You are on page 1of 22

Francisco E.

Barzaga Integrated High School

PAGKILALA

Pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang Diyos na patuloy na gumabay sa

pagtatapos ng pag-aaral.

Lubos din ang pasasalamat ng mgamananaliksik kay Binibining Tricia G.J. S.

Alhambra at maging ang kanilang guro sa asignaturang sipnayan na si Ginang

Jevelyn R. Canada na napatuloy na gumagabay sa pananaliksik.

A.Y.R.
A.M.A.
S.S.
J.C.R.
J.C.N.
R.C.D.
J.J.L.L.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

SERTIPIKONG PAGKAORIHINAL

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Kontemporaryong Isyu ang pananaliksik ay pinamagatang“PENOMENOLOHIYANG

PAG-AARAL NG GENDER STEREOTYPE SA PILING MAG-AARAL NG

HAYSKUL”

Inihanda at iniharap sa asignaturang Kontemporaryong Isyu nagmula sa

seksiyon na Generosity ng Francisco E. Barzaga Integrated High School sa

akademikong taong 2019-2020.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik ay sinaliksik, inayos at

inihanda ng mga mananaliksik.

Tinatanggap bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura

ni

_________________________

Bb. Tricia G.J. S. Alhambra

Guro sa Kontemporaryong isyu

_______________________

Bb.Jevelyn R. Canada

Guro sa Sipnayan
Francisco E. Barzaga Integrated High School

ABSTRAK

Ang gender stereotype ang mga inaasahang gampanin at paano kumilos

ang isang lalaki at babae. Ito ay mayroong mga elemento, o mga pinaniniwalaang

dapat iakto base sa iyong kasarian.Nangalap ang mga mananaliksik ng mga datos

sa pamamagitan ng pagsarbey sa limampu’t dalawang mag-aaral mula sa ika-

sampung baitang. Mayroong apat na kasarian ito ay ang mga babae, lalaki, bakla at

tomboy na kung saan mayroon namang labin-tatlong seksyon sa baitang sampu.

Inalam ng mga mananaliksik kung sino ang mga nakaranas nito, kadalasang

pambansag at saang aspeto sila nakakaranas nito.

Napag-alaman ng mga mananaliksik ayon sa nakalap na impormasyon na

ang karaniwang nakakaranas ng gender stereotype ay ang mga bakla sa apat na

kasarian. Samantalang ang mga babae naman ang pinakamababa. Ang pinaka

madalas na gamitin sa pambabansag ay ang mahina. Ito ay ginagamit sa babae

man o lalaki. Kung titignan ay hindi lang isa o dalawa ang ginagamit na

pambabansag sapagkat nakukuha nila ito sa mga iba’t ibang tao na

nakakasalamuha nila. Ang mga pamamaraan na karaniwang ginagawa upang

maisakatuparan ang gender stereotyping sa mga biktima ay pasalita at binabase

sa kilos. Halimbawa ang pagsasabi ng hindi angkop sa kanilang sekswalidad at

ginagawang pang-aasar. Sa lipunan pinakamaraming gender stereotype

nauuusbong.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

PENOMENOLOHIYANG PAG-AARAL NG GENDER STEREOTYPE

SA PILING MAG-AARAL NG HAYSKUL

Isang Pananaliksik na Iminumungkahi sa Ilalim ng

Asignaturang Kontemporaryong Isyu

Ipinasa nina:
Rosalejos, Alyssa Y.
Amparo, Angelica M.
Salasbar, Sheila
Nayve, John Carlo N.
Reyes, Justine C.
Dolfo, Richard C.
Licas, Joaquin James L.

Marso 2020
Francisco E. Barzaga Integrated High School

PANIMULA

Rasyunal

1
Ang gender stereotype ay ang mga inaasahang gampanin at paano kumilos

ang isang lalaki at babae. Ito ay mayroong mga elemento, o mga pinaniniwalaang

dapat iakto base sa iyong kasarian. Halimbawa dapat ang isang lalaki ay malakas,

nakapagtapos at higit sa lahat hindi umiiyak at kung sa babae naman dapat siya ay

tagalinis ng kanilang bahay, tagapangalaga ng anak at hindi nagtatrabaho.

2
Ngunit base sa ilang pag-aaral, lalaki daw ang pinaka nakakaranas ng

pinakamalaking porsyento ng diskriminasyon pagdating sa stereotyping sapagkat

ang inaasahan sa lalaki ay malakas, matalino, hindi mahiyain at higit sa lahat hindi

malamya katulad ng babae. Kabilang din dito ang edad ng isang babae at lalaki

kung ang edad niya ba ay akma sa kanyang ginagawa katulad na lamang ng pag-

aaral sa elementarya na dapat 12 taong gulang pababa ang iyong edad upang

hindi ka madiskrimina.

