You are on page 1of 2

Ating Abutin Ang Ating Pangarap

Charmaine R. Frankie
Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang
yumaman, maging sikat na artista, magaling na
negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan,
propesyunal sa napiling kasanayan o kayay maging
bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o
matanda, may pera o wala may pangarap at itoy iyong
karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT
MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK,
IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at
kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap.
Libre ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay
mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.
Ako, nuong bata pa ako pangarap kong
matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong
nakadungaw sa bintana sa bintana na aming bahay
nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung
paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin
ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa
akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko pero nasa
kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring
sumuko. Paisa-isang metro ay nakakatibay na ko
hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba?
Marahil. Ito ay isang anekdota na aking iingatan na
hanggang ngayon ay nagpapalakas ng aking loob.
Ang pangarap ay parang mga binhi na
itinatanim sa matatabang lupa. Pinag-uukulan ng
panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking
matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di
matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga.
Walang taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay
puno na. Wala rin naming nagtanim ng ubas ng lumakit
bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim
mabuti o masama. Makakatulong ba o makakasira.
Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng
gawa. Huwag tayong tumigil hanggat di nating
natutupad ang ating pangarap. Lahat ng nangangarap
ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap.
IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihn may
pangarap at pag may pangarap may potensyal na
makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,
makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON!
Pangako Ng Mamumuno
Noemi F. Villa
Mga Pangako, mga nakakalango. Iyan ang
naidudulot ng droga sa ating buhay. Oo nga at wala
tayong gaanong kapangyarihan upang tulungan
tanggalin ang salot sa ating lipunan ngunit maaari
tayong tumulong sa ating simpleng panghihikayat.
Himukin natin ang kabataan na sumali sa ibat-ibang
larong pampalakasan. Kung tutuusin ay hindi na
kailangan pang magkaroon ng puwesto sa pamahalaan
at gobyerno upang makatulong. Maaari tayong
tumulong sa paraang alam natin. Ang paghimok sa
mga kabataan na maglalahok sa ibat-ibang libangan
kagaya ng pagsayaw, pag-awit at isports. Maraming
mga talento na hindi nadidiskubre dahil sa pagkalulong
sa mga bisyo lalo na sa bawal na gamot. Ang mga
kabataan na pag-asa ng bayan ay unti-unting nagiging
marupok dahil sa mga masasamang impluwensya.
Bakit hindi tayo magtulungan upang mailayo ang mga
inaasahan ng bayang mga kabataan? Huwag tayong

mag-away-away. Sa halip, magkaisa tayo at piliting

magkaroon ng mga namumunong may sapat na
kakayahan upang supilin ang talamak na ganid ng
lipunan.

You might also like