You are on page 1of 1

Success

Lahat tayo ay nangangarap na maging matagumpay sa ating buhay at hindi na natin napapansin
ang ating kasiyahan sa patuloy na paghahabol sa ating hangarin sa buhay. Maraming nagsasabi sa atin
na gusto nilang maging mayaman upang maging matagumpay sa kanilang buhay o di kaya naman ay
magkaroon ng mataas na katungkulan o mataas na pinag-aralan ngunit naisip na ba natin na magiging
masaya ba tayo kapag nakuha na natin ang mga bagay na iyon? Ayon nga sa manunulat na si Albert
Schweitzer, “Success is not the key to happiness, happiness is the key to success, if you love what you
are doing, you will be successful”.

Maraming kinakailangan upang tayo’y magtagumpay. Ilan na lamang rito ay para makakamtan
natin ito ay sa pamamagitan ng pagpupursiging maabot ang ating minimihti, at pagiging matatag sa
pagpokus sa ating layunin. Sabi ni Hurst sa kanyang artikulo na para ikaw ay maging matagumpay ay
dapat may ambisyon ka sa buhay kung saan ito ang gusto mong maging sa paglipas ng panahon. Ayon
din kay John, na para makuha natin ang “success” ay ang tagumpay ay nakukuha mo kapag sinunod mo
ang iyong hilig.

Ayon sa Merriam-Webster, “success is the attainment of wealth, favor eminence” kung saan ay
pinapatunayan dito na ang pangkalahatang depinisyon ng success ay base sa nakuha mong yaman, mga
naabot mo sa buhay o kaya naman ay ang pagkasikat mo ngunit maaari kayang mga ilusyon lang mga
ito? Maraming mga tao na nagbabase ng tagumpay base sa kanilang yaman kung saan ay natatagalan
silang abutin ito dahil nakatuon lang ang kanilang atensyon sa layuning mas yumaman pa o kaya naman
ay mas sumikat pa. Hindi naman masama ang ganitong pananaw sa buhay ngunit anong mangyayari
kung maabot mo na ang iyong minimithi sa buhay o ‘di kaya naman ay isa ka na sa pinakamayamang tao
sa buong mundo? Naging masaya kaya sila sa pagkamit ng kanilang gusto? O naging panandalian lang ito
at pagtapos ay maglalaho rin ang kanilang mga saya.

Si Richard Branson ay isang bilyonaryo at isa sa pinakamayaman na tao ay naglahad ng kanyang


opinyon sa isang website tungkol sa depinisyon niya ng tagumpay. Ani niya, “Too many people measure
how successful they are by how much money they make or the people that they associate with,”
Branson wrote on LinkedIn. “In my opinion, true success should be measured by how happy you are.”
Ang tunay na tagumpay ay hindi nababase sa kung anong naabot mo sa buhay o kung gaano ka kayaman
dahil ang huling tanong dito ay naging masaya ka ba sa pag-abot mo nito at sa susunod na yugto ng
buhay mo sapagkat marami sa atin ay iniisip na magiging masaya sila kung maabot nila ang kanilang
gusto sa buhay ngunit pag naabot na nila ito ay wala na silang gagawin na ikauunlad ng kanilang sarili.
Marami ring mga artistang sumikat ngunit lubos ang lungkot nila sa buhay.

Hindi rason na nakuha mo na ang iyong layunin/ambisyon/layunin ay titigil ka na dahil masasabi


mo nang nagtagumpay ka sa buhay bagkos dapat panatilihin mo pa ring may kasiyahan sa buhay mo at
patuloy ang pagsaya mo. Sabi nga ni Arthur Ashe, “Success is a journey, not a destination” at kung ang
kasiyahan ang susi sa pagtatagumpay ay dapat nating panatilihing masaya tayo sa ating paglalakbay. Ang
buhay natin ay hawak natin kaya’t dapat nating siguraduhin na sumaya tayo sa bawat sandali nang
pagkamit natin sa ating mga pangarap.

You might also like