You are on page 1of 10

CHRISTIAN VILLANCIO ABRIL 06, 2024

12 GAS-A PILING LARANG

BAKIT NAHILIG AKO SA LARONG SOCCER

Elementarya palang ako ay nahumaling nasa larong soccer dahil sa kakaibang istilo at
pamamaraan nito. Grade 2 ako noong akoy sumali ng soccer sa aming paaralan at agad akong
nakuha dahil sa kulang din ang kasali, nagtsaga akong mag insayo upang mas lumakas at maging
matibay at para maging-isa sa mga magprepresenta ng aming paaralan. Ang soccer ang larong
nagdudulot sa akin ng kasiyahan at pag asa.

Ang soccer din ay isang laro na puno ng kumpetisyon, estratehiya, at kasiyahan. Sa bawat
pagtadyak ko ng bola at pagtakbo sa soccer field, nadarama ko ang kahalagahan ng disiplina,
pagtitiyaga, at teamwork. Hindi lamang ito tungkol sa pagtulak ng bola at paggawa ng mga
puntos, kundi tungkol din sa pagbuo ng koneksyon sa aking mga kapwa manlalaro. Sa bawat
laban, natututo akong makinig, magtulungan, at magtiwala sa aking mga kasama.

Ang soccer ay nagtuturo sa akin ng disiplina at determinasyon. Upang maging magaling


sa larong ito, kailangan kong maglaan ng oras at pagsisikap sa ensayo at pagsasanay para
lalopang lumakas. Ang pagkakaroon ng regular na pagsasanay ay nagtuturo sa akin ng pagiging
disiplinado sa aking mga gawain at pagtupad sa mga layunin. Sa bawat tagumpay at kabiguan na
aking nararanasan sa soccer field, natututo akong manatiling determinado at hindi sumuko.

Bukod sa mga kasanayan sa pagsusulong ng bola at pagtutuos sa labanan, ang soccer ay


nagbibigay sa akin ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa iba. Sa bawat koponan na aking
naging kasapi, natutunan kong magkaisa at magtulungan. Ang soccer ay nagbibigay sa akin ng
pagkakataon na magkaroon ng mga kaibigan na may parehong interes at pagkakaisa. Ito ay
nagpapalakas ng aking kakayahan sa pakikipagkapwa-tao at pagkakaroon ng malasakit sa iba.

Bilang isang soccer player, natututo rin akong magkaroon ng determinasyon at pagtitiis.
Sa bawat pagkabigo at pagkatalo, hindi ako sumusuko. Sa halip, ito ay nagiging hamon sa akin
upang magpatuloy at magpatibay pa. Ang soccer ay nagtuturo sa akin na maging matatag,
magtiwala sa aking kakayahan, at maniwala na kaya kong maabot ang aking mga pangarap.

Ang pagkakaroon ng hilig sa soccer ay hindi lamang tungkol sa pagsusulong ng bola o


pagkamit ng tagumpay sa larong ito. Ito ay tungkol sa mga aral at karanasan na aking natutunan
sa pamamagitan ng paglalaro. Ang soccer ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan, pagkakataon sa
pag-unlad, at mga mahahalagang aral sa buhay.

Sa bawat pagtuntong ko sa soccer field, ako ay puno ng pasasalamat sa larong ito. Ito ang
nagbibigay sa akin ng kasiyahan at patuloy na nagpapalawak ng aking kaalaman at kasanayan.
Ang pagkakaroon ng hilig sa soccer ay isang biyayang hindi ko ipagpapalit.

Sa huli, ang pagkahilig ko sa soccer ay hindi lamang tungkol sa laro mismo, kundi
tungkol din sa mga aral at karanasan na aking natututunan mula dito. Ito ay isang bahagi ng
aking pagkatao na patuloy na nagbibigay sa akin ng kasiyahan, pag-unlad, at mga bagong
pagkakataon. Ang soccer ay isang laro na nagbibigay ng ligaya at pagkakaisa, at ako ay lubos na
nagpapasalamat na ito ay bahagi ng aking buhay.
Glen Nicolle Brin 05/05/2024
Grade 12 GAS-A

ANG AKING UNANG PAGLALAKBAY


( Lakbay Sanaysay)

