You are on page 1of 15

i.

panimula

A. PAGPAPAKILALA SA PAKSA

1. Ano nga ba ang pagpapatiwakal ?

- Ito ay sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naayon


sa kanyang kagustuhan.

- Pagpapakamatay ( Latin - suicidium, mula sa sui caedere,


"patayin ang sarili") ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng
sariling ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay madalas na
ginagawa dahil sa kawalan ng pag asa , ang sanhi nito ay
madalas na inuugnay sa mental disorder o sakit sa isipan tulad
ng depresyon , bipolar diorder , schizophrenia , pagkalulong sa
alak, o pagkalulong sa droga .

- Ang pagpapakamatay, na kilala rin bilang isang matagumpay


na pagkitil sa sarili, ay "hakbang na pagkitil ng sariling buhay".
Ang pagsubok o hindi nakakamatay na pagpapakamatay ay
pananakit ng sarili na may pagnanais na wakasan ang buhay
nguni’t hindi nagbubunga ng kamatayan . Ang assisted suicide o
tinulungang pagpapakamatay ay kapag tinulungan ng isang
indibiduwal ang isang tao para hindi direktang kitilin ang
kanilang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo o
sa pamamagitan ng pagbigay ng paraan para ito’y
maisakatuparan . Ito ay salungat sa euthanasia kung saan ang
ibang tao ang aktibong kumikilos para sa pagsasakatuparan ng
kamatayan ng isang tao. Ang suicidal ideation o pagbuo ng
kaisipan ng pagpapakamatay ay ang pag-iisip ng pagkitil sa
sariling buhay.

2. Bakit nga ba may mga taong nagpapatiwakal ?

- Ang kawalan ng pag-asa ( despair ) ay isa ng mga karaniwang


dahilan kung bakit may ilang tao ang pinipiling kitlin ang sarili
nilang buhay . Ito ay tumutukoy sa pagkawala ng tiwala sa sarili
at kapuwa , gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas
magandang bukas pang darating . Marami sa mga nakararanas
nito ay itinuturing ang kanilang sarili na walang halaga . Ang
sanhi nito ay madalas na inuugnay sa mental disorder o sakit sa
isipan tulad ng depresyon , bipolar disorder, schizophrenia,
pagkalulong sa alak, o pagkalulong sa droga Ang mga salik ng
stress na tulad ng problemang pinansyal o mga problema sa mga
interpersonal relationship o pakikipag ugnayan sa kapuwa ang
madalas na inuugnay dito.

