You are on page 1of 1

Walong-Letra

(KABATAAN)

Kabataan. Walong letra na naglalarawan sa hinaharap. Tayo raw ang nagniningning na kinabukasan, ang
tagasagip ng ating bansa sa sugo ng kahirapan at kataksilan, ang hihila sa putik ng kapighatian at ang
sandalan ng ating Inang bayan. Subalit, paano natin mapatunayan ang sarili nating kakayahan kung ang
mismo nating magulang ay nakukulong sa pagpapalaki sa kanilang mga kabataan.

Isang mapagpalang at maaliwalas na pagbabati sa inyong lahat mga Ginoo, ginang, mga guro, mga
kaklase at mga magulang. Nais kong ipalaganap ang mensaheng ito para sa lahat ng mga magulang.
Inihanda ko ang tatlong punto sa talumpating ito bagkus kailangan ng mga magulang na palakihin ang
kanilang mga munting anghel ng may dangal, respeto sa kapwa at pananampalataya sa Diyos.

Kabataan ang pag-asa. Kami ang huhubog sa kinabukasan ng ating Inang Bayan, kami ang magiging daan
upang maitakwil ang korupsyon, paghihiganti at kahirapan. Ngunit, nakasalalay lamang ang aming
magiging liwanag sa aming mga magulang. Gayunpaman, kailangan na mabigyan kami ng tamang asal, at
ugali. Dah ail ang aming kinabukasan ay makikita sa aming nakaraan.

Kabataan ang henerasyon. Mga mapagmahal naming magulang, kami ang magiging darating na doktor,
nars, guro, inhenyero at iba pa. Sa hinaharap, nakasalalay na sa amin ang buhay ng tao, ang edukasyon
ng mga bata, at ang konstruksyon ng mga gusali. Bagkus, kailangan na maituro sa amin ang pagkakaroon
ng busilak na puso, dedikasyon, at pagsisikap upang marating ang aming mga pangarap sa buhay. Kami
ang henerasyon na magpapalaganap ng seguridad, at karangalan.

Kabataan ang sandalan. Sa panahon na magiging puti na ang buhok ng aming mga magulang, kami
naman ang mag-aalaga sa inyo. Sa aming mga kamay, kayo’y aming mauuru-ga. Marahil, susuklian
naming ang paghihirap na dinaanan ninyo upang palakihin kami ng maayos. Aalagaan namin kayo
kagaya nang pag-aalaga niyo sa amin. Iparanas namin sa inyo ang karangyaan ng buhay. Kami ang inyong
magiging sandalan sa oras ng inyong kahinaan.

Kung kaya’t, ang aking munting panaginip ay maging realidad na kung saan mabubuhay tayo ng may
pagkakasundo-sundo. Ang kinabukasan naming ay nakasalalay sa inyo, mga mahal naming magulang.
Dahil kami, ang pag-asa ng bayan. Walong letra, nag-iisang pag-asa, Kabataan.

You might also like