You are on page 1of 9

Kabataan: Isang Pagtatanong

C.C Marquez, Jr.

Ako, ikawkayosilatayong mga kabataan. Saan natin ihahatid itong ating Inang
bayan? Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan? Sa paanan ba ng langit o
bunganga ng libingan?

Dapat tayong manghilakbot. Dapat tayong kilabutan sa lahat ng pangyayaring


nagaganap ng hayagan. Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman. Ang sariling
tatak natin bilang Perlas ng Silangan; kilos natin at damdamin; ang kulturat
kabuhayan. Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!

Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon ng nabaon na sa limot na duguang


mga taon?

Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy at wala ng hinahangad


kundi gulot rebolusyon? Sa kumpas ng paaralay nais pa ba natin ngayong
maglagay ng barikadat magdaos ng demonstrasyon? Di bat dahas ay sa dahas
sumugpong na lubos noon upang ganap na sikangan ang sa bayay nagsusulsol?
Kabataankabataanako ngayoy nagtatanong:

Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?

Ikaw, akokayo, sila dapat tayong mangag-isip, Itong ating Inang Bayay saan
natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig? Sa kuko ng kabiguan o tagumpay
na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig, Sa magulang at ninunoy tayong
lahat ang magpapalit. Ang kulturat kabuhayan ay linanging buong higpit Upang
tayoy makalaya sa dayuhang mapanggipit; Isang bansa Isang diwa ang satiy
bumibigkis, Tayoy mga kabataan Pilipino bawat saglit!

Ako'y nagtataka, sa ibang tulad ko;


mga kabataang, naiiba ang mundo:
bakit yata iba, ang kanilang tinutungo;
sa daan di dapat, sila'y tumatakbo:
Kabataan, saan ang tungo mo;
nalalaman mo ba, ang iyong tinatakbo?:
mali ba ito, at tama ba iyan?;
sana ay malaman, mga kasagutan:
Ikaw ay mabisyo, alak sigarilyo;
droga marijuana, yan ang hilig mo:
masasamang barkada, ang kasama mo;
masasama ang ugali, at laging nasa gulo
Sa araw- araw, ikaw ay nakikita:
kasakasama mo, ang iyong barkada:
laging nag-aabang, doon sa may kanto;
nanghihingi ng kotong, sa nagdaraang tao:
Kaya naisip kong, ako ay mapalad;
dahil nasa tama, ang daan kong tinahak:
salamat sa dyos, at akoy namulat;
sa tunay na daan at karapat-dapat:
Kaya kabataan, saan ang tungo mo?;
nalalaman mo ba, ang iyong tinatakbo?:
sana ay maisip, kaysarap mabuhay;
may saya, may ngiti at laging makulay:

Kung nakikita lamang natin habang tayoy bata pa,


Mga bagay na di masisilayan pag tayoy matanda na.
Maingat sanang pag-isipan bawat hakbang na gagawin
Higpitan pa ang hawak sa kamay ng Panginoon natin.
Ngunit habang tayo ay bata pa, ay napakadali
Na mas pahalagahan ang kasalukuyan.
Sapagkat ang kamatayan at pagkabuhay na walang
hanggan
Para sa atiy parang napakalayo at hindi pa darating
At ang kaligayahan na sa atiy nag-aanyaya
Katulad ng hamog ito din naman ay naglalaho
At magbibigay lamang sa atin ng kalungkutan,
Pagsisisi sa bawat oras na nawala at nasayang.
How does this post make you feel?

"Tula ng huwad na makata"

Malalim sa kababawan

At basang katotohanan

Pawang kasinungalingan

At huwad na kabutihan

Dinadakila ang langit

Habang ngitiy nasa lupa

Niyayakap ang pag-ibig

Subalit malayo sa kapwa

Nagpapanggap na matuwid

At lasing sa maling gawa

Kayat ang kanyang nakamit

Ay mga tropeyong lata

Bulok na katalinuhan

Kanyang ipinamahagi

At wagas na kamangmangan

Ang sa kanyay namutawi

Ako ang masamang kampon

At ito ang pekeng tula

Ako si "abuhing dahon"

Ako ang huwad makata


Mga kabataan kumilos tayot makialam
Huwag hayaang maghirap sa sariling bayan
Makiisa at sumunod sa mga patakaran
Dahil tayo ang kinabukasan ng lipunan.

Mga Bagong Kabataan

Sino ba ako?

Sino ba tayo?

Kabataan ba kamo?

Nakadapat nakahandusay

Hindi gumagalaw at bumabangon

Walang ginagawa, walang pakialam

Walang balak na tumayo at sumulong

Walang mata

Walang tenga

Walang tinig na lumalabas sa bibig

Walang paninindigan

Isang BASURA?

Basura sa BANSA!

Tinatapon, inaapaka, inaapi

Iyan ang basura

At ang kabataay busabos, nakayuko

Ang kabataay lumulubog, nang lumulubog

nang lumulubog

Natutulog? Natutulog?

Gisingin mo ang natutulog mong kaluluwa!

Pwede pang bumangon

Pwede pang lumaban

Pwede pang magbago

Katulad ng ating mga ninuno

Silang naniniwala sa ating kakayahan

Silang nagsabi na TAYO ang PAG-ASA

Pag-asa ng BANSANG PILIPINAS!

Wag nating wasakin ang kanilang paniniwala

Wang nating hayaang mapunta lang tayo sa wala

Wag nating sayangin ang mga buhay na inalay para sa ating bansa

At ang sinasabing basura?

Baguhin natin ang maling pananaw

Lahat tayo ay may iisang sigaw!

Nagbabaga, nag-aapoy, nag-liliyab

Iyan dapat tayo!

Puno ng pangarap

Nakatuon sa tagumpay

Iyang ang kabataan dito!

At sa ngayon, ikaw at ako

Sabay-saby tayo

Hinding-hindi titigil

Hinding-hindi susuko

Hanggang sa malaman ko kung sino ako

Hanggang sa magiging kagamit-gamit ako

Hanggang sa maiangat ko ang bayan ko

Alam mo na kung sino ka?

Alam mo na kung sino tayo?

Ako, sita at ikaw

Sabay nating isigaw kung sino tayo

Mga Bagong Kabataang Pilipino!

You might also like