3. Ano ang karaniwang paraan sa pagpapatiwakal ?

 Pagbaril sa sarili: Ito ang pagpapatiwakal gamit ang isang


baril na itinutok sa sentido (temple) o puso ng isang tao. Ito ang
karaniwang paraan ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos. Ang
hindi matagumpay na pagbaril sa sarili ay maaaring maging
resulta ng pagkawasak ng mukha, pagkalumpo, coma o
paralisis na sanhi ng pagkawala ng ilang bahagi ng utak .
 Pagbibigti: Ito ang pinakakaraniwang paraan ng
pagpapatiwakal dahil sa madaling aksesibilidad ng mga
bagay na ginagamit sa pagbibigti gaya ng nylon cord, sinturon,
damit at iba pa . Ang mga bagay na ito ay ikinakabit sa leeg
upang pigilan ang pagdaloy ng dugo sa utak ng isang tao. Ito ay
nagreresulta ng cerebral hypoxia o kawalan ng oxygen sa utak
ng tao . Ang kawalan ng malay (unconsciouness) ay maaaring
maganap sa loob ng labinlamang segundo o mas matagal pa .
Ang kamatayan ay magaganap sa loob ng 15 minuto o mas
matagal pa. Ito ang isa sa pinakamatagumpay na paraan ng
pagpapatiwakal at halos 70% ng nagbibigti ay nagtatagumpay
na makamit ang kamatayan .
 Pagtalon mula sa matataas na gusali: Ang paraang ito ang
karaniwang paraan ng pagpapatiwakal na ginagawa sa
Hongkong. Ang Centre for Suicide Research and Prevention ng
Universid ng Hong Kong ay naniniwala na ito ay sanhi ng
madaling paghahanap ng mga nagnanais magpakamatay ng
mga matataas na gusali na pagtatalunan. Ang hindi
matagumpay na pagpapakamatay sa paraang ito ay
maaaring magsanhi ng permanenteng pagkalumpo ng isang
tao.
 Paglalaslas ng pulso o leeg : Isang paraan na ang layunin ay
mamatay sa pamamagitan ng pagkaubos ng dugo. Ito ay
karaniwang hindi matagumpay na paraan ng
pagpapakamatay at ang layunin ng mga gumagawa nito ay
marahil isa lamang pagsigaw ng paghingi ng tulong sa
kanilang mga problema sa buhay.
 Pagpapakalunod: Isang paraan na nagreresulta sa cerebral
hypoxia o kawalan ng oxygen sa utak ng tao.
 Paglanghap ng nakakalasong gas: Ito ang karaniwang paraan
ng pagpapatiwakal sa Japan ng ilang indibidwal na
nagkasundong sabay sabay na magpakamatay. Ang
pagpapapatiwakal ay ginagawa sa loob ng isang selyadong
sasakyan gamit ang isang hibachi (banga o lutuan na
nilalagyan ng uling). Ang bagong paraan ng pagpapatiwakal
sa Japan na pinapaniwalaang mas epektibo at mas mabilis
kesa sa carbon monoxide ang hydrogen sulfide sa
pamamagitan ng paghahalo ng detergent (panlabang
kemikal) at sulfur (bath salts).
 Pag inom ng lason: Ang bilis ng pagkamit ng kamatayan sa
paraang ito ay depende sa kemikal na ginamit ng isang
indibidwal . Sa Pilipinas, ang karaniwang kemikal na iniinom
ng mga nagpapakamatay ay "silver cleaner".
 Pagpapasagasa sa tren: Ito ang paraan ng pagpapakamatay
kung saan ang isang indibidwal ay humihiga sa riles ng
papadating na tren o pagpapabangga sa tumatakbong tren.
Ang hindi matagumpay na pagpapakamatay sa paraang ito
ay maaaring magresulta ng permanenteng pagkalumpo sa
isang tao .
 Drug overdose: Ito ang paraan ng pagpapakamatay sa
pamamagitan ng paginom ng droga sa sobrang bilang na
nagreresulta sa pagkalason ng katawan .

4. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapakamaty ng


isang tao ?

 Mga karamdamang pangkaisipan - kadalasan, may mga


karamdamang pangkaisipan sa panahon ng
pagpapakamatay na tinatantiyang nasa hanay na mula
27% hanggang sa mahigit sa 90% . Sa mga nananatili sa
psychiatric unit, ang panganib ng kanilang
pagsasakatuparan ng pagpapakamatay sa buong buhay
nila ay humigit-kumulang 8.6% . Ang kalahati ng lahat ng
taong namamatay sa pagpapakamatay ay may major
depressive disorder ; ang pagkakaroon nito o ng isa sa ibang
mga mood disorder tulad ng bipolar disorder ang
nagpapataas ng panganib ng pagpapakamatay ng 20 beses
. Kasama sa ibang mga kondisyong nauugnay ang
schizophrenia (14%) , mga karamdaman sa pagkatao (14%)
, bipolar disorder, at post traumatic stress disorder. Ang
humigit-kumulang 5% ng taong may schizophreina ang
namamatay sa pagpapakamatay . Ang mga kramdamang
may kaugnayan sa pagkain o eating diorderay ibang
kondisyong may mataas na panganib .
 Paggamit ng droga o alak -Ang pang aabuso sa droga o alak
ang ikalawang pinaka-karaniwang salik ng panganib para
sa pagpapakamatay pagkatapos ng malubhang
depresyon at bipolar diorder . Ang kapwa pabalik-balik na
pag-abuso ng alak o droga pati na rin ang malubhnag
paglalasing ay nauugnay. Kapag naisabay sa personal na
pagdadalamhati, tulad ng pagluluksa , ang panganib ay
mas lalo pang tumataas . At saka dagdag pa rito, ang
maling paggamit ng substansiya (droga o alak) ay nai-
uugnay sa mga pangkaisipang karamdaman.
 Problema sa Pagsusugal - ang problema sa pagsugal ay
nauugnay sa pinatinding imahinasyon ng
pagpapakamatay at mga pagsubok nito kumpara sa
pangkalahatang populasyon . Sa pagitan ng 12 hanggang
24% ng mga sugarol ang sumubok na magpakamatay. Ang
bilang ng pagpapakamatay sa kanilang mga asawang
babae ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa
pangkalahatang populasyon . Kabilang sa mga ibang salik
na nagpapataas ng panganib sa mga problemang sugarol
ang pangkaisipang karamdaman, pagkalulong sa alak at
droga .
 Mga medikal na kondisyon - may kaugnayan sa pagitan ng
posibilidad na magpakamatay at mga problema sa pisikal
na kalusugan kasama ang : hindi gumagaling na pananakit
, pinsala sa utak sanhi ng bagay na tumama sa ulo
(traumatic brain injury) , kanser , mga sumasailalim
sa hemodialysis , HIV, systemic lupus erythematosus , ang
ilan lamang dito . Ang pagkakatukoy sa kanser ay halos
dinodoble ang mga naunang panganib ng pagpapakamatay
. Ang pangingibabaw ng mas malaking posibilidad ng
pagpapakamatay ang nanatili pagkatapos ng pagbabago sa
karamdamang nagdudulot ng depresyon at pagkakalulong
sa alak . Sa mga taong may mahigit sa isang medikal na
kondisyon , ang panganib ay partikular na mataas .Sa
Japan, ang mga problema sa kalusugan ay nakalista bilang
pangunahing dahilan sa pagpapakamatay. Ang mga
sagabal sa pagtulog tulad ng insomnia at sleep apnea ay
mga salik na nagdudulot ng depresyon at
pagpapakamatay. Sa ilang mga sitwasyon , ang mga
sagabal sa pagtulog ay maaaring salik na makapagdudulot
ng panganib na hindi kasama ang depresyon . Ang ilang
bilang ng ibang mga medikal na kondisyon ay maaaring
magdulot ng mga sintomas na tulad ng mood disorder
kabilang ang : hypothyroidism , Alzheimer's, tumor sa
utak, systemic lupus erythematosus , at mga hindi kanais-
nais na epekto ng gamot (tulad ng mgabeta blocker at mga
steroid).

