You are on page 1of 4

1. Sa sulatin ni G. Nelson Joseph C.

Fabre na pinamagaang “JUST CHEW IT: SEKSUWAL


AT SENSUWAL NA PAGKONSUMO SA KATAWAN NG MGA ARTISTANG BABAE AT
LALAKI SA BUBBLE GANG NG GMA-7.” Naipakita dito ang iba’t-ibang katangian ng
isang akademikong sulatin. Ang mga sumusunod na nakita kong katangian ng kanyang
sulatin:

A. Tumpak

Ipinakita ni G. Fabre ang kanyang mga datos nang maayos. Mula sa simula ay
binigyan na niya ng importansiya ang kaniyang paksa. Naisulat nya nang maayos ang
mga datos at mga paliwanag nang maliwanag para sa mga mambabasa. Nakalagay din
ang mga reliable na sanggunian na maaaring tignan ng mga mambabasa kung ito ay
susuriin.

B. Responsable

Orihinal ang paksa na kanyang napili. Walang plagiarism na makikita. Gumamit lamang
ito ng mga piling excerpt o sipi mula sa naturang TV show na kanyang binanggit at pili
lamang ang mga salita o bokabularyong ginamit. Naglagay rin ang manunulat ng mga
pagsipi o citations upang mabigyan ng kredito ang kaniyang mga sanggunian.

C. May Pokus

Hindi ito gumamit ng mga related topic o sources na makapagpapalito sa mga


mambabasa. Hindi rin nilihis ni minsan ng may-akda ang topic sa paghahayag ng sariling
nitong opinyon. Napansin kong walang rekomendasyon na ginawa kundi puro pagpuna
lamang.

D. Matibay na Suporta

Ang akademikong pagsulat ni G. Fabre ay may sapat at kaugnay na suporta para sa


paksa. Ang mga hinalimbawang sipi ay nagmula mismo sa TV show na nabanggit.
Isinulat nya rin ang mga detalyadong diyalogo sa mga inihalimbawang segment ng TV
show. Mula rin sa mga prominenteng eksperto ang mga hiniram na quotations.
Detalyadong ipinakita ang mga siping parodiya upang maging gabay sa topic.
E. Pormal

Walang makikitang mga kolokyal o balbal na mga salitang ginamit. Iniwasan ng


manunulat na gamitin ito upang maging pormal ang kanyang pagsulat. Pawang mga
pormal na salita ang ginamit at walang bahid ng paghalaw o sa walang pamantayang
pagggamit ng mga ito.

F. Obhetibo

Ang akademikong pagsulat na ito ay may obhetibong katangian. Hindi ito nagsisimula
ng anumang isyu na magbibigay problema para sa naturang TV show na kaniyang
pinapaksa. Nakatuon sa konsepto ng pagiging konserbatibo ng kulturang Pilipino at
hindi nito nilalayong sirain ang imahe ng TV show.

G.Eksplisit

Gumamit si G. Fabre ng mga signaling words na tulad ng: gaya, sa pamamagitan, sa


kasalukuyan, atbp. Epektibo nitong napag-ugnay-ugnay ang mga konsepto at mga
teksto o pananalita sa kaniyang pagsulat. Malinaw at konkreto ang konstruksyon ng
mga pangungusap.

H.Wasto

Wasto ang mga ginamit na salita ng manunulat. Ito ang nagbigay sa pagsulat upang
maging epektibong artikulo. Hindi ito nangahas na magsalin ng mga hiram na salita
mula sa ingles na magpapalayo sa kahulugan nito. Ang mga hiram na salitang tulad ng
subjectivization at fetish ay tuwirang ginamit at isinulat ng walang pagsasalin dahil ito
ay mahirap bigyan ng direktang salin sa wikang Filipino.

I. Malinaw na Layunin

Malinaw ang layunin ng manunulat na imulat ang mga mambabasa sa lumalabis na


kapangahasan ng isang TV show sa kanilang mga segment. Walang pagbabago sa
layunin ng pagsulat mula sa simula hanggang sa katapusan. Hindi nagpaliguy-ligoy ang
manunulat sa kung ano ang kaniyang gustong sabihin.
J. Malinaw na Pananaw

Malayang naipakita ng manunulat ang kaniyang sariling ideya sa kanyang paksa.


Bagamat gumamit siya ng mga konseptwal na pananaw at konotasyon mula sa iba’t-
ibang sources. Hindi ito naging hadlang upang makabuo ito ng sariling pananaw ayon sa
mga naturang mga konspeto.

K. Lohikal na Organisasyon

Sumunod sa organisasyonal na huwaran ang pagsulat ni G. Fabre. Tipikal mang


maituturing ang kanyang sulatin dahil walang direktang introduksiyon at kongklusyon
na bahagi ay maituturing pa rin itong may lohikal na organisasyon. Marahil dahil na rin
na ito ang istilo ng pagsusulat ni G. Fabre.

L. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon

Sa paggamit ng may-akda ng mga piling sipi mula sa ilang segment ng Bubble Gang ay
malinaw na nahimay-himay nito ang mga detalye ng kaniyang tinutukoy. Punto por
puntong nabigyan ng kaukulang eksplanasyon ang mga paksa ng may-akda. Kumpleto
rin ang mga datos na sumusuporta sa kaniyang mga pananaw at may matibay na mga
sandigan.

M. Epektibong Pananaliksik

Gumamit ang may-akda ng mga akademikong hanguan at pagsipi tulad ng; (Canete,
2014), (Tolentino, 2016). Makikita rin na ang mga hanguan ay napapanahon pa dahil sa
taon kung kailan nailathala ang mga naturang hanguan o sources. Tipikal namang sa
estilong A.P.A. ang akademikong pasulat ni G. Fabre dahil sa mga porma ng
pagkakasulat ng mga pagsipi o citations.

N. Iskolaring Estilo sa Pagsulat

Madaling basahin ang pagsulat ni G. Fabre dahil naiwasan nito ang mga misspelling ng
mga salita. Gayundin, walang mapangahas na pagsasalin ng mga hiram na salita na
makakagulo sa istruktura ng bawat pangungusap at talata. May nilaang listahan ng mga
susing salita ang may-akda, bagay na nagbigay ng epektibong katangian para sa
naturang pagsulat. Maigsi man ito subalit malaman at hitik sa direktang eksplanasyon
at pananaw.

2. Layunin ng manunulat na imulat ang mga mambabasa sa lumalabis na kalabisan ng


TV show na Bubble Gang sa kanilang mga segment. Maaaring late night show na ito
ngunit may pananagutan pa rin sila para sa mga nakababatang manonood. Kailangang
tandaan na kahit na tayo ay nasa modernong panahon na ay hindi pa rin ito dahilan
upang magpakita ng anumang parodiya na may temang senswal man yan o sekswal.
Hindi ito nagpapakita ng magandang ehemplo sa mga kabataan. Para naman sa mga
artistang nagagamit (exploited) sa mga ganitong uri ng mga segment upang
makapaghikayat ng mas marami pang konsyumer o manonood, hindi ito tama para sa
may-akda. Mali aniya ang ganitong kalakaran ng mga programang pantelebisyong tulad
ng Bubble Gang.

Jhane Nicoleen C. Manlansing

You might also like