Bago ko simulan ang aking talumpati nais ko munang
pasalamatan ang ating mga kagalang-galang na guro, mga
minamahal naming mga magulang, at kaibigan. At lalong lalo na sa mga kapwa ko magtatapos.
Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Naririto tayo
ngayon, nagtipon tipon upang saksihan ang pinakamahalang araw naming mga mag aaral. Isang karangalan na maipabatid ko sa inyong lahat ng personal ang aking pasasalamat.
Anim na taon, kay bilis talaga ng panahong. Parang
kaailan lang nung unang apak ko sa institusyong ito. Sa loob ng apat ng taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school maraming pangyayari na talaga namang tumatak sa aking puso’t isipan. Mayroong masasayang ala-ala, mayroon ding malungkot ngunit masasabi kong ang mga pangyayaring ito ang siyang humubog sa aking pagkatao sa kung sino ako ngayon.
Ang buhay estudyante ay hindi madali na mas lalong
pinahirapan pa ng pandemyang ating kinakaharap ngayon. Problema dito, problema doon. Deadline dito, deadline doon. Breakdown ngayon, breakdown din ulit bukas. 24 hours na walang tulog, sige. Wala sa tamang oras ang kain, okay. Ito ang naging takbo ng aking buhay mairaos lamang ang lahat ng dapat tapusin. Alam ko hindi lang ako ang nakakaranas ng mga ganitong senaryo. Ngunit mga kapwa ko mag aaral ako ay saludo sa inyo, saludo ako sa ating pagsisikap at pagtitiyaga upang makatungtung sa entabladong ito.
Mga kapwa ko magtatapos, ito ang araw na ating
pinakahihintay, ang katuparan ng ating masidhing pangarap na tumungtong sa bagong yugto ng ating buhay. Ang mga hirap na ating naranasan upang maabot ang seremonya ng paggawad, magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap.
Bago ko pa man wakasan ang talumpating ito, nais kong
ipabatid sa mga kapwa ko magtatapos sa araw na ito na sana hindi tayo sumuko sa pag abot ng ating pangarap. Alam kong madami tayong pangarap sa buhay kasabay sa pag abot nito ay ang pagsubok na siyang magtutulak sa atin upang maging mas matapang at matatag sa buhay tungo sa pag abot ng ating pangarap. Mga kapwa ko magtatapos sana’y ipagpatuloy ninyo/natin ang ating nasimulan sa araw na ito, gawin sana nating inspirasyon ang isa’t isa upang magpatuloy sa hinahangad nating tagumpay.
Nais kong pasalamatan ang lahat ng taong nasa likod ng
aking tagumpay. Sa aking kaibigan na laging nandyan, nagpapaalala na kayang kaya ko lagpasan ang lahat ng hamon ng buhay. Sa aming mga gurong gumagabay at laging nagpapaalalang “deadline na”. para sa aking mga magulang maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta at gabay, sa mga payong dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Sa pagturo sa akin ng maraming bagay lalong lalo na sa reyalidad ng buhay.
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na dumating sa aking
buhay, maraming bagay pa din ang ipinagpapasalamat ko. Maraming salamat sa pagiging bahagi ng napakaganda at napaka makabuluhang yugto ng buhay ko. Huwag tayong mangamba sa pagkabigo bagkus ito ang dahilan kung bakit tayo ay nagpapatuloy na nangangarap at nagsusumikap. Ang pagkadapa ay hindi ibig sabihin hanggang dun ka na lang bagkus ito ay nangangahulugang simula ng pagbabago na mas pinag isipang Mabuti.
Ako si April Eunice Balete ng Stem 12 nag iiwan ng
katagang “wag kang matakot madapa, as long as you keep learning, you keep winning”