 Kalungkutan - Ang kalungkutan ay isa sa mga salik na


umaakay sa mga tao sa panlulumo at pagpapatiwakal. Si
Jouko Lönnqvist , na nanguna sa pagsusuri ng mga
pagpapatiwakal sa Finland , ay nagsabi : “Para sa marami
na nagpatiwakal , malungkot ang buhay sa araw-araw .
Marami silang libreng panahon subalit kakaunting
pakikipag-ugnayan sa iba .” Si Kenshiro Ohara, isang
saykayatris sa Hamamatsu University School of Medicine sa
Hapón, ay nagkomento na ang “pagbubukod” ang
pangunahing salik sa kamakailang bugso sa
pagpapatiwakal ng mga lalaking nasa katanghaliang
gulang sa bansang iyon .
 Pangkaisipan at ukol sa pakikisalamuha na mga kondisyon
– ang ilang pangkaisipan at ukol sa pakikisalamuha na
mga kondisyon ang nagpapalaki ng panganib ng
pagpapakamatay kabilang ang : kawlan ng pag asa
kawalan ng ligaya sa buhay, depresyon at pagkabagabag .
Ang kakulangan ng kakayahan para lutasin ang mga
problema, kawalan ng kakayahan na dating mayroon ang
isang tao, at kakulangan ng kakayahan para kontrolin ang
bugso ay mayroon ring papel . Sa mga mas nakakatanda ,
ang pag-iisip na pagiging pasanin sa iba ay mahalaga.
 Media - ang media , kasama na ang internet, ay may
mahalagang papel . Ang paglalarawan nito ng
pagpapakamatay ay maaaring may negatibong epekto na
may maraming bilang , lantad at paulit-ulit na pag-uulat
na pumupuri o dumadakila sa pagpapakamatay bilang
ang siyang may pinakamalaking epekto . Kapag ang
detalyadong paglalarawan kung paano magpakamatay sa
pamamagitan ng isang partikular na pamamaraan ay
isinasadula o isinasalarawan , ang pamamaraan ng
pagpapakamatay na ito ay maaaring dumami sa buong
populasyon . [
 Makatwiran –Ang makatwiran na pagpapakamatay ay ang
makatwirang pagkitil sa sariling buhay, kahit na
naniniwala ang iba na ang pagpapakamatay ay hinding-
hindi makatwiran . Ang pagkitil ng sariling buhay para sa
kapakanan ng iba ay kilala bilang pagpapakamatay para
sa kapanan ng iba o altruistic suicide . Ang halimbawa nito
ay ang pagkitil ng isang nakakatanda sa kanyang buhay
para makapag-iwan ng mas maraming pagkain para sa
mga mas batang tao sa komunidad . Sa ilang kultura ng
Eskimo , ito ay itinuturing na isang kilos ng paggalang ,
lakas ng loob , o karunungan.