1
Nakalap mula sa: https://4equality.weebly.com/gender-stereotypes.html

2
Nakalap mula sa: https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2018.01086/full
Francisco E. Barzaga Integrated High School
3
Bago pa man tayo sakupin ng iba’t-ibang bansa, ang gender stereotyping

ay umusbong na sa Pilipinas. Ang mga kalalakihan ay kung nais maging babaylan

ay kailangan munang magbihis babae. Halimbawa nalang ang Kalanguya ng Ifugao.

Ito ay tribo na may kani-kanilang gampanin base sa kanilang kasarian. Ang mga

babae ang magtatanim at ang kalalakihan naman ang magkakaingin. Ngunit

kababaihan parin ang mag-aalaga ng bata at mamahala sa kanilang tahanan. Ang

mga kastila ang nagpakilala satin ng patriarchy o pamumuno ng kalalakihan. Ang

mga babae ay hindi pinapayagang mamuno o pamunuan ang kanyang sariling

buhay. Inaasahan din silang sundin ang utos ng kanilang asawa at hindi nila ito

maaaring labagin dahil sila ay parurusahan. Ang kasaysayang ito ang naging daan

upang mas kilalanin ang pamumuno ng kalalakihan sa Lipunan.

4
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong nangyayari. Ang rosas ay

sa babae, asul naman ang sa lalaki. Ang Lipunan ang nagdidikta kung ano ang

dapat at di dapat gawin ng mga tao. Taong 2013 ng Setyembre, isang pag-aaral

patungkol sa representasyon ng kasarian ng Philippine Television Advertisement ay

nailimbag. Ayon sa resulta ay mataas na ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng

kasarian sa telebisyon ng Pilipinas. Halimbawa, mas maraming lalaki ang

nagtatrabaho at mas marami naman sa kababaihan ang nasa bahay. May kategorya

ang bawat produkto na pinaniniwalaan na sa babae o lalaki lamang ito.

3
ayon kay: Yolanda I. Camaya1, Guillume L. Tamayo

4
https://4equality.weebly.com/gender-stereotypes.html
Francisco E. Barzaga Integrated High School

May ilang trabaho naman na sa tingin ng lipunan ay para lamang ito sa babae

o lalaki. Katulad na lamang ng pagiging inhinyero at tsuper na pinaniniwalaang para

sa mga lalaki at mas kaya nila ito. Ang pagiging fashion designer at OB gyne na

para naman sa kababaihan. Ito ang mga trabaho na kadalasang nakakaranas ng

gender stereotype. Nagkaroon na tayo ng stigma na karamihan sa mga nasabing

trabaho ay kakaunti lamang ang makikita mong ibang kasarian. Kapag ikaw ay

nangahas na tumaliwas sa pananaw ay maaaring iba ang iisipin sa iyo.

5
Ngunit binali yan ng mga ilang sikat na personalidad at mas piniling tahakin

ang hindi nakasanayang daan. Si Sara Christian ay gumawa ng kasaysayan sa

larangan ng karera ng mga kotse taong 1949. Siya ang kauna-unahang babae na

lumahok sa NASCAR o National Association for Stock Car Auto-Racing. Pinabilib

niya ang buong mundo at pinatunayan na hindi basehan ang iyong kasarian ng

iyong kakayahan. Kahit naging maikli lang ang kanyang kasikatan, nakapagbukas

naman ito ng oportunidad para sa maraming babae upang sumali sa prestihiyosong

patimpalak.

6
Ang iba pang kasarian na nakakaranas ng gender stereotyping sa ating

lipunan ay ang mga kasapi sa ikatlong kasarian. Ang bakla at tomboy ang mga

taong nadidiskrimina dahil sa kanilang kasarian. Sa paaralan ang dapat ligtas na

lugar para sa lahat ngunit ang mga kasapi ng ikatlong kasarian ay nakakaranas ng

diskriminasyon, bullying, at iba pa. Ang ganitong abuso para sa mga bakla at

5
Nakalapmulasa: https://m.sportsbreak.com/racing /the-12-best-female-drivers-in-racing-history

6
https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/21/305350
Francisco E. Barzaga Integrated High School

tomboy ay hindi maganda dahil nalalabag ang kanilang mga karapatan. Ang ating

kongreso ay gumawa ng batas na kilala sa tawag na “Anti Bullying Law of 2013”

ginawa nila ito para mabawasan ang pang-aabuso. Ngunit hindi pa rin ito naging

madali para ito’y mawakasan dahil nakakaranas pa rin ang ikatlong kasarian nito.