Gabi ng mga oras na iyon, pagkatapos kong kumain ng aking hapunan ay lumabas ako
sa aming bahay para maglakadlakad at upang magpatunaw ng aking kinain na kadalasan kong
ginagawa, habang naglalakad ay busy ako sa paggamit ng aking telepono at ilang saglit lang ay
bigla akong tinanong ng aking isang kaibigan na kung nais ko raw sumama sa kanya papuntang
Boracay dahil may naghahanap daw at nangagangailangan ng tao roon upang mag trabaho,,
napaisip ako, Labingpitong taon mula noon ay ngayon ko lng mararanasan ang bumyahe ng
malayo sakay ng barko at nais ko rin maranasan ang magtrabaho at kumita ng pera gamit ang
aking sariling mga kamay kaya sumang-ayon ako sa alok nya at dagdag pa niya, ay kinausap na
daw sya ng taong iyon na maghanap pa ng taong pwedeng magtrabaho doon bukod sa kanya,
kaya naisipan nyang baka ako pwede dahil siguro alam nya ng mga panahong iyon ay wala
akong ginagawa at pinagkakaabalahan, at kinabukasan na raw ang alis.

Kinaumagahan, madaling araw palang ay gising na ako at nakapaghanda na papunta sa


bahay ng taong naghahanap ng trabahador o aming kasalukoyang amo kagaya ng napag-usapan.
Mga ilang saglit ng aming paghihintay ay bumyahe na kami papuntang Ambulong Port, sa pag-
upo ko sa kotse ng aming amo hindi trabaho ang nasaisip kundi saya at galak, dahil makapunta
na ako sa ibang lugar, ni hidi ko naramdaman ang kabang maidudulot ng mga desisyong ginawa
ko, kung makakabuti ba ito o hindi.

Pagkarating ko sa port, ilang minuto lang ang hinintay namin ay dumating na ang
barkong aming sasakyan patungong Capiz port, Mula sa pag apak ko sa may hagdan paakyat ng
barko hindi ko na maiwasan ang saya at galak na aking nararamdaman hanggang sa aking pag
upo sa may upuan, ito ang unang beses kong sumakay ng barko at hindi ko mapigilan ang
pagkamangha sa mga nakikita ko mula sa loob ganggang sa labas ng barko at sa mga tanawing
matatanaw doon.
Magtatanghali na ng nakarating kami sa may Port, pagbaba sa barko sakay agad sa truck
at bumyahe, mahigit isang oras na ang lumipas at tanghaling tapat na kung kaya't huminto ang
aming sinasakyan sa isang kainan na aking ikinagulat at ipinagtaka, kung nakarating na ba kami
o hindi pa sapagkat hindi ko kabisado ang lugar dahil unang dating ki palang doon. Ibinaba kami
sa may tapat ng Inasal, kakain pala kami.

Pagkatapos naming kumain, saglit kaming nagpahinga at bumyahe na ulit patungong


Culasi Aklan, hindi ko lubos maisip na ganon pala iyon kalayo kaya maggagabi ng kami ay
makarating doon ngunit kahit na ganon kasakit ang pwet ko sa kakaupo ng magdamag ay
naibsan naman ng mga tanawing nakikita sa dinaraanan namin.

Pagkarating namin sa Kulaci aklan ay bumyahe na kami patungong Boracay sa


Balabag, ngunit hindi kami nakarating doon kaagad dahil sa problemang nangyari kung kaya't
madaling araw na kami nakarating doon.

Unang araw, nagsimula na ang aming trabaho, parang ayos lang, normal na mga
ginagawa ng isang trabahador ngunit di ko naramdaman ang pagod sa aking puso at isip maliban
sa pisikal. Ganon at ganon palagi ang aking nararamdaman sa tuwing ako ay nagtatrabaho,
pagkalipas ng ikaapat na araw, sahoran na o bayaran na ng aming pinagtrabahoan, una kung pag
abot ng pera mula sa aking pinagpawisan at ako ay lubos na masaya.

Para sa akin di naman masyadong mahirap ang aming trabaho sapagkat minsan kaming
pahenanti, nagtutrucking ng mga metal mula sa ibang barangay patungo sa kalapit barangay kaya
naman paano ka magiging stress kung mawiwili ka naman sa paligid na dinadaanan mo sa
tuwing palipat lipat ka ng lugar.

Makalipas ang dalawang linggo malapit na kaming umuwi

At naranasan ko ang gusto ko at hindi ko gustong maranasan, habang tumatagal at


lumilipas ang panahon ay mas dumarami ang aking mga karanasan roon at napagtanto kong tama
lahat ang mga sinabi ng aking ama bago ako umalis at di rin ako nagsisi sa aking naging
desisyon at pinanindigan ko iyon.

