You are on page 1of 1

Replektibong sanaysay

“Anak” By Freddie Aguilar

Si Freddie Aguilar ay kilala bilang isang mang-aawit at manunulat ng mga


kantang may mga malalalim na kahulugan. Ngunit sumagi ba sa isip mo na ano
nga ba ang pangunahing layunin ni Freddie Aguilar kung bakit niya isinulat ang
awitin na ito. Ano kaya ang mensaheng nais niyang ipabatid lalo na sa mga
kabataan na nawalan ng landas o direksiyon sa kanilang buhay.
Binanggit sa awiting ito ang mga karanasang ng ating mga magulang base sa
reyalidad na kung saan nagsasakripisyo sila upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga kanilang anak. Gaya na lamang ng ginagawa ng aking
ama na kung saan siya ay nagtratrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng
sapat na sahod para matugunan ang aming pangangailangan at gayundin ang
aking ina na buong araw na nagaasikaso sa aming tatlong magkakapatid. May mga
pagkakataon tayo bilang mga anak na sa ating buhay ay iniisip natin ang mga
panandaliang saya na hindi natin alam ay magdudulot ng masama sa ating
pagkatao tulad ko na nagrebelde at palaging wala sa bahay upang mailayo ang
aking sarili sa problemang dulot ng aming tahanan. Hindi man ako naging malapit
sa aking ama na kung saan ay nasa ibang bansa at sa aking ina na nagkaroon ng
matinding poot sa aking ama ay ginawa ko nalamang silang inspirasyon upang
hindi na ito magdulot pa ng puwang sa aming relasyon. Kaya naman isa ang
awiting “Anak” ni Freddie Aguilar ang nagbigay kaalaman sa akin na huwag kong
sisihin ang aking mga magulang sa kung anong nangyayari sa aming buhay ngayon
sapagkat ang lahat ng bagay ay may dahilan at may nakalaang plano ang Diyos
para sa bawat isa sa atin bilang isang mga anak at magulang.
Tunay nga na nakakapag-pabago ng pananaw ang awiting ito dahil namulat nito
ang maraming kabataan at mga magulang na nahihirapang magkaroon ng
komunikasyon dahil sa pagkukulang ng bawat isa. Ngunit lingid sa kaalaman ng
bawat lahat na bilang isang anak at magulang ay may kaniya-kaniyang gampanin
sa pamilya. Kaya sana ay matugunan natin ang ating mga nararapat na
responsibilidad upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa ating mga
pamilya.

You might also like