You are on page 1of 2

Uri ng Panitikan – Fhelrein Cabuhatan

Ang “Awit ni Roland” o “La Chanson de Roland” sa wikang Pranses ay isang epiko
noong ika-labing isa na siglo sa panahon ng pamumuno ni Haring Charlemagne. Mababasa sa
epiko ang bagsik at ang pakikibaka ng mga hukbo noong panahon ng Digmaan sa Roncevaux
Pass o Battle of Roncevaux Pass.

Kaisipan – Fhelrein Cabuhatan

Ang kaisipan na ipinapahayag ng epiko ay; “Ang Kristiyanismo ay laging


magtatagumpay laban sa Islam.” kung saan ang hukbo ni Haring Charlemagne ay nagtagumpay
laban sa mga Saracens, ang hukbo ni Haring Marsile. Sila ay nagtagumpay dahil kay Roland—
ang namumuno sa hukbo ng Pranses, na itinunog ang kaniyang trumpeta upang balaan si
Charlemagne sa bigla-biglaang digmaan.

Ayon sa akda, ang hangarin ni Haring Charlemagne ay ang sakupin ang Espanya upang
ipalaganap ang Kristiyanismo na umabot na sa punto kung saan papatayin nila ang mga
mamamayan na hindi magpapabinyag. Ayon din sa akda na si Haring Marsile ay nangako na
siya’y magpapabinyag at maging isang ganap na Kristiyano upang sila’y hindi na masakop
ngunit ito naman ay hindi niya tutuparin.

Para sa akin ay isa itong paglabag sa karapatan ng isang tao na mamili ng sariling
relihiyon at paniniwala. Makikita mo na ang opinyon ng may akda ay pumapanig sa
Kristiyanismo at pinapahayag na ang Islam ay isang relihiyon na puno na lamang ng kasamaan at
kagulo—kung saan ay walang katotohanan at isang kaisipan na walang kabuluhan. Ang
pagpipilit sa isang tao na sundin ang iyong mga ninanais para sa iyong mga hangarin sa
pamamagitan ng pakikipagdigma at pagpatay ay hindi makatao at malupit. Mas mabuti na isaisip
natin ang kaisipan na; “Hindi ang relihiyon ang magiging batayan sa kung sino ang
magtatagumpay, ito ay babatay sa ugali at personalidad ng isang tao.”

Ipinapakita rin sa akda ang ideya ng Piyudalismo o Feudalism kung saan ang isang tao ay
magsisilbi sa isang dakila kapalit ng proteksyon at mga pangangailangan. Isa rin itong salik sa
naging opinyon o panig ng may-akda. Ang pag-uuri ng isang tao base sa kanilang mga
pamantayan (mahirap=alipin, mayaman=amo) ay isang mentalidad na nangyayari noon pa
lamang. Mababasa sa akda kung saan ipinatawag ni Charlemagne ang konseho na ibinubuo ng
mga matataas at makapangyarihan na panginoon hanggang sa mga nakakabababang panginoon;
nagpapakita na ang hari ang mayroong mas malakas na kapangyarihan at ang konseho ay ang
kaniyang mga tagasunod.

Sa aking opinyon ay ang pag-uuri ng tao base sa kanilang kakayahan at pamantayan sa


buhay ay wala naming kabuluhan sapagkat ang tao ay pantay-pantay lamang. Bawat tao ay may
mga kahinaan at imperpeksyon, mayroon ring kalakasan at kagandahan. Mas maganda kung ang
iyong mentalidad ay; “Walang tao na mas mataas o mababa—kaya tratuhin ang bawat isa ng
may kapantayan.” kesa sa maging mapagmataas at abusado sa iyong kapwa tao.

You might also like