Noong papauwi na ako, habang pinagmamasdan ko ang lugar kung saan ako nanatili ng
ilang linggo naaalala ko ang mga nagyayari sa akin doon at dahil una ko itong paglalakbay hindi
ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
MAJICO R. RUADO ABRIL 06, 2024
12 GAS-A PILING LARANG

Paglutas sa Isang Mabigat na Suliranin

Lahat naman tayo ay may kani-kanilang problema o suliranin na kinakaharap, merong


mabigat at meron ding hindi. Hindi natin maiwasan ang magkaroon ng suliranin, subalit Ito ay
kusang lumalapit sa atin upang tayo’y subukin at mahasa narin. Sa bawat suliranin na ating
kinakaharap ay meron ding itong magandang idinodulot sa atin. Ang suliranin ay ang siya’ng
nagbibigay sa atin ng daan upang tayo’y umunlad pa.

Sa pagharap sa isang mabigat na suliranin, kailangan kong maging bukas at handang


tanggapin ang mga hamon na kaakibat nito. Unang hakbang ay ang pagtanggap sa katotohanang
mayroong suliranin na kailangang malutas. Mahalaga ring kilalanin ang mga damdamin at
reaksyon na dulot ng suliranin, tulad ng takot, pag-aalala, o pangamba. Sa pamamagitan ng
pagkilala sa mga ito, mas magiging malinaw sa akin kung paano ko haharapin ang sitwasyon.

Pagkatapos, kailangang magkaroon ako ng malakas na determinasyon at tiwala sa sarili


na kakayanin kong malutas ang suliranin. Hindi dapat mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga
pagsubok na darating. Ang pagiging matiyaga at mapanatag sa kabila ng mga paghihirap ay
mahalaga upang mapanatili ang kumpiyansa sa sarili.

Sa proseso ng paglutas, mahalaga rin ang pag-aaral at pagsusuri ng mga posibleng


solusyon. Dapat kong maglaan ng oras at enerhiya sa pag-aaral ng mga opsyon at pagpapasya
kung alin ang pinakamainam na hakbang na dapat gawin. Importante rin ang pakikipagtulungan
sa ibang tao, tulad ng pamilya, mga kaibigan, o propesyonal, upang makakuha ng suporta at
payo.

Habang nagtatrabaho sa paglutas ng suliranin, mahalaga ang pagiging bukas sa mga


pagbabago at pag-aadjust sa plano kapag kinakailangan. Hindi lahat ng solusyon ay magiging
epektibo sa una, kaya't mahalaga ang kakayahang mag-adapt at magbago ng diskarte kung
kinakailangan.
FRITZ RAINER RAFOL Mayo 6, 2024
12 GAS-A PILING LARANG

ANG KAHIRAPAN

Kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa.Ano nga ba ang mga dahilan
kung bakit natin nararanasan ito? Uupo na lamang ba tayo at iintayin ang aksyon ng gobyerno o
tayo na ba mismo ang aaksyon para masolusyonan ito. Bilang isang mamamayan marapat na
tayo ay kumilos upang maiwasan ang kahirapan hindi lang para sa ating sarili kundi para sa ating
bansa.