Kasaysayan ng Pagpapakamatay

 Sa sinaunang Athens , ang isang taong nagpakamatay nang


walang pahintulot ng estado ay pinagkakaitan ng
karangalan ng isang normal na paglibing. Ang tao ay
ililibing nang mag-isa , sa malayong lugar ng lungsod, nang
walang lapida o palatandaan . Sa Sinaunang Greece at
Roma , ang pagpapakamatay ay itinuring na isang
katanggap-tanggap na pamamaraan ng pagharap ng
pagkatalo sa militar. Sa Sinaunang Roma , kahit na dati
nang pinapahintulutan ang pagpapakamatay, sa
kalaunan ito ay itinuring na isang krimen laban sa estado
dahil sa mga pang-ekonomiyang gastos nito. Ang isang
ordinansa para sa krimen na ginawa ni Louis XIV ng
Pransiya noong 1670 ang mahigit sa mas grabe na parusa
na ito : ang bangkay ng isang tao ay hinihila sa mga kalsada
, nang nakadapa , at pagkatapos ay ibibigti o itatapon sa
tambak ng basura . Dagdag pa rito, ang lahat ng ari-arian
ng taong iyon ay kukumpiskahin . Ayon sa kasaysayan , ang
mga tao sa simbahang Kristiyano na sumubok na
magpakamatay ay pinaparusahan ng pagtiwalag sa
relihiyon at ang mga namatay sa pamamagitan ng Sa
huling bahagi ng ika-19 na siglo ng Great Britain , ang
pagtatangkang magpakamatay ay itinuring na katumbas
ng pagtangkang pumatay at maaaring parusahan ng
pagbitay. Sa ika-19 na siglo sa Europa , ang
pagpapakamatay ay nag-iba ang pagturing mula sa sanhi
ng kasalanan sa sanhi ng pagkabaliw .
Pilosopiya Tungkol sa Pagpapatiwakal

 Ilang mga katanungan ang itinatanong sa loob ng pilosopiya


ng pagpapakamatay, kasama na kung ano ang bumubuo
sa pagpapakamatay, makatwirang pagpili ba o hindi ang
pagpapakamatay, at ang moral na pagpapahintulot sa
pagpapakamatay. Ang pilosopikal na argumento ayon sa
kung ang pagpapakamatay ay maaaring maging moral na
katanggap-tanggap o hindi ay nahahanay mula sa malakas
na pagtutol (pagturing sa pagpapakamatay bilang hindi
etikal at imoral) , hanggang sa mga pananaw sa
pagpapakamatay bilang isang sacrosanct na karapatan
para sa kahit na sino (maging siya man ay bata at malusog
na tao) na naniniwala na makatwiran at matapat na
pinagpasyahan nila na kitlin ang kanilang buhay.Kasama
sa mga tumututol sa pagpapakamatay ang mga
Kristiyanong dalubhasa sa pilosopiya tulad nina Augustine
ng Hippo at Thomas Aquinas , Immanuel Kant at sa
pangangatwiran laban dito , si John Stuart Mill – ang
pagtuon ni Mill sa kahalagahan ng kalayaan at
awtonomiya ay nangangahulugan na kanyang tinanggihan
ang mga pagpipilian na pipigil sa isang taong gumawa ng
mga nagsasariling desisyon . Itinuturing ng iba ang
pagpapakamatay bilang isang lehitimong bagay ng
personal na pagpili . Ang mga tagasuporta ng posisyong ito
ay pinapanindigan na walang sinuman ang dapat na
piliting magdusa nang labag sa kanilang kalooban ,
partikular na mula sa mga kondisyon na tulad ng mga
hindi na magagamot na karamdaman , karamdamang
pangkaisipan, at katandaan na wala nang pag-asang
bumuti pa . Kanilang tinatanggihan ang paniniwala na ang
pagpapakamatay ay palaging hindi makatwiran,
ikinakatwirang ito ay maaaring wastong huling kalutasan
para sa mga nagdudusa sa malalang pananakit o trauma .
Ang mas malakas na paninindigan ay nangangatwiran na
ang mga tao ay kailangang mapahintulutan na sariling
piliin para mamatay maging sila man ay nagdudusa o
hindi . Ang mga kilalang sumusuporta sa paniniwala na ito
ay sina Scottish empiricist na si David Hume at ang
Amerikanong bioethicist na si Jacob Appel .
Klasipikasyon ng Pagpapatiwakal

