You are on page 1of 2

Pangarap ng Isang Simpleng Tao

Talumpati ni Jay-ann S. Talabis

Ako, simpleng tao lang, simple, pero malaki ang pangarap sa buhay. Pangarap na masuklian ang
ibinibigay ng aking mga magulang, kahit na hindi lahat naibibigay, masaya parin ako.

Nung ako ay bata palang mura pa ang isip, wala pang gasinong alam sa mundo. Wala pang naiisip kung
anu ba ang magiging propesyon ko, at kung anu ba ang mararating ko kapag ako’y lumaki na. Subalit
ngayon akoy malaki na, marami akong pangarap na gustong abutin. Kaya sinusunod ko lahat ng payo at
pangaral ng aking mga magulang. Kapag sinabi nila na bawal yan sinusunod ko naman, siyempre alam ko
na para sa akin din ang kanilang sinasabi.

Kaya maraming salamat sa mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa aking kakayahan. Dahil kayo ang
nagsisilbing inspirasyon ko sa araw-araw at nagbibigay tatag ng aking kalooban. Na sya ko ring
hinuhugutan ng tapang upang maabot ko ang aking mga pangarap.

MARAMING SALAMAT PO!!!

Ating Abutin Ang Ating Pangarap

Talumpati ni Charmaine R. Frankie

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na
negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging
bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y
iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong
ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong
pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay
maaring umunlad.

Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa
bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila
nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin.
Takot, pagod at hirap ang dinanas ko preo nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko.
Paisaa-iasang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil.
Ito ay isang auekdota na aking iingatan na hanggang ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas at
alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan
ng lahat. Ganoon talaga. Walamg taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin
naming Nagtanim ng ubas ng lumakit bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim mabuti o
masama.Makakatuong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng
gawa.Huwag tayong tumigil hangga’t di nating natutupad ang ating pangarap.Lahat ng nangangarap ay
may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihn may
pangarap at ‘pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi
bukas,makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tera na!

You might also like