Meron din na kapag marami kang kasamang lalaki ay maari kang tawagin ng

ibang tao na pokpok o malandi sapagkat naniniwala sila na dapat sa babae lamang

babae sumasama. Kung ikaw naman ay kikilos ng hindi mahinhin maari ka nilang

tawagin na taomboy dahil sa nakasanayang paniniwala na ang babae ay

sumisimbolo kay Maria Clara.

Sa Pilpinas may iilang sikat na personalidad na binali ang pananaw ng

lipunan ay hindi maipagkakaila na patuloy pa rin itong umuusbong sa lipunan.

Marami pa rin ang naniniwala sa tradisyunal na ipinasasa atin ng iba’t ibang lahi.

Kahit na maraming organisasyon o lumaganap na mga adbokasiya upang tuluyan

itong tanggapin ng lipunan ay hindi pa rin ito mapigil-pigilan. Maaaring ang

porsyento ng nakararanas nito ay bumaba dahil sa mga iba’t-ibang karanasan na

nakikita natin sa social media. At patuloy pa rin naisinusulong ng mga organisasyon

internasyunal o lokal man upang sugpuin.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Batayang Konseptwal

Input: Proseso: Output:

PENOMENOLOHIYANG
PAG-AARAL NG
Mga kalahok mula Penomenolohiya GENDER STEREOTYPE
sa piling mag- 52 PILING MAG-AARAL NG
aaral ng hayskul FRANCISCO
INTEGRATED
HIGHSCHOOL

Batayang Konseptuwal

Table 1

Ang mga mananaliksik ay kukuha ng limampu’t dalawang mag-aaral mula sa

ika-sampung baitang ng Francisco Integrated High School. Ito ay hahatiin sa apat na

kategorya ang: babae, lalaki, bakla at tomboy. Ang gagamiting proseso ay

penomenolohiya. At ang magiging resulta ay ang pag-alam ng mga mananaliksik ng

mga nararanasan na piling mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

1.Alin sa apat na kasarian ang karaniwang nakakaranas ng gender stereotyping.

2.Alamin ang mga kadalasang nararanasan na gender stereotype.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

3. Saang aspeto nakakaranas ng gender stereotype ang mga biktima..

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik ay maaaring makapagbukas ng oportunidad upang alamin

ang epekto ng gender stereotyping. Ang apat na pangunahing uri ng kasarian ay

ang mga: babae, lalaki, bakla, tomboy ay kakapanayamin ng mga mananaliksik

upang mabuo at masagot ang mga katanungan ukol dito.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

PAMAMARAAN O METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral

Ang penomenolohiya ay isang uri ng pananaliksik kung saan kung saan

pinag-aaralan ang mga nararanasan ng mga tao sa isang komunidad o grupo.

Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang limampu’t dalawang mag-aaral na

nakaranas ng gender stereotype.

Kalahok sa pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay kinuha mula sa ika-sampung baitang.

Kumuha ng mga mananaliksik ng tig iisang repondante sa apat na kasarian mula sa

labin tatlong sekyon kung kaya’t may kabuuang limampu’t dalawang kalahok.

Sampling

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga

mag-aaral na magsasagot sa sarbey, na kung saan ang mga mananaliksik ang

pumili ng mga respondante base sa pangangailangan ng pananaliksik.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Pangangalap ng datos

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos mula sa mga limampu’t

dalawang mag-aaral gamit ang sarbey ng mga mananaliksik. Ang mga mag-aaral na

nagsagot ng sarbey ay mula sa mga seksyon ng baitang sampu at ang bawat

seksyon ay may apat na respondante ng sarbey. Sa bawat seksyon ay may tig-isa

isang respondante sa bawat kasarian na babae, lalaki, bakla at tomboy.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Ang nalaman ng mananaliksik batay sa resulta ng pag-aaral na ginawa. Ang

bawat kasarian ay inalam kung sila ba ay nakaranas ng gender stereotyping.

Nalaman din ng mga mananaliksik ang pambansag ng ibang tao sa mga

respondante ng sarbey. Nakita din ng mananaliksik kung saang lugar sila

karaniwang nakakaranas ng gender stereotyping ito ay ang bahay, lipunan at

paaralan.