 Eutanasya : Ito ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na


nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng
ibang tao . Ito ay maaaring makatulong sa isang indibidwal
na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang
pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman . Ang
karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang
euthanasia ay isang miyembro ng pamilya o doktor (kung
ito ay legal sa isang bansa) . Ang euthanasia ay isang moral
at pampolitikang isyu sa maraming bansa , tulad ng
kinasangkutang iskandalo ng doktor na si Dr. Jack
Kevorkian , isang doktor na tagapagtaguyod ng karapatan
ng mga taong nagnanais magpakamatay sa pamamagitan
ng euthanasia . Dahil sa pagsasagawa ni Dr. Kevorkian ng
euthanasia sa ilang pasyente, siya ay nahatulang
mabilanggo sa kulungan. Ang ilang bansa na may batas na
pumapayag sa euthanasia ang Switzerland kung saan ang
klinikang Dignitas sa bansang ito ang dinadayo ng mga
indibidwal mula sa ibang bansa na nagnanais
magpakamatay sa pamamagitan ng euthanasia.
 Murder suicide: Isang pagpatay-pagpapatiwakal kung saan
ang isang indibidwal ay pumatay ng isa o higit pang mga tao
bago patayin ang kanyang sarili . Ang ilang akto na
kabilang sa murder-suicide ang:
o Pagpapakamatay ng mga suicide bomber: Ito ang
papagpapatiwakal kung saan ang isang indibidwal ay
isinakripisyo ang kanyang buhay alang alang sa isang
ideolohiya kabilang na ang relihiyon o politika. Ito ay
maaring bunsod ng paghihiganti o pagpoprototesta sa
mga kalaban ng ideolohikal na ito.
o Pagpatay ng mga miembro ng sariling pamilya. Ito ang
pagpapatiwakal na ang layunin ay pigilan ang sakit at
paghihirap na haharapin ng mga miyembro ng
pamilya, tulad ng asawa at mga anak na
nakasalaylay lamang sa taong nagpatiwakal. Ang
problemang pinansiyal ang karaniwang motibasyon
ng mga magulang na pumatay ng kanilang sariling
mga anak bago nagpatiwakal. Kabilang din dito ang
pagpatay ng isang asawa sa sariling mga anak bilang
paghihiganti sa naiwang asawa dulot ng diborsiyo o
pangangaliwa ng isang asawa.
o Krimen ng pag-ibig: Isang pagpapatiwakal na ginawa
ng isang indibidwal matapos patayin ang kanyang
kasintahan o asawa bunsod ng biglaang simbuyo ng
pagseselos, galit o dalamhati sa taong ito.
o Pambabaril sa paaralan: Ito ang pagpapatiwakal ng
isa o maraming estudyante pagkatapos isagawa ang
pamamaril sa loob ng paaralan. Ito ay karaniwang
resulta ng "bullying" (pang aabuso o panliligalig) sa
mga estudyante ng iba pang estudyante at ang hindi
pagaksiyon ng paaralan dito na naging dahilan upang
ang mga estudyanteng ito ay mapoot sa kanyang
paaralan at sa mga estudyante nito . Ilang halimbawa
nito ang Columbine Highschool Massacre noong 1999 at
pambabaril-pagpapatiwakal ng estudyanteng si Seung
Hui Cho sa Virginia Tech noong 2007 .
o Kasunduang Pagpatiwakal (suicide pact): Isang
kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit na indibidwal
na isagawa ang pagpakamatay ng sama sama sa isang
lugar, o hiwalay na lugar ngunit parehong oras. Ang
gawaing ito ay karaniwang nangyayari sa Japan at
Korea kung saan ang mga indibidwal ay naghahanap
sa internet o forum ng ilang indibidwal na nagnanais
din magpakamatay. Ang karaniwang paraan ng
suicide pact ay ang pagpapakamatay ng mga
nagkasundong indibidwal sa pamamagitan ng
paglanghap ng nakakalasong gas gaya ng Carbon
Monoxide o Hydrogen Sulfide sa isang saradong
sasakyan o kwarto.
 Mass suicide o Pagpapatiwakal sa isang kulto: ito ay
pagpapatiwakal kung saan ang isang malaking bilang ng
mga tao ay sabay sabay na nagpakamatay dahil sa
parehong paniniwalang ideolohikal kabilang na ang
relihiyon at politika. Ang isa sa natalang pinakamalaking
mass suicide sa kasaysayan ang ginawang
pagpapakamatay ng 909 miembro ng kulto ng
mangangaral na Jim Jones sa Jonestown, Guyana noong 18
Nobyembre 1978.
 Pagpapatiwakal upang takasan ang isang parusa: Ito ang
pagpapatiwakal na karaniwang ginagawa ng mga kriminal
sanhi ng pagsisisi sa kanilang nagawa o takasan ang
pagkakulong sa bilangguan ng mahabang panahon .
Talaan ng mga bansang may pinakamataas na insidente ng
pagpapatiwakal:

Pagpapatiwakal bawat 100,000 tao kada taon[159]

Ranggo Bansa Lalake Babae Kabuuan Taon

1 Lithuania 70.1 14.0 40.2 2004

2 Belarus 63.3 10.3 35.1 2003

3 Russia 61.6 10.7 34.3 2004

4 Kazakhstan 51.0 8.9 29.2 2003

5 Hungary 44.9 12.0 27.7 2003

6 Guyana 42.5 12.1 27.2 2003

South
7 N/A N/A 26.1 2005
Korea[160][161]

8 Slovenia 37.9 13.9 25.6 2004

9 Latvia 42.9 8.5 24.3 2004

2004
10 Japan 35.6 12.8 24.0
B. ANG SARILING PANANAW SA PAKSA

 Para sa akin siguro nga masama ang magpatiwakal dahil


ito ay kasalanan sa Diyos ngunit ano nga ba ang magagawa
naten kung ito lang ang nakikitang paraan ng mga taong
iyon para matapos na ang kanilang paghihirap . Hindi
naman natin sila maaring husgahan dahil hindi natin
alam ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay , malay
ba naten isa ren tayo sa mga dahilan kung bakit nila ito
gagawin / ginawa sa kanilang mga sarili . Sa totoo lamang ,
ako rin ay dumaranas ng depresyon at talagang minsan
naiisip ko na rin ang magpatiwakal . Siguro dahil na rin sa
stress at mga taog nakapaligid sa akin pati sa mga
masamang pinagdaanan ko sa buhay at hanggang ngayon
ay hindi ko pa ren magawang matakasan at makalimutan .
Napakahirap labanan ang depresyon lalo na kung walang
taong tumutulong at gumagabay sa iyo para malagpasan
ito. Karaniwan rin naman kahit sabihin o ipaalam mo ito
hindi ka nila papansinin , hindi ka nila papaniwalaan ,
hindi ka nila mauunawaan kase wala naman nga silang
alam sa mga paingdadaanan mo kase akala nila okay ka
lang , wala kang problema , pero hindi nila alam sobrang
bigat na pala ng dinadala mo na minsan gusto mo ng
sumuko at bigla na lang maglaho o kaya gusto na lang
tapusin ang buhay mo para rin matapos na ang paghihirap
mo . Ang hirap labanan at lagpasan mag isa ang problema
lalo na kung matagal mo na itong nilalabanan at hanggang
ngayon di mo pa ren nalalagpasan at talagang ramdam mo
na hindi mo na kaya pero kailangan pa rin na kayanin kase
may mga gusto ka pang gawin sa buhay at ayaw mo pang
matapos ang buhay mo dahil sa mga poroblema na yan
ngunit paano kung talagang pagod na at ramdam na
ramdam mo na gusto ng sumuko ng katawan mo , lahat ng
parte ng buong pagkatao mo gusto ng sumuko , paano na
diba ? Wala ka ng ibang maiisip na dahilan kundi
magpakamatay kase alam mo na yun na yung
pinakamadaling paraan para matapos na yung paghihirap
mo.
II.mga argumento sa isyu

A.Buod ng mga Argumento

B. Mga Impormasyong Sumusuporta sa Argumento


iii.ang sariling posisyon sa isyu

A. Unang Punto ng Iyong Posisyon


1. Opinyon sa Unang Posisyon

2. Ebidensya

B. Ikalawang Punto ng Iyong Posisyon

1. Opinyon sa Ikalawang Posisyon

2. Ebidensya
C. Ikatlong Punto ng Iyong Posisyon

A. Opinyon sa Ikatlong Punto

B. Ebidensya
IV.KONKLUSYON

A. Buod ng Iyong Konklusyon

B. Plano ng pagkilos

You might also like