You are on page 1of 10

ANEKDOTA

ANEKDOTA-Kahulugan
• Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan
na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
ANEKDOTA-Katangian
1.Dapat maging makatotohanan ang
paksa- dapat batay sa tunay na
karanasan anf paksa.
2. Dapat maging kapana-panabik.
3. Dapat may isang paksa lamang.
4.Sa pagwawakas ng anekdota, dapat
isaalang-alang ang kakintalang
maiiwan sa kaiisipan ng mga
mambabasa
ANEKDOTA-Katangian
5.Dapat maging payak ang pagbibigay
ng di pangkaraniwang pangyayari.
6. Tuwirang isinusulat ang anekdota.
7. Dapat magtaglay ng mga
konkretong pangalan, aktibong
pandiwa at ilan lamang ang pang-uri
at pang-abay ang mga pangungusap
ANEKDOTA-Uri
• Ang anekdotang hango sa tunay na
buhay ng isang tao -nagbibigay sa mga
mambabasa ng pagkakataong lalong
makilala ang pansariling buhay ng taong
iyon.

• Ang anekdotang hindi hango sa tunay na


buhay -madalas na katatawanan ngunit
madalas ding may mahalagang tinutukoy.
SI PANGULONG MANUEL L.
QUEZON AT ANG
MAGWAWALIS
BUOD
• Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga
kasamahan ni Pangulong Quezon. Hinahanap
nila si Pangulong Quezon. Hanap dito hanap
doon ang kanilang ginagawa. Ngunit wala ang
Pangulong Quezon. Samantala, sa isang
malaking bato sa pangpang, isang lalaking
kakisigan ang matiwasay na nakikipagusap sa
isang matandang may hawak na walis.
Naghihinaing ang matanda sa lalaking makisig.
• Batang bata pa daw nang siya’y magsimulang
gampanan ang kanyang tungkulin. Marami daw
siyang anak. At hanggang ngayon nagwawalis pa
rin siya. Tinatanong niya kung ano ang magagawa
sa kanya ng pamahalaan. Dinadaing niya na kulang
ang kanyang arawang kita at hirap makatungtong
ng paaralan ang kanyang mga anak. Pinapagaan
ang pakiramdam ng lalaki ang kausap nitong
matandang nawawalan na ng pag-asa.
• At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa
mga kasamahan nito na gulat na gulat nang
siya’y matagpuang kausap ng magwawalis.
Pagkaraan ng ilang araw , dumating ang
gantimpala sa matanda. Tuwang tuwa ito
sapagkat tumaas ang kanyang tungkulin at
nadagdagan ang kanyang sahod. Hindi alam ng
matanda na si Pangulong Quezon na pala ang
nakausap niya.
KATANGIAN NG RETORIKA
• KASABIHAN
“Habang nabubuhay ang tao ay hindi dapat
mawalan ng pag-asa”
• IDYOMA
Bibig anghel- maging totoo ang sinabi

You might also like