PIGURA 1

BILANG NG MGA NAKARANAS NG GENDER STEREOTYPING

Babae Lalaki
oo hindi oo hindi

25%
33%

67%
75%
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Bakla Tomboy
oo hindi oo hindi

10%
20%

80%
90%

Talahanayan 1

Oo Hindi Kabuuan
Babae 14 7 21
Lalaki 12 4 16
Bakla 9 1 10
Tomboy 4 1 5
Kabuuan 39 13 52

Ang pigura 1 ay nagpapakita ng bilang ng mganakaranas ng gender

stereotyping. Ang mga sagot lang ay oo at hindi. Makikita na mas malaki ang

nagsagot ng oo kaysa sa nagsagot ng hindi sila nakakaranas ng gender

stereotyping. Makikita rin na mas malaki Ang bilang ng mga bakla na nagsagot ng

oo na sila ay nakakaranas ng gender stereotyping at ang pinakamaliit naman na

bilang ay ang mga babae.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

TALAHANAYAN 2

IBAT-IBANG KLASE NG GENDER STEREOTYPE AYON SA PANANALITA

PAANO
Pagtawag ng tomboy dahil sa pananamit at nagkakagusto sa kapwa.
Patungkol sa pisikal na anyo.
Sa pananamit.
Kasi nagsasabi ang mga tao sa akin na mahina daw ako.
Sa pamamagitan ng salita.
Madalas na tinatawag na tomboy dahil sa kilos.
Batay sa aking kilos at pisikal na pananamit.
Hindi ako inaallow matuto mag motor dahil babae ako.
Sa pamamagitan ng kilos.
Kasi di naman ako nagkukunwari na bading o ano pa.
Kasi alam ng karamihan kung ano ang kasariaan ko.
Sa pamamagitan ng pananamit at kakayahan.
Pagtawag ng kung ano-ano.
Panghuhusga.
Pagsasabi sa akin na babaero at mahina.
Dahil daw sa aking galaw na masyadong malamya ngunit ako ay tunay na lalaki.
Sa klase, dahil masama ang klase na ito.
Kala nila bakla ako!
Dahil sa aking pang labas na kaanyuan.
Patungkol sa kasarian.
Sa pamamagitan ng pang-aasar.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Sa pagtawag ng bakla..
Pagsabi ng salot sa lipunan.
Dahil sa kasarian.
Yung panglalait nila sakin.
Pang-aasar.

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga naranasan ng iba’t ibang

kasarian. Iba-iba ang kanilang mga naranasan ngunit ang iba ay may

pagkakahawig. Madalas ito ay pasalita. Ang mga kababaihan ay kapag kumilos ng

hindi ayon sa inaasahan ay tinatawag na tomboy. Sa kalalakihan ay sa mga kilos ito

kadalasang tinitignan kung minsan pagmalamya ay tinatawag agad na mahina at

bakla kahit hindi naman totoo. Ang mga kasama sa ikatlong kasarian o ang bakla at

tomboy ay karaniwang inaasar dahil sa sekswalidad nito. Sila ay nilalait. Ang isa sa

mgabakla ay sinabihan ng salot sa lipunan. kung ating titignan, bawat kasariaan ay

may iba’t ibang paraan kung paano sila nakakaranas ng gender stereotype.

PIGURA 2

MGA KADALASAN NA GINAGAMIT BILANG PAMBANSAG


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Malandi Bading Pabebe pokpok


Babaero Tomboy Iyakin Mahina
23% 16%

16%

10%

8% 10% 4% 13%

Talahanayan 3

Malandi 12
Bading 12
Pabebe 10
Pokpok 3
Babaero 8
Tomboy 6
Iyakin 8
Mahina 18
Kabuuan 77

Ang pigura 2 ay nagpapakita ng bilang ng mga kadalasang ginagamit na

pambansag sa kasarian. Kung titignan ang kabuuan nito ay lagpas sa bilang ng mga

resapondante sapagkat kadalasan ay hindi lang isa ang pinambabansag sa kanila.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Ang kadalasan na ginagamit mapababae o lalaki ay mahina. Ang pinakamaliit

naman ay ang pagtawag ng pokpok sa babae. Ang mga may pantay na bilang

naman ay malandi at bading na mas mataas kumpara sa bilang na pantay ng

babaero at tomboy.

Ang pabebe ay sumunod sa pinakamataas na bilang. Ang ika-limang

kadalasang ginagamit ay iyakin.

