ay tungkol sa Suliraning Pang- ekonomiya na kung saan ipapakilala ang paksa, ang depinisyon kung ano ang Migrasyon at ang mga dahilan kung bakit ito naging suliranin. Nakalagay rin dito angpaglalahad at pagsusuri ng mga datos, konklusyon at solusyon sa Migrasyon.II. Suliraning Pang-ekonomiya – MigrasyonSinasabing ang migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao o grupo ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa pananaw ng maraming Pilipino, talagang isang oportunidad ito para sa kanila. Maraming maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang pook. Ngunit sa kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o panganib sa buhay. Subalit marami parin ang nakikipagsapalaran at sumusubok sa pagnanais na gumanda ang buhay. May mga uri ang migrasyon, hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usapang ito. May mga bansang