakip sa aking namumutlang mukha;
Maghapo't magdamag na nagtutumangis; kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. VIII.
IV. At iyong isipin nang nagdaang araw,
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, isang kahoy akong malago't malabay;
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
at tsaka buwang tila nagdarasal. dahon ko'y ginawang korona sa hukay
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
1. Sino ang may-akda sa tulang Ang Isang Punungkahoy?
a. Joseng Sisiw c. Jose Corazon dela Cruz
b. Jose Rizal d. Jose Corazon de Jesus
2. Ilang sukat mayron ang tula?
a. tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may pitong saknong.
b. tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may labing walong saknong.
c. tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may labing anim na saknong.
d. tig labing dalawahin ang bawat taludtod at may walong saknong.
3. Tungkol saan ang tula?
a. Sa Isang lalaki na puno ng kasiyahan sa buhay
b. Sa buhay ng tao.
c. Sa pamilya na sandigan sa lahat.
d. Sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay.
Sa bawat saknong, ano ang ibig ipagpapakahulugan ng may-akda?
4. Unang sakanong….
a. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba
sa Panginoong Diyos.
b. Sa kanyang panaginip ay nanalangin siya na gaganda ang kanyang buhay.
c. Sa kanyang balintatataw, nanaig ang kanyang pananampalataya sa Diyos
d. Sa kanyang pangarap, nais niya ng kaginhawaan.
5. Ikalawang Saknong
a. Inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay na siya.
b. Inilalarawan niya ang kamatayan.
c. Inilalarawan niya ang mga tao sa panahon ng pighati
d. Inilalarawan niya ang buhay.
6. Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang
a. Tubig b. Dagat c. Pawis d. Luha
7. Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na__________________.
a. ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa kanya ay totoo.
b. ang paglamay sa kanyang bangkay.
c. ang katotohanan na ang tao ay mamamatay.
d. ang buhay ay may katapusan.
Ako’y tila nakadipang kurus
Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

8. Ang pahayag sa itaas ay nasa elementong ________.


a. Sukat c. Estilo
b. Simbolismo d. Imahe
9. Alin sa mga sumusunod ang magkakatugma?
a. Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
b. Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
c. Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
d. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
10. Ang pahayag na ito ay isang uri ng tayutay na ________
a. Pawawangis c. Pagtutulad
b. Pagmamalabis d. Pauyam

II. Sumulat ng Isang Sanaysay na may tatatlong talata. Sa bawat talata mayroong
tiglilimang pangngusap. (10 puntos)

AKO, SA PANAHON NG PANDEMYA

You might also like