PIGURA 3

MGA ASPETO NA KADALASANG NAKAKARANAS NG GENDER

STEREOTYPE

Aspeto Kabuuan

Paaralan 23

Tahanan 8

Lipunan 32
Francisco E. Barzaga Integrated High School

2 Babae 2 Bakla

2 Lalaki 1 Bilang

2 Tomboy

Ang pigura 3 ay tungkol sa mga aspeto na kadalasang nakakaranas ng

gender stereotype. Ang mga lugar kung saan sila kadalasang nakakaranas ng

gender stereotype ay sa paaralan, bahay at lipunan. Makikita na sa bawat kasarian

ay mas malaki ang bilang ng sa lipunan kaysa sa bahay at paaralan. Hindi rin

pantay ang kabuuan nito sa mga respondante pagkat hindi lamang iisa ang mga

napili nila.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

LAGOM, KONLUSYON AT, RECOMENDASYON

LAGOM

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga pigura at talahanayan upang ibigay ang

interpretasyon mula sa ginawang pagsasarbey. Base sa datos na aming nakalap

mula sa aming pagsasarbey, ang mga mananaliksik ay napag-alaman na halos puro

bakla, tomboy at lalaki , ang nakakaranas ng gender stereotype. Ang mga

respondante `ay mas mararing nagsagot ng oo kasya sa hindi.

Ang mga respondante ay may iba’t-ibang pananaw ukol dito. Ang iba ay

naglalahad ng kanilang sariling opinyon kung paano sila nabiktima ng gender

stereotyping .Ang mga paraan kung paano sila nabiktima ay kadalasan sa paraan

na pasalita at ito ay binabase sa kanilang kasuotan, kilos at pananalita. Mayroong

mga ideyang nabanggit patungkol sa kanilang panlabas na kaanyuan. At ang iba

naman ay nagsasabing hindi sila na di diskrimina.

Mga salik kung bakit ganito na lamang ang mga pananaw ng respondante ay

ang panlalait sa paaralan, sa lipunan at sa kanilang mga tahanan. Mas madami ang

nagsasabing sila ay mas nakakaranas ng gender stereotyping sa lipunan at mas

kakaunti sa tahanan. Ang mga pambansag na ginagamit sa panlalait ay malandi,

bading, pabebe, pokpok, babaero, tomboy, iyakin at mahina. At pinaka marami ang

nagsabi na mahina ang kadalasang ginagamit na oambansag sa kanila.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

KONKLUSYON

1. Karamihan sa respondante ay nakakaranas ng gender stereotyping.

2. May iba’t-ibang karanasan ang mga respondante ng gender stereotyping

gaya ng madalas itong binabase sa kanilang kilos at ang paraan ay

pasalita.

3. Bakla ang may pinakamataas na karanasan ng gender stereotype at ang

pinakamababa naman ay lalaki.

4. Ang mga respondante ay mas nakakaranas ng gender stereotyping sa

aspetong panlipunan.

REKOMENDASYON

 Maging alerto sa mga bagay na maaring makasakit sa kanilang damdamin.

 Maging sensitibong tao at matalino na gawing paraan na lamang ay


tumahimik at huwag manghusga ng kapwa.

 Gamiting ang pagiging edukado upang umunawa at huwag masamain ang


kilos ng bawat isa.

 Mas intindihin ang kakayahan ng isang tao kaysa sa kasarian nito.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

PANANAW NG NG MGA MAG-AARAL NG FRANCISCO E. BARZAGA


INTEGRATED HIGH SCHOOL SA GENDER STEREOTYPE SA IBA’T IBANG URI
NG KASARIAN

Pangalan (Optional): _____________________ Edad:_________________

Baitang: _______________ Kasarian: ______________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong pagtingin ng tama o mali batay
sa katanungan. Ilagay ang markang( ) sa mga kahon ayon sa iyong mga
kagustuhan. Ang lahat ng kasagutan sa sarbey ay mananatiling lihim sa
pamamagitan ng mga mananaliksik at mga katugon nito.

1. Nakaranas ka na ba ng Gender Stereotyping?

Oo Hindi

Paano:

2. Sa mga sumusunod, anong pambabansag ang madalas na sinasabi sayo

dahil sa iyo ng pagkilos at pananamit?

Malandi Bading Babaero Iyakin

Pabebe Pokpok Tomboy Mahina

Iba pa:

3. Sa anong aspeto ka nakakaranas ng Gender Stereotyping?

Sa Paaralan

Sa Bahay

Sa Lipunan

You might also like