Kaya maraming nakakaranas ng kahirapan ng dahil narin sa katamaran nila choice natin
ang maging mahirap kaya kung nakakaranas man tayo nito wala tayong dapat sisihin kundi ang
sarili natin.Sabi nga nila"daig ng maagap ang masipag kaya dapat habang maaga pa lamang ay
kumilos na tayo at gawin ang nararapat. Halimbawa na lang may oportunidad na tayo hindi na
dapat tayo magdalawang isip na gawin ito o kunin ito lalo na kung malaki ang maitutulong nito
sa atin kasi minsan may mga tao talagang mapili o sabihin na natin na maarte na kahit ang
daming paraan para magkatrabaho ay winawalang bahala lang nila ito o baka naman tinatamad
lang sila. Edukasyon ang susi sa kahirapan kaya dapat pinapagbuti natin ang ating pag-aaral
dahil para rin ito sa ating kinabukasan. Meron kasi diyan na kahit nuknukan ng yaman nuknukan
din naman ng tamad kaya ayun sa yaman ng magulang umaasa. Alam nating mali iyon kaya
dapat huwag nating tularan iyon. Maraming paraan para maiwasan natin ang kahirapan pero na
satin ang problema gaya nga ng sabi ko kanina choice natin ang maging mahirap. Maraming mga
kabataan ang hindi nakakapag-aral ng dahil sa kahirapan o dahil sa kakulangan ng pera pero
hindi nila ito kasalanan dahil responsibilidad ng mga magulang natin na pagaralin tayo pero
pwede din maging kasalanan ng kabataan ito lalo na kung tamad ito.Yan ang mga ilan lang sa
mga dahilan kung bakit nakararanas ng kahirapan ang mga Pilipino sa Pilipinas. Isa rin sa
dahilan kung bakit tayo nakararanas ng kahirapan ay dahil hindi nakakapagtapos ng pag- aaral.
Pero para maiwasan ang kahirapan nangingibang bansa ang ibang mga Pilipino para matustusan
ang pangangailangan ng kanilang pamilya kahit na labag sakalooban nila ay nangingibang bansa
pa rin sila dahil para maiwasan ang kahirapan at para rin naman ito sa ikabubuti ng kanilang
pamilya.
Gaya ng sabi ko kanina huwag na natin antayin pa ang aksiyon ng mga gobyerno tayo na
dapat ang kumilos para hindi tayo napagiwanan ng iba. Kung ayaw natin maranasan ang
kahirapan gumawa taya kumilos hindi yung puro na lang tayo salita kulang naman tayo sa
gawa.Talamak sa Pilipinas ang kahirapan pero simula ng naging Presidente natin si Pangulong
Duterte may nagbago ba, umunti ba ang mahihirap sa Pilipinas marami pa rin ba ang isang kayod
isang tuka? Ang hirap sagutin di ba kasi ang lagi lang naman binabalita ay puro tungkol sa droga.
Pero umaasa ako na dahil bago na ang ating pangulo ay magbabago na rin ang ating bansa mas
magiging maunlad na ang ating bansa. Ayon lamang ito kay Avygail C. Bonghanoy.
MARK JAME RECTO Mayo 14, 2024
12 GAS-A PILING LARANG

Ang Posisyong Papel ni Mark Jame Recto

Kahirapan ng ating bansa sang ayon Ako sa kahirapan ng anting bansa dahil laganap na
ang kahirapan sa ating bansa, maraming tao ang nagugutom at kulang sa trabaho. Isa narin sa
mga dahilan ay ang hindi pagtatapos ng pagaaral dahil sa kakulangan sa pera. Matagal na ang
isyung ito sa ating bansa ngunit magpahagang ngayon ay wala paring pagbabago
Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat daw ang ekonomiya ng ating bansa? llang
pangulo na ba ang nagsabing uonlad na ang ekonomiya ng bansa ngunit ito ba'y nararamdaman
ng karaniwang mamamayan? Sino ba ang nakikinabang sa pag-angat ng ating ekonomiya?
Babalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o manunulat patungkol sa pamamagitan ng "pag
paulad para? kanino ba ang pag-unlad
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga
mayayaman ang tiyak na sasabihin nila'y "marami ang sa atin ang tamad at hindi naman nin sila
masisisi sa ganitong pananaw dahil umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang ibang
mga kalalakihan sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na lamang ng
biglaang loita na parang instant coffee". Ang iba sa halip na maghanap ng kapakipakinabang na
trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi
hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-boon sa utang na lalong nagpapalugmok sa
kahirapan. Ang lalong nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang trabaho, ayww
magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo-sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway. nambubugbog
ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman aasenso Bakit nga ba marami sa atin ang tamad,
batugan, ayaw magbatuat ng buto, pero nangangarap ng masarap na buhay? Ay di hanggang
pangarap na lang tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang kanilang
sasabihin ay dalul sa pagkakasakal ng mga mayayaman at naghaharing-uri sa lipunan katalad ng
mga panginoong may-lupa at mga negosyante na madalas sila rin ang mga pinuno sa pulitika. At
dahil sila ang mga namumuno sa politika ang kanilang mga balakin at gawain ay patungo sa higit
na pagpapaibayo ng kanilang mga interes, ng kanilang mga negosyo at ng kapakanan ng
kanilang mga pamilya lamang. Kaya nga sila tumatakbo sa pulitika ay upang ma-proteksiyunan
ang kanilang mga negosyo at iba pang mga interes, hindi talaga kapakanan ng mgar tao ang
layunin nila. Kaya patuloy na lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang paghahari ng
mga mayayamang panginoong may-lapa o may-negosyo
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat maaaring may
kaugnayan ang dalawang dahilang ito

You might also like