You are on page 1of 3

Makaluma, Makabago,Nagbabago

Tagu-taguan maliwanag ang buwan...", " Nanay, tatay gusto ko tinapay...", at " Langit, lupa,
impyerno. Im-im-impyerno...", ito ang mga naririnig ko noong ako'y bata pa. Ginagamit ito sa
mga iba't ibang laro kung saan lahat ng mga bata ay nagdadamayan at nagkakaisa. Ito ay isang
musika sa pandinig ng mga bata, kinakanta upang maaliw ang kanilang damdamin. Alam mo na
siguro ang aking tinutukoy. Ano nga ba ito? Ito ay ang pinakamamahal natin na mga laro, ang
Laro ng Lahi.

Ano ba ang laro ng lahi? Ito ay ang mga katutubong laro na maituturing palatandaan ng ating
lahi. Ito pa ay namana natin mula sa ating mga ninuno. Kaya'y dapat natin itong pangalagaan sa
pamamagitan ng paglalaro, pagpapalago, at pagtatangkilik ng mga ito. Ito ang mga laro kung
saan binuo, pinasaya, at pinayabong ang aking pagkabata. Lahat ng aking mga kaibigan ay
nagkakaisa, nagtutulungan, at nagdadamayan dahil sa impluwensya ng mga larong ito. Hindi
mabubuo ang aking araw kung hindi ako makakapaglaro, hinahanap-hanap sa bawat paglipas ng
oras. Ilan dito ang Piko, Lupa't langit, Bamsak, Tumbang preso, Patintero, at iba pa. Sa paglalaro
ng mga ito, mahuhubog natin ang ating kaisipan at masining na damdamin. Pero hindi natin
maibabalik ang panahon, hindi natin ang ating pagkabata. Sa paglipas ng panahon ay may mga
pagbabago, kung saan nakakalimutan at unti-unting naglalaho ang mga kinagisnang laro. Bakit
kaya ito ay nagbago? Ito'y nagbabago dahil sa mga makabagong teknolohiya at umusbong ang
tinatawag na video games.

Ang video games ay isang patok na laro kung saan ay ginagamit ang kamay, mata, at ang
isipan. Dito nabubuo ang kaniya-kaniyang stratehiya upang manalo sa isang laro. Kailangan din
ang koordinasyon ng kamay at mata upang hindi matalo sa bawat laro. Ang larong ito ang siyang
bumuo ng aking pagkabinata, ito ang nagpayabong at nagpatalas sa aking isipan upang bumuo
ng mga iba't ibang stratehiya. Hindi rin mawawala ang multiplayer, sa pamamagitan nito ay
nakakalaban ko ang aking mga kaibigan. Karaniwang nilalaro ko ay ang Super Mario, Grand Thef
Auto, Crash Bandicoot, Sonic the Hedgedog, Pokemon, Marvel vs Capcom, Resident Evil, Tekken,
at marami pang iba. Malalaro mo ito sa pamamagitan ng Gameboy, Play Station, at sa mga
kompyuter. Ngunit hindi rito nagtatapos ang pag-usbong ng mga iba't ibang laro, nagsimula sa
video games patungo online games. Ano kaya ang larong ito? Ano ang mga karaniwang nilalaro
sa online games?

Ang online games ay isang uri ng laro na nilalaro sa kompyuter at sa selpon. Ito ay
gumagamit ng internet, hindi ka makakapaglaro kung walang data o internet. Ang online games
ay sumasaklaw sa simpleng texto hanggang sa kumlipkadong mga grapiko at virtual na mundo
na may maraming manlalaro. Ang larong ito ay naging libangan ko upang maiwasan ang
pagkabagot. Hindi ko malilimutan ang mga harutan naming mga magkakaibigan kung kami'y
naglalaro ng mga ito; naghihiyawan kung makakapatay, nagsisitalunan kung mananalo, at
nanahimik kung matatalo. Kami'y nagpaparamihan ng panalo at nag-uunahan sa ranggo. Ang
mga larong ito ay Clash of Clans, Vain Glory, Life Afer, Arena of Valor, Call of Duty, League of
Legends, Crossfire, at syempre hindi mawawala ang Mobile Legends at Defense of the Ancient o
mas kilala bilang DOTA. Ang mga larong ito ay may online na komunidad na nagpapakita ng
malawak na pakikisalamuha sa kapwa ng mga manlalaro. Pero ano ba ang kadalasang
nilalarong online games ng mga kabataan? Ito ay ang Mobile Legends na nilalaro sa selpon at
DOTA naman sa kompyuter.

Ano ba ang Mobile Legends at ang DOTA?Ito ay 5 v 5 multiplayer game kung saan
nakakalaban ang iba't ibang manlalaro sa bawat sulok ng mundo. Ang Mobile Legends at DOTA
ay kilalang laro dahil maraming manlalaro ang naglalaro nito. Ito rin ang laro kung saan
mahahasa ang mga sumusunod: paggawa ng desisyon, koordinasyon ng mata at kamay, at mas
mabilis at mas eksaktong pag-iisip. Ito ay patok sa mga kabataan dahil sa magandang disenyo ng
laro, ang mapa ay madaling maunawaa at maintindihan, at ang mga hero ay madaling laruin.
Dahil ito ay mga sikat na online games, maituturing na itong isang internasyunal na laro na
naibilang sa South East Asian (SEA) games.

Kahit maraming umuusbong na mga laro gaya ng mga video games at online games, hindi
parin mawawala ang pagkamalikhain ng mga kabataan sa paglalaro. Kahit nandiyan ang Mobile
Legends at DOTA, unti-unting tinatangkilik ang mga laro ng lahi. Nilalaro na rin ito sa Intramurals
sa mga paaralan, pinagtitipon-tipon ang mga estyudante upang mahikayat at tangkilikin ulit ang
larong ito.

You might also like