You are on page 1of 1

Carl Eizen P.

Joaquin
11-HUMSS

TALUMPATI

Ang buhay ng isang tao ay maihahambing sa isang bahag-hari, isang simbolismo na puno
ng kulay at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan at saan ang patutunguhan. Mula sa
aking pagkabata ay may mga pangarap na akong marating sa buhay. Simple at mga mumunting
mga pangarap na para sa aking ama at ina ay nagdudulot na ng malaking tuwa at galak.
Nakagisnan ko sa aking kamusmusang isip ang ordinaryong uri ng pamumuhay. Hindi kami
mayaman ngunit may sapat na kakayahan para matugunan ang mga bagay na importante
sa aming pamumuhay.

Lumaki ako na busog sa pangaral at pagmamahal ng aking mga magulang.


Mayroong pagka-istrikto sina tatay at nanay. Pangunahing minulatsa aking kaisipan ang
pagbibigay galang at respeto sa lahat ng may buhay sa mundong ibabaw. Palagi nilang
pinapaalala sa akin na bawat mali na gagawin mo sa buhay ay may katumbas na kabayaran.

Ako ay isang halimbawa ng tao na mas masaya sa anumang uri ng lakad


kapag pamilya ko ang aking mga kasama. Hindi kami perpekto. Nag-aaway rin kami
pero iba pag sila ang aking kahalubilo. Mayroon rin akong mga kaibigan ngunit maselan ako sa
pagpili sa mga ito. Naging mataas ang aking pamantayan dahil na rin siguro sa nahawa na rin
ako sa pagigingistrikto ng aking mga magulang.

Kapag nasa legal na edad na ako, pamilya ko pa rin ang aking kanlungan. At sa aking
pagmumuni-muni sa aking buhay, napagtanto ko kung gaano ako pinagpala. Hindi
man kami mayaman, napalaki naman kami na maging mga mabubuting tao at may takot kami
sa Diyos at hinding-hindi kami napariwara. Kagaya ng isang bahag-hari, makulay ang
ating buhay pero huwag kang masyadong magpapadala. Wala tayong kasiguraduhan
kung saan man ang kanyang hangganan, pero tayo ay may kakayanan kung saan
natin gusting mapunta ang ating kinabukasan

You might also like