You are on page 1of 2

Fil Lit 111

TAKDANG ARALIN:

1. Ano ang pinapangarap kong buhay?

Sa buhay natin, hindi maikakaila na may mga pangarap tayo - mula sa


mga bata hanggang sa mga may edad. Ang maganda dito, walang kinikilalang
limitasyon ang pangarap. Sa paglipas ng panahon, natutunan kong harapin ang
mga pagsubok na dala ng mundo. Ang pagnanais na mangarap ay isang
pribilehiyo, at sa bawat pangarap na ating hinahangad, mas lumalakas ang ating
determinasyon na ito'y tuparin.
Ako, bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, may malaking pangarap na nais
tuparin - ang makapagtapos sa kursong Edukasyon. Layunin kong maging guro
sa ibang bansa, lalo na sa bansang Japan. Hindi lang dahil sa mas mataas na
kita, kundi dahil sa pagkakataon na magbahagi ng kaalaman at kultura sa ibang
mga tao. Ang aking pangarap ay hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa
aking pamilya.
Sa bawat araw, inaasam kong mapasaya ang aking pamilya, lalo na ang
aking mga magulang. Nais kong magbigay sa kanila ng mga bagay na matagal
na nilang pinapangarap. Sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtuturing sa kanila,
nais kong maparamdam ang aking pagmamahal. Gusto kong maglakbay kasama
ang aking mga mahal sa buhay at makapagbigay ng kasiyahan sa kanila sa iba't
ibang lugar. Isa sa mga pangarap ko ay ang makita silang masaya at proud sa
mga narating ko. Ang kanilang kaligayahan ay kaligayahan ko rin.
Subalit hindi lamang ito ang mga pangarap ko. May mga bagay pa akong
nais gawin na hindi ko pa nagagawa. Nais kong matupad ang mga personal na
ambisyon na nagbibigay kulay sa aking buhay. Gusto kong maging kontento sa
mga bagay na aking nais makamit. At higit sa lahat, nais kong magkaroon ng
masayang pamilya sa hinaharap, kasama ang taong mahal ko ngayon. Pangarap
ko ang magkaroon ng sariling tahanan at masilayan ang saya ng pagsasama-
sama.
Ang pangarap ay isang biyayang mahirap igupo. Naniniwala ako na sa
tulong ng Panginoon, ang mga pangarap na ito ay maiibigay niya sa tamang
panahon, at marahil, higit pa sa ating inaasahan.

You might also like